Chapter 13: Regina's love confession

369 13 22
                                    

"You're mean, Rej." Naiiling na inilapag ako nito sa kama ng makapasok na kami sa suite namin.

"Oh. Bakit ako na naman? Ano ba ang ginawa ko?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Tss! Don't act innocent, Regina. You were seducing me purposely at the same time you're making Gabby jealous. Bakit may iba akong pakiramdam sa ginagawa mong 'to, Rej?"

I tried to hide my smile. Tsk. Hindi ko talaga kayang magtago sa babaeng 'to.

"Aba malay ko sa'yo. Wala naman ah. 'Yon naman ang plan, 'di ba? 'Yong mapagselos natin si Gabby?"

"Huwag kang..." Hindi na natapos ni Narda ang sinasabi n'ya ng may pumasok sa kwarto namin.

Pumalakpak pa ito. "Great, just great, Regina Vanguardia."

Napaupo ako sa kama at kunot-noong tinitigan s'ya.

"Miss Andy? What brings you here? Ganito ba sa hotel n'yo? Okay lang na pasukin ng may-ari bigla ang kwarto ng mga guests nila ng walang pangangatok o permission manlang?" Tanong ko sa kanya.

"Itinanong mo rin ba 'yan sa fiancè ko ng pumunta s'ya dito sa kwarto mo kahapon?"

Natahimik ako at tinitigan ang nakakuyom kamaong si Narda.
Alam kong marami s'yang gustong itanong sa akin pero tahimik lang s'yang nakikinig sa gilid.

"Or did you just do a quickie without asking her anything?" Namula ako sa galit sa sinabi n'ya.

"Wala kaming ginawang ganyan, Andy. I had been nice to let her in kasi baka may makakita sa amin sa labas."

"Aba! Kung may gagawin nga kayong kalaswaan, malamang papapasukin mo nga talaga s'ya kaagad. Pero pasensya na at pag-aari ko kasi itong hotel na tinutuluyan ninyo ngayon kung kaya't lahat ng pangyayari dito ay naipapaalam sa akin."

"Wala kaming ginawang ganyan, Andy. Nag usap lang kami."

"Nag-usap? You could have done that sa labas. Sa coffee shop. Sa Lanai. Kahit sa lobby. Pero ano ang ginawa mo? Pinapasok mo s'ya dito sa kwarto mo."

"Dahil wala naman akong planong makipag-usap sa kanya ng matagal."

"Hindi ba talaga nagtagal? So why did she told me na makikipagbreak na s'ya sa akin? Why did she told me na may nangyari sa inyo dito sa kwarto mo? Why did she told me na bumalik ang feelings n'ya for you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Alam ko naman kasing walang katotohanan ang pinagsasabi ng Gabby na 'yon sa fiancè n'ya.

"It-..." Pinutol ni Narda ang sasabihin ko.

"Miss Andy, pasensya na if you thought of it that way. I'm sure walang ganoong pangyayari kasi mabilis lang akong nawala. May kinuha lang ako sa labas and it took me 10 minutes to come back at wala na akong Gabby na naabutan dito. Mag-isa lang si Regina ng bumalik ako." Sabi nito.

Natahimik naman si Andy at titig na titig kay Narda na wari'y sinisigurado kung may katotohanan ba ang sinasabi nito.

"Ito ang tandaan mo, Regina Vanguardia. Gabrielle Garcia is mine. Walang pwedeng umagaw sa kanya. Not unless dumaan ito sa ibabaw ng bangkay ko. Magkakamatayan muna tayo bago mo maagaw si Gabby. Oras na makita ko pa kayo ulit together, makikilala mo ang tunay na ako. Malalaman mo kung paano ako magalit." Sabi nito sabay talikod at pabalyang isinarado ang pinto.

"Did I hear everything right, Regina?"

