Chapter 41: Truth revealed

311 15 23
                                    

Ang aga naming umalis papuntang Baguio. Dalawa lang kami ni Samantha. Iniwan na namin si Naya sa yaya nito.

There was a long silence during our 5 hours trip from Manila to Baguio at dalawang oras pa ulit bago namin narating ang nayon nila pero ayos lang. Mas gusto kong sumama kasi gusto kong malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Samantha.

Maybe after this, after kong malaman ang totoong pinagmulan ng taong katabi ko ngayon, at kung s'ya talaga si Samantha Salazar na sinasabi n'yang buo n'yang pangalan at hindi si Narda, hmmm, siguro it's time na rin na tanggapin ko sa sarili ko na wala na si Narda... na talagang patay na s'ya.

Isa pa curious din ako sa binabanggit nitong si Leah. Not that i'm jealous. Argh! Oo na. Nagseselos na ako pero konti lang. Duda kasi ako na may relasyon silang dalawa ni Sam.

Natatandaan ko kasi na isa ito sa mga pinalaya ko sa kulungan ilang araw na ang nakakaraan. Ganoon nalang siguro kahalaga sa kanya ang babae kaya n'ya nagawang tanggapin ang inaalok ko. Gusto ko lang din masiguro na wala akong maapakang tao sakaling totohanin ni Narda 'yong sinabi n'yang gusto n'yang maging kami.

"Kaya pa, Rej?" Baling ni Samantha sa akin ng naglalakad na kami paakyat ng bundok.

Tumango na lang ako kahit hingal na hingal na. Fit naman ako pero ang matarik na bundok ang nagpapahirap sa pag-akyat namin.

Tama nga s'ya. Nakakapagod ang paakyat sa bundok kung saan sila nakatira. Pawis na pawis at init na init na ako pero dahil sa ginusto ko ito, wala akong karapatang magreklamo.

"We're here." Sabi nito makaraan ng ilang minutong paglalakad.

Noong huli kong punta dito sa nayon ay hanggang sa eskwelahan lang kami. Mabuti at may madadaanan ang sasakyan papasok doon hindi kagaya dito na talagang paglalakad lang ang means of transportation.

Para nga s'yang kumunidad sa ibabaw ng bundok. May iilang kumpol ng kabahayan na yari sa kawayan at pawid ang nadatnan namin. May nakita rin akong basketball court sa may dulong bahagi at may maliit na palaruan ang mga bata.

Pinapaligiran ang mga kabahayan ng maraming puno ng niyog at kung ano ano pang malalaking puno.

Sigurado akong pagkakaingin, pagtotroso at pagkokopras ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa dakong ito.

Kitang kita ang kahirapan ng lugar na ito pero bilib ako sa mga nadadaanan namin. Nakangiti pa rin ang mga tao despite all these hardships. Hanga ako sa ganitong uri ng mga tao.

"Leah! Lendy!" Sigaw ni Sam ng marating namin ang isang maliit na kubo.

"Ate!" Agad sinalubong ng isang bata si Samantha na agad namang kinarga nito.

"Wow! Ang ganda mo na ate ah. Hala! Si Atty. idol!"

Agad itong kumalas kay Samantha ng mapansin ako nito.

"Ate, dinala mo s'ya. Hindi ko pa naman birthday ah."

Kunot-noo kong tinitigan ang bata. Kilala ako nito? Ah! Baka estudyante rin siya sa paaralan sa nayon.

Nakakalbo na ang bata kaya sigurado akong s'ya ang tinutukoy ni Samantha na batang tinutulungan nitong magpachemo.

"Ah, Rej, si Lendy 'yan. S'ya 'yong sinasabi kong kapatid ni Leah. Hindi ko pala nabanggit sa'yo. Idol na idol ka n'yan. Kaya nga kita nakilala dahil sa kanya. Noong namahagi kayo ng mga school supplies sa school nila noong nakaraang linggo. Sabi n'ya kasi darating kayo kaya isa rin ako sa nakiusyoso noong pumunta kayo rito at nakita nga kita." Paliwanag ni Samantha.

So? Nakilala na pala n'ya ako noon pa. Dito pala sa Baguio ang una naming pagkikita. Hmmm. Hindi pala coincidence ang pagkikita namin sa Manila?

"Alam mo, Atty. idol, bagay po kayo ni Ate Sam. Totoo po. Sinabi ko po sa kanya 'yan noon. Hindi ba, ate Sam?"

"Servant in a Suit"Where stories live. Discover now