Chapter 34: Tanginang buhay lang

279 13 18
                                    

Nakangiti akong nangangalumbaba sa may lamesa habang hinihintay maluto ang binabake kong cookies. Favorite kasi ni Narda 'to kaya sinubukan kong gumawa.

"I hope magustuhan n'ya." Nakangiti kong sabi sa sarili habang tinititigan ang cellphone ko.

Mukha kasi naming dalawa ang wallpaper ko. Obviously, inlove na nga ako sa babaeng 'yon. Kahit pa sabihing puro pagsubok nalang ang dinaanan namin... we are destined to be happy together. Magiging matamis rin ang buhay pag-ibig namin kagaya ng binibake kong cookies.

"A few minutes nalang nandito na s'ya." Sabi ko after I looked at the wall clock.

Umakyat ako sa kwarto matapos kong maiayos ang mga cookies and took a shower.

Nabitawan ko ang sabon ng hindi sinasadya pero nabaghan ako ng bigla akong makaramdam ng kaba. Agad na pumasok sa utak ko si Narda.

Mabilis kong tinapos ang paliligo at nagbihis para abangan s'ya sa harapan ng bahay.

1... 2... 3... 4 hours na akong pabalik-balik sa loob at labas ng bahay pero wala pa rin si Narda.

Nagring ang cellphone ko. Si Ali, ang bestfriend ko, ang tumatawag.

"Hello, Rej. I have some good news." Masiglang bati nito sa kabilang linya.

"Ano 'yon, Ali?" Medyo matamlay kong sagot habang nakatanaw sa papadilim na paligid.

"Guess what? I'm flying back to the Philippines in a week's time. Surprised? I'm going back to Manila for good. D'yan na ako magtatrabaho after 3 years of service dito sa San Diego. D'yan na ako magtatayo ng clinic. Hindi ba napag-usapan n'yo na rin ni Narda na babalik na rin kayo ng Manila? We can be neighbors again, bes." Masayang sabi nito.

"Yes. I'm looking forward to it, Ali. Namiss ko na rin ang kakulitan mo." Sagot ko rito sa matamlay pa rin na boses.

"Teka nga soon-to-be Atty. Regina Vanguardia-Custodio. Kanina ko pa napapansin na matamlay ka ah. May problema ka na naman ba kay Narda? Doctor ako pero parang nagiging love guru ako pagdating sa'yo. Manghuhula pati kasi kapag tumatawag ako palagi kang problemado." Tumawa pa ito.

"Eh kasi kanina pa hindi umuuwi si Narda. Sabi n'ya kanina ng tumawag ako, mga 1 hour nalang nandito na s'ya pero apat na oras na ang nakalipas wala pa rin s'ya."

"Naku. Inlove na talaga ang bestfriend ko. Alam mo naman 'yang asawa mo. Businesswoman 'yan. Baka may kinausap lang o ano. Baka may unexpected meeting lang at nakalimutan kang tawagan. Teka, nacontact mo na ba?"

"Eh, kaya nga ako mas nag-aalala kasi nakapatay na ang cellphone n'ya."

"Oh, siya 'wag kang..."

Hindi ko na natapos pakinggan ang sinasabi ni Ali ng dumating ang isang patrol car.

"Ali, sandali. May mga police. Kakausapin ko lang. Huwag mo munang ibababa ha? May pag-uusapan pa tayo." Sabi ko rito habang hinihintay makalapit ang dalawang police sa kinaroroonan ko.

"Ma'am, ikaw po ba si Regina Vanguardia? Kaano-ano n'yo po si Miss Narda Custodio? Sabi kasi sa C-holdings ikaw daw po ang dapat naming kontakin patungkol kay Miss Narda." Bigla akong kinabahan sa tanong ng pulis.

"Ye... yes po. Bakit po? Asawa po ako ni Narda Custodio. May kailangan kayo kay Narda? Wala pa po s'ya eh. Kanina ko pa nga hinihintay."

"Ahh, Misis." Tumingin pa muna ito sa kasama n'ya bago ipinagpatuloy ang sasabihin n'ya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Huwag po sana kayong mabibigla. Patay na po ang asawa ninyo." Sabi nito.

Nakatitig lang ako sa kanya ng kung ilang minuto pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Servant in a Suit"Where stories live. Discover now