Chapter 12.

20 3 9
                                    

Ang Capital City ay binubuo ng mga malalakas na noble clan at isa na dito ang Early Vermillion Clan.
Na tinitingala at kinatatakutan dahil sa estado ng kanilang angkan.
Marami ang uniiwas dito at ayaw kalabanin ang clan na ito.
Pero ngayon tila nagbago ang lahat dahil sa mayroong estranghero na may lakas na loob upang banggain ang isa sa anak ng Patriach ng Early Vermilion Clan.
Ang binatang mayroong abuhing mata at kakaiba ang suot na ngayong lamang nila nakita ay matapang at matuwid ito sa pagkakataong at kalmadong presensya.
Marami ang humanga at marami din ang nababahala sa kahihinatnan dahil siguradong hindi siya titigilan ng noble clan na ito at magiging panganib ang buhay nito.

Humakbang si Zeuros patungo sa mamang kutsero at sinabihan ito na lisanin ang capital city.
Nag aalangan pa ito dahil sa nasira nitong karwahe.
Mqyroong inabot si Zeuros na isang supot sa mamang kutsero at sinabi niya na malaking maitutulong nito sa kanya.
Tumango naman agad ito at nagpakilala ito kay Zeuros.
Siya si Ginoong Berto.
Namuhay sa Centro kasama ang nag iisa nitong anak na lalaki.
Tanging karwahe lamang ang ikinabubuhay nito para matustusan ang pangangailangan nilang mag ama.
Yumuko pa ito kay Zeuros at nagpasalamat bago umalis.
Hindi na niya sinubukang alamin kung ano ang laman ng supot dahil sa masyadong maraming mga tao ang nakatingin at nanganganib ang buhay niya.
Mabilis ito umalis dala ang nasirang karwahe.

Samantala hindi pa rin humuhupa ang galit ng binatang noble ng Early Vermilion Clan sa nangyayari.
Lalo sa kanyang mga kawal na isinama ng kanyang ama upang protektahan siya ay nawala ng saysay dahil sa binatang kaharap niya.
Hindi rin niya maiwasan na hindi ito ordinaryong clan ito dahil sa kakaibang kasuotan nito.
Pero halos kilala niya ang mga noble clan at aristocrat clan sa capital city maging ang ordinaryong clan.
Pero ang kaharap niya ay matapang itong nakipagtagisan ng lakas na loob sa kanya upang kalabanin siya.
Akma sanang sugurin ito si Zeuros ay biglang bumukas ang malaking tarangkahan ng Dragon Heart Institute at iniluwa nito ang tatlong presensya upang magbigay ng kilabot sa buong pagkatao nila.
Kahit ang binatang noble clan ng Early Vermilion Clan ay nanginig sa takot ng makita ang tatlong tinitingala at nirerespito sa buong Capital City.
Ang Institution Master ng paaralang ito at ang dalawang kasamang Inner at Core Elder.

Hindi parin humuhupa ang tensyon sa paligid dahil sa awrang pinakawalan sa buong paligid at ilang libong kabataan ay pilit nilalabanan ang awrang galing sa tatlong namumuno sa paaralang ito.
Ang tatlong ito ay nasa Legends Rank level 10,ito ang Institution Master habang ang dalawang Elder ay parehong nasa level 5 sa pareho ding ranggo.
Nakatayo ng matuwid si Zeuros ay parang wala siyang nakita o nararamdan sa paligid.
Nagtataka naman siya kung bakit ilan sa mga kabataan ay nahihirapan huminga at ilang sandali ay malagutan ito ng hininga.
Hinanap niya ang pinagmulan ng awrang sumakop sa buong paligid.
Madali niya ito matukoy dahil galing
sa tatlong matanda na nasa loob ng tarangkahan.
"Tssk!"
Ito lamang ang kanyang nasambit at nagpakawala siya ng awrang maliit na porsyento upang ipawalangbisa ang awrang mula sa tatlong Legends Rank.

Habang patuloy na pumapalibot ang awrang pinakawalan ng tatlong legends rank ay bigla na lamang may kung anung dumampi at bumangga sa kanila upang mapaatras sila ng ilang hakbang dahil sa kinontra nito ang ang awrang pinakawalan nila.
Nakahinga ng maluwag ang mga libo libong kabataang gustong mag aral sa paaralang ito.
Tila naman nabastos ang reputasyon ng tatlo dahil sa mayroong higitan ang kanilang awrang pinakawalan.
Pero wala silang katibayan kung sino sa mga libo libong kabataan na halos nasa mababang ranggo lamang.
Pinakiramdaman ng tatlo ang buong paligid upang hanapin kung sino ito pero bigo sila para mahanap ito.
Hinayaan na lamang nila ito at mayroon silang oras para dito.

