Chapter 11.

13 4 0
                                    

Bumukas ang malaking tarangkahan at maraming karwahe sumasabay sa pagpasok sa loob ng Capital City.
Isa din sa pagpapatunay upang makapasok ka sa capital city ay ang pagpapakita nito ng capital token.
Isa itong bilog na metal na mayroong simbolo ng Dragon Heart Kingdom.
Ang mayroon nito ay mga mataas ang estado sa buhay at mga mangangalakal na nagdadala ng mga paninda.
Ang walang capital token ay kailangan magbayad ng gintong pera.
Ito ang kanilang patakaran at alituntunin na dapat sundin.
Dahil sa kalakarang ito ay hindi maiwasan ni Zeuros ang mapangiti ng mapait dahil iniisip niya ang mga ordinaryong clan.

May kahabaan ang pila upang makapasok sa loob ng capital city.
Agad inabot ni Zeuros ang isang gintong pera sa mamang kutsero na pambayad sa pagpasok nila sa loob.
Nang malapit na sila ay hinanapan sila ng capital token at sinabi nito na wala sila ay inabot nito ang isang gintong pera.
Nang makuha nila ito ay pinapasok na sila sa loob nito.
Bumungad sa kanila ang maingay at magulong mga taong adventurer na nasa paligid.
Malinaw din nakikita ni Zeuros ang nagtataasang mga bahay at pamilihan.
Bahagya niya binuksan ang bintana ng karwahe upang makita niya sa labas.
Maraming mga karwahe sa kalsada at makikita ang ilan sa magarbong karwahe dahil sa palamuti at may mga kasamang kawal.
Marahil ito ay mga noble clan o di kaya ay mga aristocrat clan.
Ordinaryong karwahe lamang ang nakuha ni Zeuros ay sapat na ito upang makarating siya dito.

Sa mahabang paglalakbay nila ay agad natanaw ang malaking paaralan ng capital city.
Ang Dragon Heart Institute.
Makikita dito ang malaking tarangkahan at pangalan sa itaas na mayroong nakaukit na estatwa ng isang dragon.
Pula ang kulay nito na simbolo ng katapangan at katatagan.
Tumigil na ang karwahe sa maraming kabataang adventurer na gustong maging estudyante ng paaralang ito.
Sa kanilang pagtigil ay mayroon silang nabanggaan na hindi sinasadya upang magkaroon ng komosyon sa paligid.
"Blag!"
Ito lamang ang narinig na lahat upang umingay ang dalawang kabayo.
Naramdaman ito ni Zeuros.
Namumuo ang butil ng pawis sa noo ng mamang kutsero ni Zeuros dahil nakabangga siya ng isang karwahe din.
Isang magarbong karwahe at mayroon itong kasamang limang kawal at agad sinugod nito ang mamang kutsero ni Zeuros.
Agad itinutok nito ang talim ng espada sa leeg nito upang hindi ito makagalaw at makapagsalita.

Maraming tao sa paligid at nakita nila ang buong pangyayari.
Nagbanggaan ang dalawang karwahe at maraming bulong bulungan sa paligid at narinig ito ni Zeuros.
"Naku naman kawawa ang mamang  ito at paseherong kasama nito dahil isang noble clan ang nabanggan nila!"
"Isa pa namang mapagmataas at matapobre ang anak ng noble clan na ito!"
"Tama ka diyan!"
"Hayss,kung ako sa kanila ay hihingi na lang ako ng tawad sa nabangga nilang noble clan!"
Ito ang malinaw na narinig ni Zeuros sa mga tao sa paligid.
Tumahimik ang mga ito dahil lumabas na ang sakay ng karwahe.
Maraming noble at aristocrat clan sa paligid na natahimik ng makita nila ang sakay sa karwahe at bumaba ito.
Isang binata na nasa labingpitong taong gulang.
Maitim ang buhok nito at mayroong abuhing mata.
May katangkaran ito at base sa awrang inilabas nito ay isang Multiple Gold Rank level 10.
Hindi na sila magulat at magtaka dahil anak ito ng isang noble clan SA capital city.

Samantala habang tahimik ang lahat ay hindi muna bumaba sa karwahe si Zeuros.
Pinakiramdaman niya muna ang buong paligid.
Naramdaman din nito ang awrang inilabas ng binatang noble.
"Tssk,basura!"
Ito lamang ang nasambit ni Zeuros sa kanyang sarili.
Papalapit na ang presensya sa karwahe ni Zeuros ay bigla lamang ito winasak upang magkaroon ng ingay sa paligid.
Hindi naman nagulat si Zeuros dito dahil sadyang mapangahas ang binatang noble na ito.
Lalong ikinalaki ng mata ng mamang kutsero dahil nasira ang kanyang karwahe na kasama niya sa buong B
buhay.
Nanlumo siya sa nangyari.
Ang kanyang pasahero ay mabilis umilag at tumalon sa lupa.
Nakalapag ito ng maayos habang kaharap nito ang binatang noble.

