Chapter 9.

14 4 0
                                    

Ang pangalawang palapag ay pawang mga mythical beast ang naninirahan dito.
Napag alaman din ni Zeuros na pwede silang e summon at susunod lamang sa magiging panginoon nila.
Pero nagtataka si Zeuros bakit hinabol siya nito noong makita siya.
Marahil ay nakatuwaan lamang siya at hindi agad nila nakilala na ito ang kanilang panginoon.
Lumabas si Zeuros sa Green Forest kasama si Minerva.
Alam ni Minerva kung nasaan ang mga kasama niya.
Agad nito sinabihan ang kanyang panginoon na sumakay lamang ito sa kanya upang mabilis ang pag alis nila sa gubat.
Sa pagsakay ni Zeuros ay pinagaspas ni Minerva ang kanyang pakpak at paitaas itong lumipad.
Mabilis itong lumipad at nakita ni Zeuros ang buong paligid.
Napakaganda dahil sa kakaibang bagay na kanyang nakikita.

Mabilis ang lumipas na minuto lamang ang kanilang paglipad hanggang sa nakarating sila sa isang malawak na kapatagan na mayroong tubig o isang lawa sa gitna nito.
Tanaw nila ang napakaraming mythical beast na tila naglalaro ito sa kanyang mga kasama.
Sa kanilang paglapag ay nabulabog ang lahat.
Napatingin ito sa kanilang direksyon.
"Minerva!"
"Sa wakas at lumabas ka na rin sa iyong lungga mo!"
Ito ang sabi nito sa kanya.
Makisig itong nakatayo at nakatingin na rin sa gawi ni Zeuros.
Ito ang Black Viola Horn.
Napatingin naman si Minerva sa Black Viola Horn at nagsalita ito.
"Naiinip kasi ako kaya namasyal ako at kasama ko ang batang ito!"
"Nakita ko siya sa gubat at tila naliligaw siya kaya isinama ko dito!"
Sabay tingin sa gawi ni Zeuros.
Lahat na mga mythical beast ay napatingin kay Zeuros.
Bigla na lang nanlaki ang mata ng lahat sa nakita.

Dahil sa kabiglaana'y hindi alam ng lahat kung ano ang gagawin mula ng makita nila ang batang nasa harapan nila.
Maging ang Black Viola Horn ay napaluhod at nakayuko ito habang nagsasalita.
"Aming munting panginoon,patawarin nyo po kami sa aming nagawa!"
"Nararapat lamang na parusahan mo kaming lahat!"
Ito lamang ang nasambit nito at sinundan ng libo libong mythical beast sa harap ni Zeuros.
Lahat sila ay nakaluhod sa lupa habang nakayuko.
Napakamot lamang ng ulo si Zeuros palibhasa ay bata pa kaya medyo naiilang siya sa ganitong sitwasyon.
Tiningnan niya si Minerva kung ano ang dapat gawin sa mga ito.
Kaya ito na ang kumausap sa mga kasama niya.

Kumilos siya at nagsalita para sa kanilang panginoon.
Mabilis naman ang kilos ng lahat at makikita pa rin sa mga mukha nila ang di inaasahan.
Nakita nila ang hitsura ng batang panginoon nila at wala itong pinagkaiba sa dati nilang panginoon.
Para silang pinagbiyak ng mukha.
Lalo nila nakumpirma ang suot nitong kwintas.
Iisa lang ang ibig sabihin ito ang anak o prinsipe ng dati nilang panginoon.
Alam nila kung ano ang nangyari sa mundo nila at tuluyan itong naangkin ng kaaway.
Kaya sila narito dahil iniligtas sila ng kanilang panginoon bago ito napaslang ng Dark Demon.
Habang pinagmamasdan ni Zeuros ang lahat na Mythical Beast ay mayroon siyang napansin dito.
Nasa isang sulok ito at pasulyap-sulyap sa kanya.
Marahan siyang kumilos upang lapitan ito.
Ang lahat naman ay nahiwagaan sa ikinikilos ng kanilang munting panginoon.

