Chapter 46: RegiNarda star

324 18 73
                                    

Dumiritso ako. Bahala na. Kailangan ko ng makarating agad sa office para mahanap ang laptop or flash drive or make an alternative plan para sa contract bidding. Kailangang mapanalunan namin ang bidding na iyon.

"Shit!" Napabrake ako ng wala sa oras matapos mapansin ko ang isang kotse sa may 'di kalayuan. Sigurado akong kina Bogart nga ang lumang lancer na iyon. Tama nga si Leah, inaabangan nila ako.

Ilang metro nalang ang layo ko sa kanila at kung hindi pa ako tumigil sigurado akong makikita na nila ako. Ikinambyo ko pabalik ang kotse. Doon nalang ako sa daan na sinasabi ni Leah pupunta.

"Damn!" Nasabi ko nalang at pinabilis ang takbo ng makita kong nakasunod na ang kotse nina Bogart sa akin.

Napansin nila ako.

"Oh God! Huwag n'yo po sana akong hayaang mapahamak. Sana kasi sinunod ko nalang si Leah kanina. Ang tigas kasi ng ulo ko."

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo para matakasan sina Bogart.

Pero habang binabaybay ng kotse ko ang daan, flashes of memory entered my consciousness. Deja vu na naman. May kotse ring nakasunod sa akin at hinahabol ako. Naiba lang ang lugar.

Ipinilig ko ang ulo at binilisan na ang pagpapatakbo para marating ang kinaroroonan ni Leah.

Pagliko ko sa kantong sinasabi ni Leah ay napansin ko agad s'yang nakatayo sa gilid ng daan.

"Leah! Sakay!" Sigaw ko sabay bukas ng pinto sa dako n'ya.

Agad naman itong sumakay at pinasibad ko na ang kotse. Advantage lang na mabilis ang takbo nitong kotseng gamit ko kaysa sa gamit nina Bogart.

"Fuck! Nakasunod sina Bogart sa atin. Hindi mo ba ako sinunod, Sam? Dumiritso ka pa rin ba?" Nagpapanic na tanong nito.

"Sorry, Lei. May nagnakaw kasi ng presentation namin. Gusto ko sanang gumawa agad ng bago para makaabot sa bidding." Paliwanag ko dito.

"Ay tanga! Mas lalo kang hindi makakaabot kung mapatay ka nina Bogart."

"Bakit ba nila ako gustong patayin, Lei? Wala naman akong kasalanan sa kanila ah."

Natahimik ito at ako naman ay patuloy lang sa mabilis na pagmamaneho. Papalapit na kasi ang kotse nina Bogart sa amin.

"Sorry, Sam. Ako ang may kasalanan sa lahat ng ito. Nagalit kasi ako sa'yo kasi basta mo nalang kami iniwan ni Lendy. Ikaw lang din kasi ang inaasahan ko." Sabi nito.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagagalit. Tutulungan ko pa rin naman kayo ni Lendy ah. Pero bakit mo ako pinahamak kina Bogart?"

"Sorry na nga, 'di ba? Nagkamali ako ng ginawa. Nagpadala ako sa galit ko. Huli na para mapag-isip-isip ko ang nagawa ko. Narealize ko lang ang pagkakamali ko ng magtext ka kanina. Mabuti kang tao, Sam. Kaya last minute naisip kitang tulungan."

"Fuck!" Napaapak ako lalo sa accelerator dahil papalapit na sina Bogart.

"Ano pa ang magagawa ko, andito na ito. Alangan babain ko sila para humingi ng tawad." Sabi ko at lalo pang binibilisan ang pagpapatakbo.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yan. Kahit maglumuhod ka pa sa kanila 'di ka nila papakinggan. Lalo na at may nagbayad pa sa amin na patayin ka o kung hindi man ay iligaw ka ng daan para hindi ka makarating sa bidding."

"Ha? Ano'ng sinasabi mo, Leah? Sino ang nagbayad sa inyo?"

"Hindi ko kilala. Pero base sa pag-uusap namin noon, pinsan daw siya ng totoong Narda at gusto n'yang mabawi ang kompanya ng pinsan n'ya mula sa inyo. Natatandaan ko ang sasakyan n'ya. Isang blue na Mercedez Benz."

"Servant in a Suit"Where stories live. Discover now