Chapter 14

277 8 0
                                    

Phoenix POV

Yakap yakap ko ngayon si Kelly na umiiyak, hinayaan ko siyang gawin ang kung ano man ang gusto niyang gawin sa akin para lang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko ininda ang sakit ng ginagawa niyang pagsabunot at pagsuntok sa akin, hindi ko siya pwedeng bitawan dahil kapag ginawa ko 'yon sigurado akong mawawala siya sa akin ng tuluyan at 'yon ang hindi ko hahayaan na mangyari.

Hindi ko alam kung paanong nasa kama ako ni Elysse pero hindi ako naniniwala na may nangyari sa amin. Hindi ko magagawang lokohin si Kelly dahil mahal na mahal ko siya at sa kanya ko lang gusto bumuo ng pamilya.

Gulat at takot ang naramdaman ko ng makita ko si Kelly na nakatayo sa pinto ng kwarto ni Elysse, hindi ko alam kung paano siya napunta do'n. Kaya ng umalis siya ay mabilis kung isinuot ang damit ko at hinabol siya pero mukhang nakasakay na siya ng taxi kaya dali dali akong sumakay sa kotse ko ay umuwi.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganitong posisyon hanggang sa naramdaman ko na lang ang unti unting pagbitaw niya sa pagkakahawak sa akin. Nang tiningnan ko ay nakatulog na ito kaya maingat ko siyang binuhat at ibinaba sa kama. I need to explain to her, hindi pwedeng masira kami sa ganitong bagay.

"I'm sorry baby, hindi ko gustong saktan ka. S-sana hayaan mong ipaliwanag ko ang side ko." bulong ko sa kanya.

Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha habanh natutulog pa siya, natatakot akong iwan siya dahil baka umalis siya ng tuluyan. Ang sakit para sa akin na makita siyang sobrang nasasaktan dahil sa kagaguhan ko kahit alam kung wala naman akong ginawang mali.

Biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng 'yon, sigurado akong siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to, siya ang nagplano kaya kami ngayon nagkakagulo. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit, sa dami ng pwedeng gaguhin ni Elysse ay ako pa? Sa dami ng sisiraan niya ay talagang relasyon pa namin? Kung sa tingin niya ay hahayaan ko lang ang ginawa niya nagkakamali siya. Kinalimutan niya yatang isa akong Anderson. Sa oras na mapatunayan ko ang ginawa niya humanda siya sa akin, hindi ako manghihinayang na tanggalin ang pamilya niya sa pagiging investor, kaya ng kompanya ko ang manatiling sa taas kahit na wala ang kakarampot nilang pera. Pagsisisihan niya ang ginawa niyang ito sa akin.

Kailangan ko muna makausap ng maayos si Kelly bago ko siya harapin, mas importante pa din ang babaeng kasama ko ngayon kaysa sa kanya. I will deal with her and her family after this. At dahil unti unti na din akong nakakaramdam ng antok kahit anong oras pa lang naman ay nagpasya na muna akong humiga sa tabi ni Kelly at niyakap siya ng mahigpit. Hindi pa naman siya siguro magigising dahil alam kung puyat din siya sa kakahintay sa akin kagabi.

Kelly POV

Nagising ako ng maramdaman kung may nakadagan sa aking tiyan at ng tingnan ko ay katabi ko ang natutulog na si Phoenix, unti unti na naman tumulo ang luha ko ng maalala ang nangyari sa pagitan namin kanina. Hindi ko pa kayang kausapin siya o kahit makita ay ayaw ko muna. Masyadong masakit ang mga nakita ko kanina at paulit ulit 'yong bumabalik sa aking alaala. Alam kung magkakasakitan lang kami kapag patuloy pa naming pinilit, I'm still bleeding at alam kung hindi kami magkakaayos hangga't ganito pa ang nararamdaman ko. I love him. Mahal na mahal ko siya pero masakit. Hindi ko magawang kalimutan o burahin sa isipan ko ang mga nakita ko, para itong sirang plaka na paulit ulit sa isip ko. Hindi ako pwedeng manatili dito na kasama siya dahil baka masiraan lang ako ng bait.

Dahan dahan kung tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin, sinigurado ko na hindi ko siya magigising dahil gusto kung umalis muna. Tinitigan ko ang kanyang mukha, gusto kung kabisaduhin ito para hindi ko makalimutan at pagkatapos ay nagpasya na akong tumayo at umalis. Nang tuluyan na akong makalabas sa kanyang unit ay mabilis akong pumasok sa elevator, kailangan makalayo ako agad ng hindi pa siya nagiging at nag success nga ako ng tuluyan akong nakalabas ng building. Saglit akong napatingin dito at napangiti ng mapait, alam kung sa oras na tuluyan ang umalis ay ang pag alis ko din sa buhay niya.

Nang makasakay na ako ng taxi ay mabilis kung tinawagan ang pinsan ko, alam kung ngayon siya aalis kaya sana maabutan ko pa siya.

"Oh bakit ka napatawag?" tanong niya ng sagutin niya ako.

"Nasaan ka?" tanong ko sa kanya.

"Malamang nasa airport, diba nga ngayon ako aalis. Bakit ba?"

"Anong oras ang flight mo?" pagtatanong ko pa.

"Alam mo ang weird mo,"

"Sagutin mo na lang kasi!" inis na turan ko.

"Ngayon ay pwede akong umalis."

"What do you mean? Walang oras flight mo? Gago ka ba!" singhal ko sa kanya at narinig kung tumawa ito.

"Hindi naman kasi ako kumuha ng ticket, pinadala ni Dad ang private plane kaya do'n na ako sasakay paalis. Kaya sinabi kung aalis na ako kasi nakigamit lang ako ng airport sa kaibigan ko."

"H-hintayin moko!" saad ko.

"What? Anong hintayin? Nasisiraan ka ba ng bait?"

"Fuck you! Hintayin mo ako sabi, sasama ako." anas ko.

"Bakit? Ano ba kasi ang nangyayari?"

"Huwag ka ng masyadong maraming tanong okay? Papunta na ako diyan sa airport. Huwag kang aalis, malilintikan ka sa akin kapag iniwan mo ako." banta ko sa kanya.

Sinabi ko na sa driver kung saan ako magpapahatid, ni wala man lang ako dala na kahit na ano kung hindi ang maliit ko lang na bag. Bibili na lang ako do'n kapag nakarating na. Mabuti na lang at private plane nila ang gamit niya kaya hindi na ako mahihirapan.

Nang makarating ako sa airport ay mabilis akong bumaba at pumasok sa loob at nakita ko naman ang pinsan kung sumalubong sa akin. Tiningnan niya ang kabuuan ko, siguro ay nagtataka siya kung bakit gano'n ang itsura ko.

"What happened to you?"

"Ang dami mo naman tanong, manahimik ka na lang! Umalis na tayo." wika ko.

Nagpalinga linga pa siya na animo'y hinahanap. "Nasaan ang gamit mo?"

Umiling naman ako sa kanya at nanlaki ang mga mata niya. "Huwag mong sabihin na wala kang dalang gamit?"

"Wala nga kaya tara na!" bago pa siya makapagsalita ay hinila ko na siya.

Nang makasakay kami sa private plane ay pumunta muna akong banyo para magbihis at mag ayos dahil ayaw ko naman makarating sa ibang bansa na parang narape ako. Pinahiram na muna ako ni Basti ng damit niya. Alam kung magtataka ang mga magulang ko kung bakit biglaan ang pagdating ko, ipapaliwanag ko na lang ang lahat sa kanila, panigurado naman na hindi isisipin ni Phoenix na nasa ibang bansa ako o kaya nasa mga magulang ko dahil wala siyang makikitang record ng pangalan ko sa airport.

One Hot NightWhere stories live. Discover now