Binigyan nila ng daan ang kanilang munting panginoon.
Patuloy sa paglapit ni Zeuros sa kanyang pakay.
Nakarating ito sa kanyang pakay at tumigil ito sa harap ng isang nilalang.
Ang nilalang na ito ay nagtatago sa kanyang kasama.
Ito ang kanyang Ina.
Kahit ang Ina nito ay bakas sa mukha ang takot at alinlangan sa kanyang sarili dahil nasa harapan nila ang kanilang munting panginoon.
Nakakubli ang batang nilalang sa likod ng kanyang ina habang pasilip silip ang tingin nito kay Zeuros.
Ang batang nilalang ay isang Purple Novà Tailed Fox.
Isang buntot pa lamang ang nakikita ni Zeuros dahil bata pa ito.
Samantala ang kanyang ina nito ay mayroong siyam na buntot.
At ayon sa kanyang kaalaman ang bawat buntot nito ay may taglay na lakas at kapangyarihan.

Mas lalo pang lumapit si Zeuros at tinanong nito ang pangalan ng batang fox.
"Ano ang iyong pangalan munting fox?"
Ito ang tanong ni Zeuros sa batang fox.
Marahan naman itong sumilip sa pagkakubli sa kanyang Ina.
"Jero,po ang pangalan ko po!"
Medyo nauutal pa ang pagkakasabi nito.
"Huwag kang matakot sa akin,mabait si kuya at magiging kaibigan mo!"
"Ayaw mo ba na maging kaibigan at kuya mo Ako?"
Ito ang tanong nito kay jero.
Marion naman nakatitig ang batang fox at lumapit ito sa kanya.
Hindi na ito natatakot.
Kinuha at binuhat naman ito ni Zeuros at tuwang tuwa siya dito.
Ang Ina naman ni jero ay masaya dahil mabait ang kanilang munting panginoon.
Taliwas ito sa iniisip nila na matapang at istrikto ito sa kanila.
Maraming mythical beast ang naroon at labis sila natuwa sa ugali ng kanilang munting panginoon.

Ang lupon ng mga mythical beast ay labis nakaramdam ng ibayong kaginhawaan at saya sa dibdib dahil ang kanilang munting panginoon ay taliwas sa iniisip nila na mapanghusga at mapagmataas bagkus ay kakaiba ang ugali nito.
Kagaya rin siya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.
Kahit sila mga kakaibang nilalang ay tingin sa kanila ng mgatao ay halimaw pero iba ang ama ng kanilang munting panginoon dahil itinuring sila nitong pamilya.
Kaya napagkasunduan ng lahat na gagabayan at tulungan nila ang munting panginoon upang lumakas ito.
Gagawin nila ang lahat ng sa gayon ay hindi masisira ang pagtanaw ng magandang loob sa ama nito.

Samantala ay simula ng kinarga ni Zeuros ang batang fox ay naging komportable ito sa bisig niya.
Masaya ang lahat dahil sa pagiging magiliw ng kanilang munting panginoon.
Pagkatapos ay ibinalik niya ito sa kanyang ina.
Yumuko muna ito bago kinuha ang kanyang anak sa kanilang munting panginoon.
Muli ay inilibot ni Zeuros ang kabuuang lugar at ayon sa kanyang pandama ay malawak ang lugar na ito.
Marami pa siyang gustong malaman sa mundong ginagalawan niya ngayon.
Magpalakas siya at ang planong makapag aral sa malaki at kilalang paaralan sa kaharian nila.
Ang Dragon Heart Institute ng Dragon Heart Kingdom.

Hindi naman nagtagal si Zeuros sa Dimensional Ring at agad ito bumalik sa reyalidad pagkatapos pumasok dito.
Agad siya nagpaalam sa mga mythical beast at sinabi din nito sa kanyang pakikipagsapalaran.
Pagkabalik ni Zeuros sa kanyang kuweba na naging tahanan niya ay nakaramdam siya ng gutom.
Wala naman siyang problema sa pagkain dahil marami siya nito.
Ilang taon pa ang kailangan niyang antayin upang maging kwalipikado sa paaralang pasukan niya.
Labinglimang taong gulang ang kailangan upang kwalipikado ka na makapag aral sa Dragon Heart Institute.
Anim na taong gulang pa lamang si Zeuros at kailangan niya mag antay ng siyam na taon.
At sa loob ng siyam na taong ito ay wala siyang ginawa kundi ang magsanay at magpalakas.
Ito ang naging senaryo ni Zeuros sa taong patuloy na umiikot at lilipas.

The lost kingdom;Rising Of The Great WarriorWhere stories live. Discover now