Chapter 5.

10 7 0
                                    

Ang Azsarel kingdom ay isang mundo ng mga  vicious beast.
Ibat ibat uri at magkaibang taglay na katangian at lakas.
Bago nqngyari ang mundong ay magkakasama ang mga mortal at vicious beast at namuhay ng payapa.
Subali dumating ang panahon na nagkaroon ng samot saring na panimula ng mga mortal na mayroong mataas na kapangyarihan.
Pinagpapaslang ang mga vicious beast upang magsilbing kayamanan nila.
Sa panahong ang mga vicious beast ay walang kakayahang lumaban at magsalita dahil sa ang mga hayop na hindi kontrol o hawak ang pag iisip nito.

Dahil sa pangyayaring ito ay hindi maatim ng isang immortal upang pagsamahin ang mababang uring nilalang sa mga vicious beast dahil nagbabadyang maubos ito.
Kaya sa taglay niyang kapangyarihan ay inalis niya ng mga vicious beast sa mundo ng mga mortal.
Gumawa siya ng isang mundo na para sa mga vicious beast pero mayroon itong kontrata.
Ang kontratang ito ay magiging katuwang sila sa sinumang mortal upang tulungan ito na lumakas at lumaban sa mga Demon.
At dahil narin sa lakas ng kanyang essence ay nakabuo siya ng isang supling kahit wala itong kasiping na babae.
Ang essence sa kanyang katawan upang gumawa ng supling at katumbas ng ilang libong cultivation.
Dahil Dito ay nanghina siya at kailangan niya ito punan sa loob ng mahabang panahon.

Ang supling na ito ay magbabalik sa takdang panahon at panahong iyon ay pangunahan niya ang malawakang digmaan sa hinaharap.
Pero sadyang magpagbiro ang tadhana at natuntun siya ng mga demon at sinakop ang buong lugar upang pagharian ito.
Marami ang nagbuwis ng mga buhay at dumanak ang dugo.
Dahil sa nangyari ay kailangan niya iligtas ang kanyang supling na kasalukuyang natutulog ito sa isang lubid na enerhiya.
Nakabalot ito ng lubid.
Inilagay niya sa loob ng lubid na parang duyan ang isang sapot.
Gumawa siya ng isang lagusan at ibinigay ang sanggol sa isang vicious beast.
Magulo at maingay ang paligid dahil sa walang tigil na patayan.
Ang kinalalagyan niya ay ito ang Hidden Realm.

Binuhos niya ang kanyang kapangyarihan upang labanan ang mga demon.
Maraming mga vicious beast at kagaya niyang immortal ang lumaban subalit dahil sa nanghihina siya ay nagapi ito.
"Anak,magpalakas ka upang maghatol sa hinaharap!"
"Bawiin mo ang Hidden Realm!"
"Hanggang dito na lang ang kaya ko ibigay sayo!"
Ito ang nasa isipan niya bago malagutan ng hininga.
Naglaho ang katawang lupa niya pero isang bilog na enerhiya ang lumabas sa katawan niya at mabilis itong naglaho.
Walang nakakaalam kung saan ito patungo.

Ang demon ay tuso at hindi patas kung lumaban.
Lalo na ang Demon Lord.
Isa din siyang immortal pero dahil sa ambisyon ay nagawa niyang mapaslang at makuha ang mundong pinakaasam asam niya.
Ang Hidden Realm.
Lumipas pa ang ilang libong taon ay lalong lumakas ang kanilang pwersa at walang sinumang makapantay pa sa kanila.
At ang isang plano nila ay sakupin ay sakupin ang mundo ng Mortal Real.
Matagal na nila ito pinag aaralan at kaunting panahon na lamang ang kanilang gugulin upang masakop ito.
Masyadong mahina ang namumuno sa mundong ito.
At kung masakop nila ito ay isusunod nila ang Upper Realm,Celestial Realm,Goddess Realm at Divine Realm.

Magagandang Bahay at kalsada ang bumungad sa paningin ni Arak habang nakasunod ito kay lord Crunos.
May ilan siyang nakikitang kabataan na kaedad niya at mapanuring mata agad ang kanyang nakita.
Nakarinig din siya ng ilang salita mula rito.
"Isang Mortal?"
"Paano nakarating iyan dito at labag ito sa panuntunan ng ating panginoon!"
Ang lahat na ito ay narinig ni Arak at bumaling siya sa mga batang nakita niya sa daanan na naglalaro ito.
Hindi niya ito pinansin ang kanilang mga pasaring.
Naramdaman ni Arak na hindi pangkaraniwan ang mga batang ito.
Hindi sila mga mortal.
Sadyang mataas lang ang kanilang uri.

Patuloy lamang ang kanilang lakad.
Ang itsura ng lugar na ito ay pareho sa kinalakhan niyang lugar.
Naalala niya ang Centro na kung saan ay maraming ding mga gusali at tao.
Ibat ibang paninda ang makikita sa bawat daanan.
Nananatili siyang nakasunod kay lord Crunos at hindi man lang siya nakaramdam ng pagod.
Hanggang sa isang bahay ang nabungaran nila.
At base sa itsura nito ay maliit lang ito pero maganda ang kinalalabasan.
"Nandito na tayo!"
"Sumunod ka sa akin at mayroong akong mahahalagang sasabihin sayo!"
Sabi nito kay Arak.
Pumasok na sila sa loob at kabilktaran ito sa kanyang inaasahan dahil sa malaki at malawak ang espasyo sa loob.

