EPILOGUE V

28 5 0
                                    

"OO nga... Ayaw maniwala..."

Pagkapasok ko sa bahay pagkahatid kay Sandra, mas malapad ang ngiti sa akin ni Mama habang halata ang pang-aasar sa mukha. Akala ko, mga tanong at sumbat niya ang sasalubong sa akin dahil medyo late na ako nakauwi. Although tinawagan ko sila ni Papa para ipaalam na late ako makararating ng bahay, nilagtaan ko munang sabihin sa kanila na may dinidiskartehan akong babae na nagpapasaya ng puso ko ngayon.

Kasabay ng pagsara ni Mama ng gripo sa kusina matapos maghugas ng ilang baso, napahinto rin ako sa pagkalas ng sintas ng sapatos ko. Napaangat ng tingin sa kanya. Tapos natulala.

"May irereto ako sa 'yo..." Anak ng makulit na tinapay.

Kilala ko si Mama. Lagi niya akong inaalala na baka tumanda raw akong binata. Sa ilang relasyon kong malaya ko dating ikinukuwento sa kanya, natatakot si Mama na baka wala raw akong kasamang tumanda. Na baka dumating daw ang araw na walang mag-aalaga sa akin. Dahil matapos malaman ni Mama na ilang beses din akong sumubok na sumugal at ibigay ang higit pa sa kaya ko para sa isang babaeng mahal ko, pero olats at naiiwan akong sugatan sa huli, sinusubukan niyang ibugaw ako sa tingin niyang papasa sa standard ko. Dahil...

"Siya lang ang pinakamatinong babaeng nakilala ko na bagay na bagay sa 'yo noon pa." Mukhang seryoso na talaga siya dahil kakaiba ang ngiti niya-'yong ngiting handa na akong ibenta anumang oras. "Maganda. Matalino. Galing sa maayos na pamilya. Napakabait." Parang siya ang naglalagay ng check mark sa listahan kong never ko pa namang nabanggit sa kanya. "Ano pa'ng hahanapin mo kay Trixie, anak?"

That night, umaapaw ang kumpiyansa ng nanay ko sa mga sinasabi niya. Hatinggabi na, pero pang bagong gising ang energy. Lalo na nang sabihin niyang...

"Nakauwi na siya. At magkikita raw kayo."

Hindi ko akalaing mabilis lang ang sampung taon. Siguro, mabilis para sa mga taong matiyagang maghintay. O mabilis para sa taong hindi naman talaga naghihintay. Well, I am both for Trixie. Hinihintay ko siya dahil 'yon ang pangako ko sa kanya bago niya iwan ang Pilipinas. At hindi ko siya hinihintay dahil lang may gusto pa akong tuparin bukod sa nag-iisang pangakong 'yon.

But Trixie is one of the few people in my life that I couldn't just say no for the sake of saying no. She's a dear friend, a sister to me. And doing things for her is a responsibility I would gladly take.

"I know it's insane. Pero kasi..."

Gusto ko mang maawa sa puting straw dahil bugbog na sa kangangatngat ni Trixie habang pilit na nilalantakan ang papaubos niyang latte, mas gusto kong maawa sa kanya. After more than ten years of not seeing each other, masasabi kong maraming nagbago sa dagang 'to.

Halos hindi ko siya nakilala kanina nang may kumaway sa aking mestizang babae pagkapasok ko rito sa café. Never would I imagine that a girl with loud pink hair highlights and red lipstick would carelessly call my name in the middle of a silent, cozy place.

Napansin kong tumaba rin ang pisngi ni Trixie nang makaupo na sa ako sa tabi niya. At kumpara sa paborito niyang rubber shoes no'ng high school, mukhang mas komportable na siyang magsuot ng heeled boots kahit nandito na siya sa Pinas.

Trixie has really changed. A lot. Babaeng-babae ang hitsura niya ngayon at halatang matagal nang hindi naglagi sa Pilipinas.

Pero may mga bagay pa rin talagang nananatili gaano man lumipas ang mahabang panahon. Malaki pa rin ngumiti si Trixie. Malakas pa rin tumawa kahit sa public. Hindi pa rin kayang itago ng mahaba niyang buhok ang malaki niyang tainga. At, nagngangatngat pa rin siya ng kung ano-ano kapag kinakabahan. O hindi alam ang gagawin.

Euphoria /you•for•eia/Onde histórias criam vida. Descubra agora