Chapter 7.

21 5 0
                                    

Sa isang sulok ng kweba ay natutulog parin si Zeuros.
Wala parin itong malay sa nangyayari sa loob  na nagkaroon ng pagbabago sa paligid nito.
Ang walang anumang bagay sa loob ay unti unting lumilitaw.
Nagkaroon ng mga bagay sa kweba na kagaya sa isang normal na bagay sa loob ng tahanan.
Ang dati niyang higaang bato ay kasinglambot na ito ng isang maputing kama.
Nagkaroon na rin ng bintana at pintuan dito.
Maganda ang itsura sa dating madilim na kweba dahil sa magagandang dekorasyon.

Nagising si Zeuros na magaan ang kanyang pakiramdam.
Medyo nagtataka din siya.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob at nagulat siya sa kanyang nakita.
"Nasaan ako?"
Tanong niya sa kanyang sarili.
"Hindi ba ako nananaginip?"
Tanong niya ulit.
Tumayo siya upang libutin ang kabuuan ng loob ay makikita pa rin sa mata niya ang pagtataka.
Lumapit siya sa binatana.
Sa kanyang pagbukas ay bumungad sa
kanya ang parehong itsura ng masukal na gubat.
Walang nagbago sa mga ito.
Pumunta siya sa pintuan at sa kanyang pagbukas ay nasa bunganga siya ng kweba.

Nalilito parin si Zeuros sa nangyari.
Sumagi sa kanyang isipan na marahil ay bahagi pa rin ito ng kanyang kapangyarihan.
Ito ang sinasabing lugar na nakalaan sa kanya upang magsilbing tahanan niya.
Sa kanyang pag iisip ay naaalala niya
ang supot na binigay sa kanya ng kanyang magulang.
Ang kayamanang iniwan sa kanya ng totoo niyang magulang.
Bumalik siya sa kanyang higaan at inilabas ang supot.
Binuhos niya ang laman nito at TILA naging bundok ito sa taas dahil sa sobrang dami.
Hindi niya alam kung paano ito paghiwa hiwalayin.
Mayroong siyang naisip kung tama ito dahil sa hindi pa niya nasubukan ito.

Ikinumpas ni Zeuros ang kanyang kamay at itinutok nito sa mga gabundok na kayamanan sa kanyang harapan.
Nagsilutangan ito at naghiwa hiwalay ayon sa mga uri nito.
Makalipas ang ilang sandaling paghihiwalay nito ay nasa maayos na at magandang pagsama sama ng mga ito.
Kinuha niya ang kanyang spatial ring upang ilagay doon ang mga ibat ibang uri ng mga armaments at pills.
Nang matapos na siya sa kanyang ginawa ay pagtutuunan niya ng pansin ang librong sobrang kapal.
Umupo siya sa kanyang higaan at kinuha ang libro.
Sa loob ng maikling panahon ay marami siyang natutunan dito.
Binuklat niya at mayroong liwanag na lumabas dito.
Noong una ay hindi niya maiintindihan ang mga letrang nakalagay dito pero ng tumagal ay nagbago ang anyo nito at naiintindihan niya kung ano  ang nakasaad dahil sa normal na letrang maaring mabasa ng isang kagaya niyang tao.

Alam na rin niya ang mga kasaysayan at saan nagmula ang mga mundong magkakaiba.
Lahat ito ay natutunan niya noong nasa Aszarel Kingdom pa siya.
Napako ang tingin niya sa isang pahina nito.
Agad niya binasa ito.
"Become a stronger summoner in different realm!".
Sa kanyang pagkabasa ay napukaw nito ng kanyang interes.
Binasa niya ang unang bahagi nito.
Matapos ang ilang minutong pagbabasa ay halos nasa utak na niya ito at kung paano maging isang malakas na summoners sa ibat ibang panig ng mundo.
Sa kaharian ng Dragon Heart Kingdom ay wala pang naitalang mayroong summoner dahil ayon sa kanila ay isa lamang itong alamat at walang nakakapagpatunay nito.
Ang pagiging summoner ay hindi at sa ilang libong taon ay isa o dalawa ang ipinanganak na may taglay nito.
Isa itong biyaya sa bawat clan subalit mapanganib din ito dahil maaaring buhay din ang mailagay sa peligro.

