Chapter 1.

23 5 1
                                    

Hindi naging madali ang buhay ng isang nilalang lalo nat ikaw ay isang ordinaryo lamang.
Wala kang magiging sandata kundi ang iyong sarili lamang.
Sa isang liblib pero malawak na lugar namuhay ang pamilyang ito.
Masaya sila at walang iniisip kundi ang punan ng pagmamahal ang isang batang kasama nila.
Sa mundong ginagalawan nila ay likas ang pagiging adventurer.
Sila ay namuhay ng payapa at hindi nila iniisip na magkakaroon ng pagbabago sa huli.
Sila ay hindi pangkaraniwan at lihim ito itinatago ng ilang taon upang mamuhay bilang ordinaryong pamilya.

Likas lay Arak ang pagiging masayahin at mahilig sa mga bagay bagay sa paligid.
Subalit sa kabila nito ay nakaramdam siya ng awa sa kanyang sarili.
Paano niya maipagtanggol ang mga magulang niya kung siya mismo ay mahina at walang senyales bilang isang adventurer.
Sa mundong ginagalawan niya ay umiiral ang pagiging adventurer.
Magsimula ka sa pagiging Beginner,
At mayroong level ito mula level 1 hanggang level 10.
Kasunod naman nito ay Practitioner na mayroong level 1-10.
Hanggang sa maging Pinnacle na level 1-10.
Pagkatapos ng Pinnacle Rank ay ang Multiple Gold Rank,Platinum Rank,Profound Rank,Epic Rank,Legends Rank,at ang pagiging Heaven Rank na parehong level 1-10.
Ang kanilang level ay pamantayan ng pagiging malakas at abilidad.

Ang Essence, ay isang malaking kayamanan sa bawat nilalang.
Sa pamamagitan ng essence ay magkakaroon ang isang nilalang ng ibayong kapangyarihan.
Magagawa niyang maging malakas at mapadali ang pagcultivate nito.
Maraming ibat ibang uri ng essence na umiiral.
Ang Essence of Nature,ay isang natural at simpleng makukuha dito.
Bawat may buhay gaya ng halaman,puno at maging bulaklak ay mayroong essence.
Ang Essence of Animals,ay mabisa subali't delikado din ito gamitin dahil may posibilidad na makontrol ka nito kung ang isang nilalang ay walang kakayahan at matibay ang pangangatawan.
Ang Essence of Stone,gaya ng Gold,Diamonds at Brilyante ay mabisa upang mapadali ang pag angat ng antas na lakas ng isang cultivator.
At ang huli ay Essence of Heaven.
Isa itong sagrado at makapangyarihan
Wala pang adventure ang nakarating o nakakuha ng essence na ito dahil hindi pa nagkaroon ng henyong nilalang sa bawat kaharian o mundong ginagalawan nila.

Ang kontinenteng Azure ay mayroong tatlong kaharian lamang. 
Ang Grommir Kingdom na isang 1st rate kingdom,kasunod nito ang Quarinuin Kingdom  na isang 2nd rate at ang panghuli ay ang Dragon Heart Kingdom na nabibilang sa isang 3rd rate kingdom.
Sa lahat na kaharian,ang Dragon Heart Kingdom ay nagbubukod tanging malawak ang lupang sakop nito.
Subali't kabaliktaran din ito sa mga nilalang na nakatira.
Bukod sa pagiging mababa ay mahina din a tsansa na magkaroon ng malakas na adventurer.
Itinatag ang Dragon Heart Institute na sinunod sa pangalan ng kaharian dahil sa pagmamay -ari ito ng Imperial Clan.
Ang Dragon Heart Institute ay binubuo ng isang Institute Master at mga Elder,na mayroong ibat ibang antas.
Ito ang Outer,Core,Inner at ang Conclave.
Ang bagong estudyante ay tatawaging Junior at Senior naman ang matagal na sa paaralan.

Binubuo din ito ng ibat ibang sekta upang maging balanse ang pamamalakad sa bawat teritoryo nila.
Patriarch,ang tawag sa namumuno sa bawat sekta.
Mayroong limang sekta ang kaharian ng Dragon Heart Kingdom.
Ito ang Pavilion Peak Sect,Vermillion Sect,Immortal Sect,Soul Sect at ang panghuli ay ang Sacred Azure Sect.
Ang sinumang adventurer o estudyante ang makapasok sa bawat sekta ay isang oportunidad sa angkan o clan.
Maari itong protektahan at may benepisyong matatanggap.
Hindi rin maiiwasan ang pagkaroon ng mga hidwaan sa bawat sekta.
Ang Pavilion Peak Sect,ang nangunguna sa lahat sa tuwing mayroong patimpalak na magaganap.
Samantala ang Sacred Azure Sect, ang pinakamahina sa lahat.

Sa isang village ay payapang namumuhay ang isang pamilya.
Ilang dekadang nakalipas ay tahimik at tanging pangangaso ang ikinabubuhay ng pamilyang ito.
Bukod sa pangangaso,marunong din sila gumawa ng mga gamot gaya ng potion,simpleng kalidad ng pills at ilang herbal na halaman ang kanilang itinitinda sa isang bayang sakop ng lugar nila.
Wala silang kinabibilangang clan dahil sa mga ordinaryong pamilya lang sila.
Si Ginoong Rubio ay mabuting ama at responsable.
Samantala si Gng.Mercedez ay masipag na maybahay.
Ang kanilang supling ay isang limang taong gulang na bata.
Ito ay si Arak.

The lost kingdom;Rising Of The Great WarriorWhere stories live. Discover now