Chapter 28: Mga kalokohan mo talaga, Narda!

293 12 15
                                    

"Please investigate on Sarmiento's activities and everything about that dumbass." Sabi ko sa investigator ng tawagan ko ito.

Hindi ako mapapakali hangga't hindi nakakaganti sa mga taong walang ginawa kundi ang palalain ang sitwasyon. Gusto lang nilang makuha ang gusto nila and they will do everything to win the bet. Isa na ang Marga Sarmiento na 'yon.

I've done my part in the past... I tried cancelling the bet. I even had a meeting with the 4 of them para lang iatras ang bet na 'yon at sinabi sa kanila na dala lamang o epekto lamang iyon ng alak pero wala, ayaw talaga nila.

"Ito pala ang plano ng mga animal kaya kahit ano pa ang ginawa kong pagtanggi at pag-atras sa bet na 'yon hindi sila pumapayag." Napakuyom ako ng kamao.

"Nagkamali ako ng mga taong kinakausap. Ahas pala talaga karamihan ng tao sa paligid ko, lalo na pagdating sa usapang pera at negosyo."

Pero sigurado akong sila ang matatalo sa pagtatapos ng istoryang 'to. Walang traidor ang nagtatagumpay sa huli. Ngayon palang ay alam na alam ko na ang ikakatalo nila.

I checked my wallet at napangiti ako. It's still here. The reason for Marga Sarmiento's loss and a very good reason why i'm fighting for Regina until the end.

"Why need to investigate on Sarmiento? May mababago ba kapag nalaman mo ang baho n'ya?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Regina sa likuran ko.

Mabilis kong itinago ang wallet ko at hinarap s'ya.

"I need to. She's not playing fair."

"No. You are the one who's not playing fair, Narda!"

I saw anger in her eyes. It's not just that. She's hurting but there's something more that I can't determine what.

"Rej, listen. I tried backing out from the bet pero ayaw nila. Dala lang din 'yon ng nainom ko that night kaya ako pumayag. But believe me, the moment I got to known you better agad kong sinubukang umatras sa bet. I want to have you for keeps, Regina. I want to be in a serious relationship with you kaya ako nagpumilit kumalas sa bet pero ayaw talaga nila. Believe me. I love you, Regina. I really do."

"Bakit sa tingin mo kailangan kong maniwala sa'yo, Narda? Noon pa o kahit manlang sa isang buwan nating pagsasama rito nagawa mong magconfess, sana nagawa mong magtapat at hindi 'yong ganito. Magugulat nalang ako. Maririnig ko pa talaga sa iba. And worst? It even break the trust i'm starting to build for you."

"Rej, love. I'm planning to tell you naman eh. Pero natatakot ako sa magiging reaction mo. And damn! Tama ako for not telling you. Look at you, you are angry as hell. Iyon ang ayokong makita. I can give them the share for all they want. Mas pipiliin pa rin kitang mahalin ng tunay without that bet."

"Sinungaling! Tama na, Narda. Huwag mo ng bilugin ang ulo ko. I am a player, oo. But I never betrayed anyone. Una palang inilalatag ko na ang rules. Hindi kagaya mo, hindi kagaya ninyo. Ang unfair ninyong maglaro. Ang unfair unfair ninyo!" She started to sob.

"Umasa kasi ako, Narda. I thought ikaw ang makakapagbigay sa akin ng kailangan ko. All I want is love. All I ask is a little time and care pero ano? You've given me nothing but false hope. Sa tingin mo? Sinong hindi masasaktan sa ganoon, Narda?"

Napayuko nalang ako. Nabahag yata ang dila ko. Hindi ko alam kung ano pang paliwanag ang sasabihin ko sa kanya.

"Give me time, Rej. Let me fix this. And please give me a chance. Wala akong planong lokohin ka. Hayaan mo akong patunayan 'yon."

"Whatever, Narda. My decision is final. I'm leaving now."

I have to think fast. She's not leaving. Ayoko.

"Servant in a Suit"Where stories live. Discover now