Chapter 10

335 7 0
                                    

Kelly POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa restaurant kahit wala akong gana, ayaw ko naman na magmukmok sa bahay dahil maalala ko lang ang naging sagutan namin ni Phoenix.

Habang nagtitipa ako sa aking laptop ay may kumatok sa pinto at nang magbukas ito ay nakita ko ang nakangiting mukha ng pinsan ko.

"Hey, Kelly." masiglang bati niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Hello, Basti! Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.

"Last week pa ako nandito, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras para bisitahin ka."

"Akala ko ay nakalimutan mo na ako." nakangusong turan ko.

"Pwede ba naman 'yon? Eh isa ka sa paborito kung minsan. Ang laki na ng restaurant niyo at ang raming customers, balita ko marami na din itong mga branches."

"Naswertehan lang kaya gano'n at syempre dahil din sa hardwork ng parents ko." sagot ko sa kanya.

"Para ka namang others! Syempre pati din sa pagiging hardwork mo, hindi lang sila ni Tita. Anyway, are you free today?"

"Wala naman akong gagawin ngayon. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Good then, Yayain sana kitang lumabas."

"Sure, sige mag aayos lang ako." saad ko sa kanya at tumango naman siya.

"I heard may boyfriend ka na daw?" tanong niya sa akin ng nasa sasakyan na kami.

"Y-yes." maikling sagot ko.

"Mabuti naman at may nagkamali sa brat na katulad mo." pagbibiro niya kaya nakatilim siya ng sabunot sa akin.

"Ang ganda ganda ng lahi natin tapos sasabihin mo sa akin 'yan? Anong akala mo sa akin walang magkakamali?" saad ko.

"Pwedeng oo pwede din hindi. Pero sino ang lalaking 'yon?"

"Si Phoenix Anderson." sagot ko.

"You mean ang nag iisang anak at tagapagmana ng mga Anderson? Ang alam ko siya na din ang CEO ng kompanya nila ah."

Tumango naman ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa upuan. "Ang balita ko babae 'yon ah, sigurado ka bang hindi ka niloloko no'n? Baka mamaya may ibang babae 'yan na hindi mo lang alam." dagdag niya pa.

"Dati oo, marami naman na tayong nakakaalam niya pero nagbago na siya. At isa pa kilala na ako ng mga magulang niya, pareho kaming legal both families." wika ko.

"Good to hear that."

Wala ng nagsalita pa sa aming dalawa hanggang sa makarating kami ng mall, ipinark niya lang ang kotse at saka pumasok na kami sa loob.

Halos isang oras na kaming paikot ikot at marami na din kaming nabibili na dalawa, ito ang gusto ko sa pinsan kung 'to kasi hindi siya pala reklamo. Kaya kaming dalawa ang magkasundo pagdating sa shopping.

Nang mapagod na kami ay nagpasya kaming kumain na muna dahil pareho kaming nakaramdam ng gutom.

"Wala ka pa bang ipapakilala sa amin?" tanong ko sa kanya habang hinihintay namin ang order na pagkain.

"Alam mo naman na wala pa sa isipan ko ang bagay na 'yan. Stress na nga ako sa work dadagdag pa ba ako?"

"Para namang sinasabi mong sakit ng ulo kaming mga babae sa inyong mga lalaki." saad ko.

"Sort of, try to ask your boyfriend."

Nang dumating na ang pagkain namin ay hindi na kami nag usap. Gutom na din kasi talaga ako dahil hindi ako nakapag almusal.

"You look stress cousin." pagbasag niya sa katahimikan namin.

"Marami lang ginagawa nitong mga nakaraang araw, alam mo naman." sagot ko sa kanya.

"Akala ko naman stress ka sa jowa mo kasi isusuggest kung hiwalayan mo na lang. Mas maganda kapag single kasi walang problema."

Tumawa naman ako sa kanya at saka nagpatuloy sa pagkain. Ilang beses ko na din tiningnan ang phone ko pero wala talaga tawag na galing sa kanya. Nakakainis!

Nang matapos kaming kumain ay hinatid na ako pabalik ni Bastis sa restaurant dahil may pupuntahan pa din siya. 20 minutes lang ang naging biyahe naman, niyaya ko pa ang pinsan ko sa loob pero tumaggi na siya.

Napansin ko ang kotse ni Phoenix na nakaparada sa gild kaya sigurado akong nasa loob siya, hindi naman pwedeng hindi ko siya harapin dahil lang sa naiinis ako sa kanya at isa pa hindi ko alam kung kanina pa siya nandito. Pagpasok ko ay sinenyasan ako ng isa sa empleyado ko na nasa loob daw ng opisina ko si Phoenix.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang prenteng nakaupo, nakasuot pa ito ng business suit kaya alam lung dumiretso siya dito pagkatapos ng work niya.

"Where have you been?"

"Lumabas kami ni Basti, nagpunta lang kami sa mall at saka kumain." sagot ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Who is he?"

"He's my cousin." nakalimutan ko pa lang ipakilala sila sa isa't isa.

Tumango naman siya. "Siguro naman hindi na mainit ang ulo at pwede na tayong mag usap?"

Bumuntong hininga naman ako at saka umupo sa tabi niya. "I'm sorry." mahinang anas ko.

"Ako ang dapat na mag sorry sayo Kelly, alam kung nasaktan kita sa mga sinasabi ko kagabi at iniisip mo na kinakampihan ko siya." yumuko naman ako at hindi nagsalita.

"I know I've been jerk yesterday alam kung naiinis at nagagalit ka na tapos sinabayan ko pa. Alam mo naman na mahal na mahal kita at kahit kailan hindi kita tatalikuran, kaya sana huwag mong isipin na mas kinakampihan ko siya kaysa sayo dahil hindi mangyayari ang bagay na 'yan. " dagdag niya pa.

"W-wala naman problema sa akin 'yon kasi alam ko naman na hindi talaga maiwasan sa isang relasyon ang hindi pagkakaunawaan at pag aaway. Sadyang mainit lang talaga ang dugo ko sa babaeng 'yon, wala akong tiwala sa kanya." pag amin ko.

Ngumiti naman siya sa akin. "I will never force you to like her kasi choice mo 'yon. Susuportahan ko kung ano ang desisyon mo. Hindi mo naman kailangan magustuhan ang isang tao kung ayaw mo, mas mabuti na maging totoo kaysa maging fake."

"Mahal kita Kelly Devone." dagdag pa nito na ikinapula ng mukha ko.

"Mahal na mahal kita, Phoenix Mattias." sagot ko naman sa kanya.

"Sa susunod huwag kang basta basta aalis ng hindi man lang nagsasabi o nagpapaalam. Baka mabaliw ako kakahanap sayo."

Hinampas ko naman siya sa kanyang braso. "Kahit saan naman ako magtago ay sigurado akong mahahanap mo naman ako, you have all connections." irap ko.

"Buti naman alam mo at kapag hindi ka talaga nagpahanap ay mapipilitan ako na tawagan sina Mommy."

"Iistorbohin mo pa sila, alam mo naman na busy ang mga parents mo." saad ko.

"Kaya nga huwag mo ng uulitin."

"Oo na.," natatawang sambit ko.

Niyakap niya naman ako ng mahigpit.

One Hot NightWhere stories live. Discover now