Chapter 28

248 9 0
                                    

Kelly POV

Maaga akong nagising para makapagluto ng almusal at pagkatapos ay naglinis na din muna ako, hindi naman ako mahihirapan dahil hindi naman masyadong malaki itong unit ng condo namin. Ilang araw na ang lumipas simula ng huling pag uusap namin ng pinsan ko, hindi niya na ako kinikibo at naiintindihan ko naman dahil alam kung kasalanan ko. Isa pa sa ipinagtataka ko ay  mukhang hindi yata nanggugulo si Phoenix, marahil ay nag overthink lang talaga ako ng malala.

Habang nagwawalis ako ay nakita ko si Basti na kalalabas lang ng kanyang kwarto, nakabihis na din ito kaya mukhang may lakad siya "Aalis ka?" tanong ko.

"Yes, I have a meeting" maikling sagot nito.

"Kumain ka na muna at maaga pa naman. Nagluto na ako ng almusal." saad ko

"I'm still full, sa office na ako kakain." aniya at saka inaayos ang papeles na hawak niya. Alam kung galit pa din siya sa akin hanggang ngayon at hindi ko naman siya masisisi.

"Bast, sorry sa mga nasabi ko nakaraan. Hindi ko sinasadya ang mga 'yon. Natakot lang ako sa pwedeng mangyari. Alam kung selfish ako pero hindi mo naman ako masisisi dahil iniiwasan ko lang ang kung anong pwede mangyari. Paano kung hindi niya matanggap ang bata? Paano kung may pamilya na siya? Paano kung kunin niya sa akin si Matt." ani ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Hindi ako galit sayo, sumama lang ang loob ko dahil mukhang ako ang sinisisi mo sa nangyari. Kahit naman siguro sino ang kasama ng bata ng araw na 'yon kung talagang magkikita sila ay mangyayari ang bagay na 'yon. Nakukuha ko ang punto mo pero karapatan pa din ni Phoenix na malaman ang tungkol sa bata. Alam mo sa sarili mo kung gaano ka gusto ni Matt na makilala ang kanyang ama pero dahil mahal ka niya ay ginagalang niya ang desisyon mo. Oo alam kung gago si Phoenix dahil sa ginawa niya sayo pero sana huwag mong idamay ang bata dahil may responsibilidad din siya dito at isa pa hindi mo pa naririnig ang side niya, baka kasi mali ka lang ng nakita o pinaniwalaan. Alam mo Kelly, hindi ka tuluyang magiging masaya kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan at takot. You need to move on and look forward at mangyayari lang 'yon kapag hinarap mo ang ama ng anak mo, hayaan mo siyang depensahan ang sarili niya na hindi mo nagawa noon at pagkatapos ay do'n ka magdesisyon." mahabang sabi niya

"Kasi sa nakikita ko naman ay mahal mo pa siya at mukhang gano'n din naman si Phoenix. Sadyang natatakpan lang ng sakit at galit 'yang puso mo. At isa pa alam natin pareho na matagal ng nangungulila si Matt sa isang ama. Take a risk Kelly, hindi mo naman malalaman ang kalalabasan kung hindi mo susubukan. May pamilya man o wala si Phoenix ay hindi magbabago na siya ang ama ng anak mo at may karapatan siya dito. Naniniwala ako na ibibigay niya ang apelyido niya sa bata at magpapakatatay siya dito, hindi niya sisirain ang pangalan niya sa ganitong usapin." dagdag pa nito. Hindi na din siya nagtagal dahil kailangan niya ng umalis.

Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis ng makaalis ang pinsan ko at dahil tulog pa naman ang anak ko at ayaw ko naman siyang gisingin dahil alam kung pagod ito at isa pa ay maaga pa naman.

Habang nagwawalis ako ay narinig ko na may kumakatok sa labas, nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita. At dahil mukhang walang planong tumigil ang kung sino man sa labas ay nagpasya na akong buksan ito.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ng taong hindi ko inaasahan na makita ko ngayong araw. "P-phoenix. . ." nauutal na banggit ko sa kanyang pangalan.

"Bakit mukhang nagulat ka yata ng makita ako?" 

Pilit kung pinapatatag ang sarili ko para hindi niya mahalatang kinakabahan ako, sana lang ay huwag magising si Matt muna. "Ang feeling mo din 'no? Bakit naman ako magugulat sa pagmumukha mo? Psh! Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya

Humakbang naman ito palapit sa akin. "Alam kung alam mo kung bakit ako nandito Kelly, alam mo kung ano ang kailangan ko." seryosong saad niya

"Wala akong alam sa sinasabi mo." singhal ko sa kanya.