Dahil sa nangyari ay lalong naagaw ito na atensyon sa nakakarami.
Saglit sila nagkatitigan at si Zeuros na
ang bumasag sa katahimikan.
Pero bago siya nakapagsalita ay mayroon siyang narinig mula sa mga tao sa paligid.
"Isa rin ba siyang noble clan?"
"Kakaiba ang kanyang kasuotan at tila isa siyang maharlika sa taglay nitong pagiging makisig!"
Ito ang kanyang narinig na halos mga kababaihan ay humahanga sa kanya.
Ang kabuuan ni Zeuros ay mahahalintulad sa mga anak ng Hari at Reyna sa taglay nitong kakisigan.
Ang hindi alam ng lahat ay hindi kabilang si Zeuros sa mundong ito.
Napanatili niya ang pagiging Isang ordinaryong tao lamang.

Isang metro lamang ang distansya sa pagitan ng dalawa habang nakaharap ito.
Kalmado lamang si Zeuros habang tinitingnan ang binatang noble.
Marami pa rin siyang naririning na bulong bulungan sa paligid.
Ibinuka nito ang kanyang bibig.
Pero ang atensyon ni Zeuros ay sa mamang kutsero na nakatutok pa rin ang mga espada sa leeg.
Hindi na nagawang magsalita ni Zeuros dahil naunahan siya ng binatang noble.
"Pangahas ka!"
"Alam mo ba ang pagkakamaling nagawa mo!"
Tanong nito kay Zeuros.
Ibinalik ni Zeuros ang tingin sa kanyang harapan dahil narinig into ang kanyang sinasabi.
"Walang mali sa aming nagawa!"
"Isa lamang itong aksidente at sa pagkakaalam ko ay wala namang napinsala isa sa inyo!"
"Pero ang gibain ang karwaheng tanging ikinabubuhay ng aking kasama ay hindi tama!"
"Iyon ba ang sinasabi mong pagkakamali o kayo ang mayroong mali sa pagkakataong ito?"
Ito ang tapang balik na sinabi ni Zeuros sa binatang noble na kaharap niya.
Na mas lalo niya ito ikinagalit.

Lalong nag ingay ang mga tao sa paligid dahil sa pagsagot ni Zeuros.
Kahit ang ilang noble clan o aristocrat clan ay walang tapang upang banggain ang noble clan na ito.
Ang "Early Vermillion Clan".
Sila ang noble clan na nangunguna sa listahan ng mga noble dahil sa taglay nilang lakas at kapangyarihan.
Lalo ang kanilang patriarch at mga master na miyembro ng clan na ito.
Dahil sa narinig ni Zeuros mula sa mga tao ay doon niya nalaman kung anong clan ito kabilang.
Mapanghamak at mapagmataas nga ang binatang noble na ito.
Dahil sa katayuan ng kanilang clan.
Pero hindi ito nagbigay ng interes para kay Zeuros.
Sinenyasan nito ang kanyang mga kawal upang patayin ang mamang kutsero na kasama nito.
"Patayin nyo ang hampaslupa na iyan!,tutal wala namang silbi iyan!"
Ito ang mapanghamak na utos niya sa mga kawal upang patayin ang kasama niya.
Kumilos na sana ito para tapusin ang buhay ng kanyang kasama pero bigla na lamang hindi makakilos ito at nagkaroon ng dugo ang mga bibig at ilong nito.
Isa isa itong bumagsak at nawalan ng malay.
Nakahinga ng maluwag ang mamang kutsero pero naroon pa rin ang sindak sa mga mata nito dahil sa kaniyang nakita.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
Na lalong nagkaroon ng komosyon sa buong paligid.

Dahil sa nakita nila na halos lahat na kasamang mga kawal nito ay nakahandusay sa lupa.
Hindi makapaniwala ang binatang noble dahil nag iisa lamang siya ngayon at ang ipinagtataka niya sino ang may gawa nito sa kanyang mga kawal dahil hindi naman umaalis sa kinatatayuan nito ang kaharap niyang niyang binatang may abuhing mga mata.
Nararamdaman niya na mas mataas ang kanyang ranggo kaysa dito.
Na isang hamak na Pinnacle Rank level 10.
Kaysa sa kagaya niyang Multiple Gold Rank level 10 ay masyadong malayo ang agwat nila sa isat isa.
"Ikaw!"
Duro nito kay Zeuros.
"Ano ang ginawa mo sa mga kawal ko!"
Sigaw nito kay Zeuros.
Ngumiti lamang si Zeuros sa kanya.
"At sa tingin mo ba may kinalaman ako sa nangyari sa iyong mga kawal?"
"Isa pa maraming nakakita na hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko at paano mo nasabi na ako ang may gawa!"
Ito ang balik ni Zeuros sa binatang noble dahil hindi pa nito kilala ang pangalan.
Nagsimula na naman ang ingay sa paligid dahil sa tama ang kanyang sinasabi.
At marami ang sumasangayon dito.

The lost kingdom;Rising Of The Great WarriorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora