Chapter 8: A favorable accident

383 19 37
                                    

I can't sleep. Pabiling-biling ako sa pagkakahiga sa sofa. Bukod sa namamahay ay inis na inis ako kay Regina. Naisahan na naman n'ya ako kanina. Mabuti at buong araw lang s'yang nagkulong sa kwarto n'ya after ng encounter namin.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Sino ba naman ang hindi? Grabeng pagpipigil na ang ginagawa ko para lang hindi ako mahulog sa patibong n'ya.

Kaya lang nag-aalala ako. Ni hindi ito kumain ng lunch, pati ng dinner. Katok kasi ako ng katok sa kwarto n'ya pero wala namang sumasagot.

"Ganyanan, Rej, ha?" Napangisi ako sa iniisip. Hindi naman kasama sa deal na hindi ko rin s'ya pwedeng takamin, hindi ba?

"Tingnan lang natin, Regina. Hindi ako papayag na ikaw ang manalo sa larong ito."

Kung seduction ang laro n'ya, ang akin naman ay falling game.

"I will make you fall in love with me no matter what it takes, Regina."

I went to her room. Dahan- dahan kong ipinihit ang siradura para lang madismaya.

"Tsk! Nakalock pala."

Gusto ko sana s'yang pasukin sa kwarto pero masyado rin palang sigurista ang isang ito.

I looked at my watch. It's 9 in the evening. According to my investigator, araw-araw itong umaalis bandang alas 10 ng gabi. Lalabas ito at magpaparty. Minsan kasama ng barkada nito at kung minsan mga flings nito. I know there's still many until now.

"Makaligo na nga lang para masundan siya."

_______________

Kuyom ang kamao ko habang nakatitingin kay Regina mula sa malayo. Tama nga ang investigator. Gabi-gabi nalang ito kung lumabas.

Nakikipag-inuman ito sa mga barkada n'ya.

Lumapit ako dala-dala ang inorder kong sandwich mula sa nadaanan kong 7eleven kanina.

"Ano ba ang plano mo sa buhay, Regina? Magpapakamatay ka ba? Hindi ka kumain ng lunch at dinner pero nag-iinom ka na naman." Mahina kong sabi ng makalapit na ako sa table nila at naupo sa tabi n'ya.

Lahat ng barkada n'ya napatingin sa akin. Lalo na 'yong mga babae.

"Oww! Wow! Bago ka ni Rej, gorgeous?" Tanong ng barkada n'yang babae habang nakangiti sa dako ko.

"Hindi ah. Es..." Hindi ko s'ya pinatapos sa sinasabi ng sinubuan ko s'ya ng sandwich.

Akmang iluluwa n'ya ito ng samaan ko s'ya ng tingin.

"Kung ayaw mong umuwi ng maaga at matapos kaagad ang pagpaparty mo, ngunguyain mo 'yan at uubusin mo lahat ng 'to."

Kinantyawan naman s'ya ng mga barkada n'ya.

"Mukhang nakakita na ng katapat si Regina ah."

"Ayos itong bago mo, Rej. Uncontrollable, fierce. Mukhang mapapatino ka na nga nito."

Masama ang tingin ni Regina ngunit patuloy lang sa pagnguya. Talagang gagawin nito ang gusto ko para lubayan ko na s'ya.

"Pang-ilan ka n'ya, miss?" Tanong ng lalaking palagay ko ay boyfriend ng isa sa mga barkadang babae ni Regina.

"Hmmm... I don't know. Mabibilang pa ba sa kamay at paa ang past relationships n'ya? I may be the 50th or the 100th or even the 1000th but I don't really care. I'll make sure naman na... i'll be her last."

"Wohooo!"

"Ayyiii. Ang sweet."

"Ang swerte mo naman, Rej."

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon