Chapter 16.2 : Swimwear Competition

Почніть із самого початку
                                    


"From District 18, Marvel Pastrana". Hala, 18 na pala! Hindi ko namalayan, grabeng pambubulag ang ginagawa niya sa akin. Panoorin ko nga muna itong kaibigan ko. Natilian ulet ang mga babae. Okay, ngayon ko lang narealize, pogi rin pala siya, lalo pa ngayong naayusan siya.


Naglakad siya papunta sa, harap at tumalikod, at tsaka siya nagpakitang gilas sa pag-ipit ng mga muscles niya sa braso at sa likod. Oh my, medyo yummy rin pala itong friend ko. Alright. Tama na Leila, masyado ka na. Pati kaibigan mo pagnanasaan mo na.


Eh anong magagawa ko? Babae rin ako. Marupok din ako paminsan-minsan hahaha.


"From District 19, Rannier Gammanduk". Teka siya yung unang-unang lumapit sakin doon sa assembly hall. Buti matalas ang memory ko. Okay na rin siya. Kaso basta kasi talaga kapag sinabing volunteer. Susunod na first impression ko. Mayabang.


"From District 21, Jobs Gatchalian" Wow si seatmate sa kainan kanina. Biglang nagtilian ulet ang mga babae sa likod ko.


Okay. No comment. Next please.


"From District 24, Thaddeus Zeal" Ang entrance niya, nakatalikod siya. Tapos pag-tapat ng ilaw niya tsaka siya humarap at ininapalakpak niya ang kanyang kamay sa taas ng ulo niya na parang nagja-jumping jack habang naglalakad.


Ang tangkad ng isang ito, moreno at napaka-laki ng katawan. Para siyang 25 years old na, pero siguro 21 lang siya. Nakakatakot, mukhang hindi ako mananalo sa kanya kung pisikalan lang din ang magiging labanan.


"From District 25..." Hindi pa nasasabi ang pangalan niya, isinigaw ng mga katabi ko, "Spencer Skyrave!"


Huh? Bakit nila kilala. Magtatanong ba ako? Wag na, nakakahiya baka sabihin feeling close ako.


Wala namang special tungkol sa kanya, mukhang pangkaraniwan lang na 21 years old na lalaki. Halata rin dahil sa pagka-mature niya.


"From District 26..." Sumigaw nanaman ang mga katabi ko, dahil kilala rin nila "si Jude Splinter!"


What? Bakit kilala rin nila? Sabay once again, nagtilian nanaman ang mga babae. Isa lang ibig sabihin nun, tiningnan ko siya at... Shettt. Malalaglag yata panga ako. Napa-nganga ako. Ang pogi rin ng isang ito.


Ganyang mukha halos ang gusto ko, yung may dimple, medyo singkit ang mata at matangkad din siya. Maganda rin ang katawan niya, at bakit parang mukhang 21 years old din siya?


Sunod-sunod silang tatlo na puro matured ah. Pero ang pogi ng isang ito, at ang presko maglakad. Pinanood ko siya. Oh my, pero mas crush ko pa rin si Lucent dahil siya ang unang nakakuha ng atensyon ko. At ang yung swimwear niya, halos underwear na lang sa sobrang liit at fitted sa kanya.


"From District 27, Kent Gramatica". Wag mong sabihin saking kilala niyo pa rin siya. "Sabi ko na nga ba eh." Narinig ko sa malayo. So kilala pa nga rin niya.


Tiningnan ko rin siya, katamtaman lang ang tangkad. Pero medyo naiiba siya, dahil kung yung iba laging naka-nakangiti, itong isang tao mukhang galit. Pero I think style niya ito. Para magmukha siyang malakas at nakaka-intimidate.


Swimwear competition po ito kuya, hindi pa po tayo maglalaban okay?


Hindi na talaga ako maka-tiis, "Excuse me, kuya bakit niyo po kilala yung Districts 24 hanggang 27?"


"Ahhh, dahil sila yung apat na District na sunod-sunod na nagvolunteer noong Draft Pick. Kaya pinaguusapan sila at napaka-matunog ng mga pangalan nila."


"Eh bakit ganun? Hindi naman porket malalaki sila, eh ibig sabihin nun, isa sa kanila ang pwedeng mananalo" Pagtatakang tanong ko.


"Alam ko, pero kung ganyan ang katawan mo, mahihirapan ka talagang manalo kahit may malaking kahoy o bakal ka pang hawak."


Oo nga, kahit sabihin nating may kutsilyo akong hawak, pwede pa rin akong mapatay ng kahit sino sa isa sa mga ito.


"From District 31, George Icarus." Hindi ko napansin kung anong itsura niya dahil tinitingnan ko kung ano pangalan nitong katabi kong taga-District 30. At nalaman kong Ron ang pangalan niya.


Syempre ang huli si Humphrey Dutch, hindi ko na kailangan manood dahil kilala ko naman na siya.


"And there you have it folks. Ang mga champions in their swimwear. Lets have one more look bago magtapos ang programa."


Naghiyawan ulet ang mga tao, nang muling nagsilabasan ang mga champions. At ako naman siyempre, kay Lucent ako naka-tingin. Cute talaga niya! Pero tiningnan ko rin siyempre si Jude. Mehehehe.


Pagkatapos ay bumalik ulet ang mga dancer sa stage para isara ang swimwear competition.


Pagkatapos ng sayaw. Humina ang tugtog at pinatugtog ang anthem ng Goldstein Kingdom habang nagsisiuwian na ang mga tao.


------------------------------------


A/N: Swimwear Competition done! :D

Sobrang daming character na ang nakilala niyo sa chapter na ito noh?

So ano? May mga bago na ba kayong nagugustuhan?

Abangan ang next result sa scoreboards at

Well, training day na ang susunod ^_^


The Royal GamesWhere stories live. Discover now