Isinantabi na muna ni Zeuros ang nakasaad sa libro tungkol sa summoner.
Pagtutuunan niya ng pansin Ngayon ang pagsasanay upang tumaas ang kanyang antas na ranggo.
Ang plano niya ay palakasin ang kanyang pangangatawan at sanayin ang sarili sa ibang aspito ng pagsasanay.
Wala siyang kakampi o magtuturo sa kanya kundi ang sarili niya.
Nagkaroon ng lungkot sa kanyang mukha dahil naalala niya ang kanyang Ina at ama.
Kahit nalaman niya ang buong katotohanan sa kanyang buong pagkatao ay hindi pa rin niya malilimutan ang masasayang araw na magkasama silang pamilya.
Lumaki siya na responsableng mag isip at mapanuring bata.
Sa edad niyang limang taong gulang ay para na siyang matanda kung mag isip.
Lagi niya inaalala ang bawat pangaral sa kanya ng kanyang ama at ina.

Sa loob ng ilang oras na pagsasaayos ng kayamanang iniwan ng kanyang totoong magulang ay ipinasya niyang magsanay sa ibang lugar.
At nasa daliri niya ang tinutukoy nitong lugar o isang kakaibang mundo.
Alam niya na ligtas ligtas siya sa lugar na ito at walang sinumang nilalang na magtangkang puntahan ang kagubatang ito.
Kinatatakutan nila ang "Daredivel Forest",dahil sa ilang impormasyon at istorya sa likod nito.
Itinuon ni Zeuros ang kanyang enerhiya sa singsing na kung tawagin ay "Dimensional Ring".
Bigla siyang hinigop nito sa kung saan at tumambad  sa kanya ang kakaibang tanawin.
Tila isa itong paraiso at sobrang malakas at mayaman na mga essence ang kanyang nararamdaman.
Malawak ang lugar na ito na hamak na maganda sa mundo ng Aszarel kingdom.

Ilang minuto ang kanyang paghanga sa lugar ay agad naghanap ng komportableng pwesto upang isagawa ang kanyang pagsasanay.
Sa di kalayuan ay nakakita siya tila  maliit na kubo.
Binaybay niya ang daan patungo sa kubong kanyang nakita.
Sa kanyang pagdating ay nagbago ang anyo ng kubo at napalitan ito ng isang malaking gusali.
Ang gusali na mayroong mga palapag at halos di mabilang ito dahil sa sobrang taas.
Hindi na nagatubili at agad siya pumasok sa loob.
Wala namang anumang nangyari dahil kusang bumukas ang malaking pintuan.
"Maligayang pagdating aming munting panginoon!".
Ito ang tinig na narinig ni Zeuros.
Hinanap niya ito subalit di niya makita kung saan ito.
Sa kanyang pagpasok ay inisip niya agad na magandang bagay o kwarto ang makikita niya.
Hindi niya naisip na ito ang kanyang madatnan.
"Isang malawak na kapatagan!"
Ito lamang ang kanyang nasambit.
Mula sa kanyang harapan ay lumitaw ang pabilog na bato.
Kumikinang ito at tumigil sa kanyang harapan.
Bumagsak ito sa malaluntiang damo.

Ang pabilog na bato ay tinatawag na "Energy Vines Stone!"
Umiiral ito sa bawat cultivator na gaya niya.
Agad nauunawaan ni Zeuros ang pabilog na batong nasa harapan niya.
Ito ang magsilbing tuntungan niya habang nakaupo ng palutos umpisahan niyang paangatin ang kanyang ranggo.
Siya ay isa ng Platinum Rank at nasa level 5 pa lamang.
Agad siya umupo sa kumikinang na pabilog na bato at paupong nakalutos.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang umpisahang magnilay at makakuha ng essence sa lugar na ito.
Sa sobrang kapal ng essence ay hindi siya mahihirapan upang gawin ito.
Sa lugar na ito ay tanging essence lamang mula sa mga buhay na halaman,damo at mga punongkahoy.
Maging ang mga bulaklak at bungang kahoy ay taglay din nito ang natural na essence.
Sinimulan niya at unti unting nagkaroon ng enerhiya sa buong katawan ni Zeuros.

Ang buong paligid ay nagkaroon ng mga maliliit na bilog liwanag galing sa ibat ibang direksyon at patungo ito kay Zeuros.
Lalong nagliwanag ang kabuuang hitsura ni Zeuros dahil sa mga essence galing sa kapaligiran.
Sa kabila ng lahat ay ang tinig na narinig kanina ni Zeuros ay nakabantay lamang sa di kalayuan.
Ito ang magsilbing gabay at bantay niya habang dito siya sa dimensional ring.
Walang nakakaalam kung sino ang nilalang na ito.

The lost kingdom;Rising Of The Great WarriorNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