Seeyoso ang mukha nito ni Crunos upang ipaliwanag kay Arak ang mahalagang bagay.
Nakaupo sila ngayon sa isang mahabang upuan na yari sa isang bato.
Magkaharap ang dalawa.
Katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa.
"Arak,ang totoo mong pangalan ay Zeuros Creisss!"
" Ikaw ay nagmula sa mundo ng Hidden Realm!"
"Ang iyong ama ang namumuno sa mundong iyon subalit napaslang siya ng isang Demon lord at sinakop ang buong Hidden Realm!"
"Nanghina at hindi nakayanang labanan ng iyong ama Ang demon sa kadahilanang binuo ka niya sa pamamagitan ng kanyang essence!"
"Upang protektahan ka ay ibinigay ka niya sa akin upang itago sa mundo ng mga mortal!"
"Isa sa mga rason kung bakit naroon ka at natagpuan ng mag asawang inaakala mo ay mga totoo mong magulang!"
Malinaw niya naiintindihan ang lahat sa pagpapaliwanag nito.

Sa Aszarel Kingdom ay si Lord Crunos ang namumuno dito.
Bukod sa pagiging gabay niya at bantay sa mundong ito ay mayroon din siyang itinalagang bantay sa bawat sulok ng kaharian.
Mula hilaga,kanluran,timog at silangan,lahat ay mayroong nakatalagang bantay dahil sa lagusan ay maaring magbukas sa darating na panahon.
Sa pagbukas ng lagusan ay maaring matuklasan ito ng mga adventurer SA mortal realm.
Magkaroon ng pagbabago sa mundo ng mortal realm dahil sa mga vicious beast dito.
Maari nila ito paslangin at gawing kayamanan o kakampi.
Mabilis ang naging oras dahil umiikot ito at gaya sa panahong di mo akalain ay matagal na dumaan.
Sa panahong iyon ay walang ginawa si Arak o Zeuros Creiss sa tunay na buhay ay puro pagsasanay ang kanyang ginawa at pagbabasa sa librong naiwan ng kanyang ama.
Mabilis ang kanyang pagtuto sa mga bagay bagay na mabilis din ang kanyang paglaki.
Sa kanyang paglaki ay nagbago ang pisikal niyang anyo at mukha niya.
Ang lahat na ito ay nakikita ni Lord Crunos.
Nagging kamukha ito ng kanyang amla sa batang bersyon nito.
Ang mga magulang nito na sina Ginoong. Rubio at Gng.Mercedes ay maayos at magaling na ang kalagayan nila.
Pero nasa loob parin Sila SA spatial ring dahil sa mayamang enerhiya sa loob nito.
Mabilis ang pag galing nila at wala na ang pinsala sa kanilang katawan.

Sa pagbabago ni Arak ay mas lalo niya
naramdaman ang kanyang paglakas kung dati ay isa siyang Multiple Gold Rank level 5 ngayon ay isa na siyang Profound Rank level 5 sa edad na anim na taong gulang.
Dahil na rin sa isang taon na ang lumipas.
Marami siyang natutunan sa librong iniwan sa kanya ng kanyang ama.
Ang pagkontrol ng kapangyarihan at paghigop ng ibat ibang essence sa pamamagitan ng pagcultivate.
Pag gamit ng pills at mga sandatang ibat ibang uri.
Pinag aralan din niya ang mga skills at technique.
Sa mga singsing naman na iniwan sa kanya ay hindi pa niya ito nasuri at pati ang kwintas.

Malawak ang mundo ng Aszarel Kingdom.
Kamangha mangha ang gawa ng kanyang ama at nais niya ito tularan kahit hindi pa niya ito nakikita.
Gusto niya maging katulad ito.
Isa pa ang napapansin niya ang mundong ito ay kagaya din sa mundo ng Mortal Realm.
Namuhay ng normal ang mga vicious beast kahit nasa anyong tao ito.
Ang pagkakaiba mas hamak na malakas ang vicious beast kaysa sa normal na nilalang lalot kung nasa totoo silang anyo.
Ang mundo na ito ay puno ay puno ng hiwaga at kakaibang daloy ng enerhiya.
Nakakapaggaling ng anumang pinsala sa sinumang nilalang na makapasok dito.
Higit pa dito ang kayamanang nakuha mo sa ibang mundo.

Samantala ay laging abala si Lord Crunos sa pagaasikaso niya sa kauri nito.
Hindi rin niya namalayan na isang taon ang lumipas at mabilis din ang pagbabagong naganap sa buhay ni Arak.
Oras na rin upang lisanin ni Arak ang mundong ito at harapin ang mundong nakalaan sa kanya.
Ang harapin ang totoong hamon sa buhay.
Ang kanyang mga magulang ay mabilis ang kanilang paggaling at nagsasanay din ito sa spatial ring.
Lalong tumaas ang antas nila sa loob dahil sa mayaman ito sa enerhiya.
Kung dating nasa Pinnacle ang ranggo nila ngayon ay nasa Epic rank level 9th at malapit na sa pagiging Legends Rank.
Malaki ang pasalamat nila dahil sa nabuhay sila sa kakaibang mundo na ito.

The lost kingdom;Rising Of The Great WarriorWhere stories live. Discover now