Lagot! Akala ko sa pagtalikod ni Andy tapos na ang dilemma ko. Hindi yata't may mas malaki akong problema. Akala ko okay lang sa kanya kasi ipinagtanggol pa n'ya ako pero I need to explain everything to her pala ng hindi nagmumukhang defensive.

"Natahimik ka? Pumunta nga ba si Gabby dito sa kwarto natin? Did you really fucked?" Nanlilisik ang mata n'ya sa galit. It's as if mangangain s'ya ng tao.

"We didn't. We just..."

"What? What did you do, Regina? Bakit wala kang nabanggit sa akin? Pinagmumukha mo ba akong tanga?"

"We just kissed. Damn it! It's no big deal right?" Sagot ko rito.

Nagulat na lang ako when she grab me and kiss me harshly on the lips. She's carresing the back of my head as she deepen the kiss. Napaaray nalang ako ng maramdaman ko ang pagkagat n'ya sa labi ko and I tasted my own blood. Sigurado akong nagkasugat ang labi dahil sa pagkagat n'ya dito. Halatang may galit maski ang mga halik n'ya.

"Kung sinabi mo lang bang gusto mo ng halik ibinigay ko na agad! Hindi 'yong kung kani-kanino ka pa nakikipaghalikan. And of all people, doon pa sa ex mo! At dito pa sa kwartong ito?!" Singhal n'ya sa akin. Hindi naiwasang tumulo ang luha ko.

"What gotten into you? Hindi ka manlang ba nag-iisip? And ano 'yong hiningi mong favor na pagseselosin si Gabby? Eh nakipaghalikan ka na pala sa kanya dito sa kwartong ito. Napaka... Argh! Nevermind. I'm through with you. I'll never help you again with your plans." Akmang tatalikod ito ng pigilan ko s'ya.

"Hindi naman kasi talaga 'yon, 'yong plano na 'yon eh."

"And para pala saan, Regina? Para saan? Sagutin mo ako!"

"Dahil gusto kong maconfirm kung talagang mahal na kita! At oo! Mahal na nga kita, Narda!"

Napanganga na lamang ito sa sinabi ko. Napatigil ito sa pagyugyog sa akin and watch me closely as if trying to figure out whether i'm lying or not.

"Kaya wala akong binanggit sa'yo na pumunta rito si Gabby kasi... kasi I wanted to confirm something. When she kissed me yesterday doon ko napagtanto na mali pala ang nasabi ko sa'yo. Hindi ko na s'ya mahal. Wala na akong nararamdaman pa para sa kanya. Naconfirm ko 'yan ng halikan n'ya ako. Naconfirm ko rin na ikaw na. Oo! Ikaw na ang laman ng puso ko! I felt guilty ng halikan n'ya ako kahapon. I felt guilty kasi nakikita kita sa anag-anag ko. I pushed her away kasi ayokong magalit ka. I pushed her away kasi ikaw lang ang gusto kong humalik sa akin at hindi s'ya!" Umiiyak kong sabi.

"Mahal mo na ako? Talaga ba?" Tanong n'ya as she hold my chin for me to look into her eyes.

"Oo nga. Oo na nga, 'di ba?"

Bigla n'ya akong niyakap.

"It's so hard for me to confess kasi ayokong magtiwalang muli. Pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kasi lokohin mo lang ako. Baka kasi sinungaling ka rin kagaya ng iba."

"Just trust me, Rej. I will never make you cry. Hindi ako sinungaling. Hindi rin kita lolokohin."

"Sana nga, Narda. Sana nga."

Masaya ako na nagkakaunawaan na kami ni Narda pero wala ang utak ko sa sitwasyong meron kami.

Hindi ako mapakali dahil sa kasinungalingang pinagsasabi ni Gabby at sa maaring gawin ni Andy.

Wala akong tiwala sa dalawang 'yon. Mukhang magugulo ang buhay ko dahil sa pagbabalik ni Gabby sa eksena.

"Servant in a Suit"Where stories live. Discover now