CHAPTER 36: Euphoria

33 3 0
                                    

December 31

SOMETIMES, in life, the thing that some have been waiting for is a good break. Some pray for a breakthrough. Some wish for a perfect scene. But some just hope for a major plot twist. It's cool to think that our stories may have been written differently, yet mysteriously woven altogether. Some days may mean an ending for someone, but it can be a beginning to another. Tulad ngayon.

"Sandra, pakihalo mo nga muna ito. Kumukulo na 'yong nakasalang kong pasta," masuyong tawag sa akin ni Mader nang silipin ako mula sa kusina.

Tumayo ako sa dining kung saan ako busy na nagpapatong-patong ng graham crackers sa isang malaking tub na request ni Kuya. Dumeretso ako sa loob ng kusina at nakita sa kitchen counter ang naiwang malaking glass of bowl na may lamang elbow pasta. Napangiti ako.

Naalala ni Mader ang bilin ko sa kanyang chicken macaroni salad ngayong New Year's Eve.

"Okay na ito, Chie. Isalang mo na 'yong hipon." Dinig kong pakisuyo ni Mommy kay Tita na naghihiwa ng sibuyas sa isang tabi.

Aligaga ulit ang buong bahay. Mas magulo at maingay kumpara no'ng Pasko. Habang abala kaming tatlo sa kusina, nagkumpol ang kalalakihan sa sala. Si Daddy, sineset-up muli ang videoke at sina Jin at Lisa ang hiningian niya ng tulong para mag-mic test. Nakatoka naman ngayon si Tito John sa pagpapalobo ng red balloons. Raspberry blush daw kasi ang masuwerteng kulay sa 2023, close to red na rin kaya 'yon ang binili ni Kuya EJ. Matapos kasing mautusan sa groceries para sa ilan pang pahabol ni Mommy, dumaan na rin siya sa bilihan ng fireworks at lucis.

Sumimple akong sumandok sa isang kutsara ng dalawang piraso ng elbow pasta para tikman matapos halo-haluin. Tulad ng inaasahan, wala pa ring kupas ang macaroni salad ni Mader, kaya...

"Ma, okay na po ito." Ang laki ng ngiti ko.

Lumapit sa akin si Mommy at sandaling tiningnan ang hitsura ng ginawa ko. Mayamaya'y kumuha siya ng isang kutsara sa dish rack na katabi ko at sumandok din sa salad para lasahan.

Kilala ko si Mommy, satisfied na siya sa lasa kapag sinabi na niyang, "Sige, ilagay mo na sa ref 'yan."

Tinakpan ko na ang glass bowl ng salad at agad na itong ipinasok sa ref. Bago ko balikan ang naiwan kong trabaho sa mango grahams, sumilip muna ako sa cell phone kong naka-charge sa ibabaw ng side table sa dining area.


One new message from Prinsipe Ko


I smiled as I opened his message.


Prinsipe Ko:

Aalis lang kami saglit ni Mama, Princess

May bibilhin hehe

I love youuuuu <3

Can't wait to see you!


Umagang-umaga siyang tumawag sa akin kanina para mag-good morning. Kahit puyat kagabi, masarap ang naging paggising ko, and we both finally agreed that he'd spend the New Year's Eve with me and my family. Kahit na ayaw kong pumayag sa umpisa dahil baka magalit si Ate Hope, tinawanan niya lang ako at sinabing, "Kahit nga diyan daw ako matulog sa inyo, okay lang kay Mama."

I admit that it'd take some time for me to get used to this set up-si Ron na boyfriend ko na. Akala ko dati, na-witness ko na kung gaano siya kakulit, ka-sweet, at ka-charming-may itotodo pa pala. Unang araw pa lang magmula nang sagutin ko siya, alam ko nang mabibigla ako, mao-overwhelm sa sobrang pagmamahal at pag-aasikaso niya. Pero gusto ko naman laging matuto. Gusto kong sumubok. Gusto kong masanay. Lalo na pagdating sa kanya.

Euphoria /you•for•eia/Where stories live. Discover now