Si Zeuros ay nakisabay sa dami ng kabataang papasok sa loob upang kumuha ng pagsusulit para sa taon na ito.
Natigil ang kagustuhang mangyari ng
isang binatang noble upang gumanti.
Hindi na rin niya ito nakita dahil sa sobrang dami ng mga kabataang narito.
Isinanawalang bahala lamang niya ito.
Halos magtutulakan ang mga kabataang papasok sa loob ng paaralan at hindi naman ibig sabihin sa libo libong kabataan na narito ay hindi sila magkasya.
Sa kanilang pagpasok sa pinakaloob nito ay saka na lamang sila nakahinga ng maayos dahil lumuwag ang kaninang nagtutulakang mga kabataan.
Malawak sa loob ng paaralang ito.
Maganda ang pagkadisenyo sa bawat pader at pasilyo nito.
Mayroon ding ibat ibang halamang bulaklak dahil sa kagandahang kulay nito.
Mayroon ding malalaking puno na sobrang laki at taas nito.
Siguro ang mga punong ito ay namuhay ng ilang daang taon.
Sa kanyang pagkilatis ay napansin niya ang punong nagliliwanag at bukod tangi sa lahat dahil maliit lamang ito na mayroong tinik na dahon.
Kulay berde ito pero ang sanga nito ay mapula na may nakalaylay na baging.
"Immortal Lilac Tree".
Ito lamang ang nasambit ni Zeuros pagkatapos nito malaman ang punongkahoy na kakaiba sa lahat.

Matapos niya malugod masuri ang buong paligid ay saka nagkaroon ng malakas na boses upang kunin ang atensyon ng lahat.
Nasa itaas ito ng bahaging lugar na pabilog kaya naman ay napatingin kaming lahat.
Sila parin ang tatlong nilalang na nagpakawala ng awra sa aming lahat.
"Maligayang pagdating sa Capital City at sa Dragon Heart Institute!"
"Ikinagagalak ko ang inyong presensya at maging bahagi sa taunang pagsusulit upang maging ganap na estudyante!"
"Gayunpaman ay hindi ito naging madali dahil susubukan namin ang inyong taglay na kakayahan at determinasyon para patunayan sa inyong mga sarili na ito ang inyong gusto makamit sa buhay nyo!"
"Ngayon ay kailangan ninyo ayusin ang inyong sarili ayon sa kung anung clan kayo nabibilang!"
"Kailang magsama sama ang nasa noble clan, aristocrat clan at ordinaryong clan!"
"Nang sa gayon  ay madali namin malaman at makita kung sino mayroong potensyal dahil sa inyong pagkakilanlan!"
Ito ang paliwanag nito pagkatapos ay bumaling ito sa kanyang kasama.

Kumilos ang isa sa tatlong namumuno at inilibot nito ang buong tingin sa paligid dahil sa hindi maayos ang kabuuang hitsura ng mga kabataang narito.
"At gaya nga ng sinabi ng aking kapwa elder ay hayaan ko muna ipakilala ang aming mga sarili!"
"Ako si Elder Janos,ang inyong Core Elder at ang katabi ko naman na nagsalita kanina ay si Inner Elder Argue,kami ang magiging gabay ninyo dito sa loob ng paaralang ito!"
"At gaya nga ng napagusapan ay e grupo ang inyong mga sarili sa clan na kinabibilangan ninyo!"
Pagkatapos nito sabihin ay kumilos na ang lahat upang hanapin ang kapwa noble, aristocrat at ordinaryong clan.
Habang ang institution master ay nakamasid lamang sa paligid.
Hindi parin mawala sa kanyang isipan ang awrang nagpaatras sa kanila.
At iisa lang ang ibig sabihin ay mayroong nilalang sa paligid na kayang itago ang totoong lakas nito.
Ayaw din niyang pagdudahan ang mga kabataang narito dahil una pa lang ay nasa mababang ranggo nito at kulang sa karanasan.
Maari ay napadaan lamang ang nilalang na ito dahil nakabukas ang tarangkahan kanina.
Ito lamang ang tanging nasa isipan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The lost kingdom;Rising Of The Great WarriorWhere stories live. Discover now