Chapter 37: Is she doing it for Naya or for herself?

297 14 59
                                    

"Naya! Baby!" Umiiyak kong tawag dito.

Halos lahat ng classroom sa eskwelahan nila ay napasok na namin para hanapin s'ya pero wala talaga.

Pag-uwi ko sa bahay ng mga alas 8 ko palang nadiskubre sa driver ni Naya na hindi n'ya na ito naabutan sa school ng sunduin n'ya. Sa sobrang takot nito sa akin ay hindi ako nito magawang tawagan. Ilang oras na tuloy ang nakalipas bago ko nalaman ang nangyari sa anak ko.

Mag aala-una na ng madaling-araw pero naghahanap pa rin kami. Inikot na rin namin ang possibleng madaanan ni Naya pero wala talaga, kaya bumalik kami sa paaralan at baka sakaling nakulong lang ito sa isa sa mga classrooms na nandito.

"Rej! Rej! Calm down." Sabi ni Ali sabay hawak sa kamay ko para patigilin ako sa paghihysterical.

"Paano ako kakalma? Nawawala si Naya! Nawawala ang anak ko, Ali!"

"I know. I know. Kaya nga natin hinahanap, 'di ba? Pero sana naman pakalmahin mo ang sarili mo. Walang magagawa ang paghihysterical mo sa mga oras na ito. Paano natin mahahanap kaagad ang anak mo kung mas inaalala pa kita ngayon kaysa sa kanya?"

Doon na ako medyo tumigil sa paghihysteria at kumalma.

"Ali, si Naya." Sabi ko sabay upo sa bench na nasa hallway ng eskwelahan.

"Shhh. Everything's going to be fine. Makikita rin natin si Naya." Sabi nito sabay yakap sa akin.

"Ang mas mabuti pa ay umuwi ka na muna, Rej. Ako na ang sasama sa mga pulis para magtanong-tanong kung may nakakita kay Naya. Baka nga nasa bahay na s'ya sa mga oras na ito." Sabi pa nito sa akin.

"Hindi pa alam ni Naya kung paano umuwi, Ali. Sasama nalang ako sa inyong maghanap."

"Hindi nga n'ya alam pero matalinong bata si Naya, Rej. Saulado nito ang address ninyo. Pati cellphone number mo nga alam n'ya. Umuwi ka na. Sige na. Magpahinga ka kahit kaunti. Wala namang maitutulong ang pagpapanic mo sa mga oras na ito. At saka..."

Bumuntong hininga ito. "Hindi man natin hinihiling pero hindi rin maiaalis sa isipan ko ang posibilidad na nakidnap si Naya. Mas mabuting may tao sa bahay at baka tumawag ang mga kidnapper nito."

Tama nga si Ali. Possible nga 'yong sinasabi n'ya.

"Sige, Ali. Pero tawagan mo kaagad ako sakaling may information na kayo ha? Maghihintay ako sa bahay."

"Oo, Rej. Don't panic. Calm down. Magpray nalang tayo na makauwi ng ligtas si Naya."

I drive my way home sa pag-asang dadatnan ko na si Naya sa bahay. Sana nakauwi na ito. Sana.

[Samantha's POV]

"Dada, please. Let's go home. Please."

Napasabunot nalang ako sa ulo.

Kanina pa ako kinukulit ng batang ito. Mag aalas 3 na ng madaling araw pero hindi manlang ito natulog. Ni hindi rin ako nakatulog sa maya't mayang ungot nito na uuwi na daw kami sa bahay namin at naghihintay na ang mommy n'ya.

"Ano ba 'yan, Sam. Bakit ang ingay ng batang 'yan?" Tanong ni Leah sabay lapit sa kinaroroonan ko.

Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pangungulit nito at baka pagdiskitahan n'ya pa ang bata. Medyo mainit kasi ang dugo ni Leah sa mga mayayaman.

"Wala. Nakontak n'yo na ba ang mga magulang ng mga bata?" Tanong ko rito.

"Iyong tatlo, nacontact na. Iyong dalawa hindi pa natatawagan. Hindi pa namin nakukuha ang numero ng nanay ng batang 'yan. Hindi ko pa nakukuha ang ID n'ya."

"Servant in a Suit"Where stories live. Discover now