"Really?" humakbang siya palapit sa akin habang ako ay umatras naman. "Then, where is my son?"

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. "Are you on drugs Phoenix? Anong anak ang pinagsasabi mo?" anas ko.

Ngumisi naman siya sa akin. "Alam kung 'yan ang sasabihin mo pero hindi ako tanga Kelly para pumunta dito ng walang patunay. Tapos na ang pagpapanggap mo at pagtatago sa anak ko dahil alam ko na ang totoo."

Napalunok naman ako ng ilang beses. Bakit ba kasi nagtatanong pa ako eh alam ko naman kung ano ang sadya niya, sadyang hindi ko lang talaga napaghandaan ang bagay na ito, pero hindi ako magpapasindak sa kanya. "Ano naman ngayon kung may anak ka?" matapang na turan ko.

Nakita ko naman ang pagtagis ng kanyang bagang. Hindi ako papayag na maging mahina sa harap niya, siya ang nakagawa ng kasalanan sa akin kaya hindi ako ang dapat matakot sa kanya. 

"Are you seriously asking me that question Kelly? Tinanggalan mo ako ng karapatan maging ama sa bata!"

"Bakit nagpakaama ka ba?" madiin na wika ko.

"Huwag mong isisi sa akin na hindi ako nagpakaama sa kanya dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ko alam na may anak ako! Ikaw ang nagtago sa kanya sa akin!"

"Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nagloko sa atin! Hindi ko kasalanan na hindi mo alam ma nabuntis mo ako!" wika ko.

"I never cheated on you Kelly. I want my son!" pinal na sabi niya.

"Sa tingin mo ba hahayaan ko na makilala ka niya? After what you have done? Wala ka ng lugar sa buhay namin Phoenix dahil masaya na kami!" saad ko.

"Iyan din ba ang gusto ng anak ko? O baka naman ikaw lang ang may gusto. Alam kung galit ka sa akin kahit wala naman basehan 'yang galit mo pero hindi ko alam na ganyan ka kaselfish para hindi  ipakilala ang bata sa kanyang ama."

"Selfish na kung selfish wala akong pakialam! Ako ang naghirap sa kanya, ako ang nagpalaki at bumuhay sa kanya. Kaya wala kang karapatan para sabihin sa akin ang bagay na 'yan dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko!" sigaw ko.

"Ang sabihin mo Kelly, sarili mo lang talaga ang iniisip mo! Pati bata idadamay mo pa na wala naman kinalaman! Huwag mong isisi sa akin ang paghihirap mo dahil ikaw ang pumili ng bagay na 'yan, kung una pa lang ay sinabi mo na sa akin ang totoo ay hindi tayo hahantong sa ganito. Kung wala akong alam sa pinagdaanan mo mas wala kang alam sa pinagdaanan ko ng umalis ka ng walang pasabi!"

"Umalis ka na lang." mahinang saad ko, ayaw ko ng makipagtalo sa kanya dahil alam kung hindi naman siya papapapigil.

"Gusto kung makilala ang anak ko, Kelly."

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko Phoenix? Masaya na kami kaya huwag mo ng guluhin pa ang buhay namin. Hindi kailangan ng anak ko ang isa ama!" pagpupumilit ko.

"You know what I'm capable of Kelly, hindi ka talaga makausap ng maayos pwes magkita tayo sa korte!"

"Nababaliw ka na ba Phoenix? Hindi mo ba iniisip ang pwedeng maramdaman ng bata kapag idadaan mo sa ganyan na bagay?" inis na turan ko.

"Baliw na kung baliw! Wala akong pakialam Kelly. Ikaw ang mamili hahayaan mo akong makilala ng anak ko at dadaanin ko sa ibang paraan."

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sobrang inis sa lalaking kausap ko. Alam kung gagawin niya ang lahat para makuha lang ang gusto niya pero hindi ko naman hahayaan na masaktan ang anak ko dahil lang sa away namin.

Agad na pumasok sa isipan ko ang sinasabi sa akin ni Basti kanina habang nag uusap kami bago siya umalis, tama naman siya na may karapatan si Phoenix sa bata. Hindi naman siguro masama kung hahayaan ko silang mag ama na magkakilala.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon