CHAPTER 9: Moon Kissed

20 6 0
                                    

SUMAPIT ang alas-diyes ng umaga at tamang-tama ang timpla ng tirik ng araw. Hindi pa gaanong masakit sa balat kaya nagkayayaan na ang lahat na lumusong sa dagat. Ang mga lalaki ay kanya-kanya nang hubad ng pang-itaas at iniwan ang mga damit sa cottage.

"Ate Joy, pakibantayan na lang po muna," tukoy ni Emman sa hinubad na black T-shirt at nagmamadaling hinabol sina Joemar sa tabing dagat.

In fairness naman sa Emman na 'to ha, sa isip-isip ko nang madaanan ng mga mata ko ang katawan niya, ang kinis ng balat hanggang likod!

Alam kong halos pareho kami ng iniisip ng katabi ko na mukhang kanina pa nananaginip nang gising. Kanina pa 'to talak nang talak si Lyka tungkol sa pagkawalang manners ni Joemar kanina nang makasabay niya itong kumain, pero natigil sa pagrereklamo ang bruha nang makitang topless na ang crush niya sa isang tabi para maligo. Kaloka!

Siyempre, hindi rin nakaligtas sa akin si Ron. Kanina pa hindi mapakali ang isip ko sa kung ano'ng ibig niyang sabihin kanina tungkol sa pagiging loyal niya sa mahal niya, pero nawala na parang bula ang mga isipin ko nang takbuhin niya ang mababaw na parte ng dagat nang walang pang-itaas!

'Yong malapad niyang mga balikat, 'yong paghawi ng malamig na hangin sa kanyang buhok, at 'yong-

"Mga 'te, tara na!" sigaw sa amin ni Kim.

Agad naman kaming napalingon sa kanya ni Lyka at nakitang lahat ng mga babae ay naka-swimsuit na at lumusong na sa tubig.

Walang ano-ano ay tinanggal na rin ni Lyka ang nakatapis na tuwalya sa kanyang bewang at inilugay ang mahabang buhok.

Wala na rin akong nagawa kundi hubarin ang aking yellow cover-up at shorts at inilantad ang one-piece pastel blue swimsuit ko.

"That's my girl!" biglang sabi ni Lyka sa likod ko na ikinagulat ko. "Flaunt that coca-cola body, babe!" tukso pa niya sa akin.

Inirapan ko lang ang bruha kahit na alam kong tinutukoy niya ang malaki kong puwet.

Pagdating namin sa tabi ng dagat, nagkakatuwaan na ang lahat. Nakapatong sa balikat ni Emman si Joemar, habang si Ron naman ay nakapatong sa balikat ni Louis. Halatang aliw na aliw ang apat na mokong sa pakikipagsagupaan, hanggang sa nakita kong pumlakda sa tubig si Joemar dahil sa lakas ng tulak ni Ron.

Ang saya panoorin ng mga kumag dahil kakaiba sila magharutan-nagkakasakitan pero hindi nagkakapikunan.

Samantala, sina Kim, Ella, Roxanne, at Lala naman sa 'di kalayuan ay mukhang nag-e-enjoy na sa paglangoy.

Sinuong na namin ni Lyka nang magkasabay ang mababaw na parte ng dagat. Ang sarap sa balat ng tubig-hindi gaanong mainit at hindi rin gaanong malamig. Hindi ka rin mag-aalinlangang magtampisaw dahil napakalinaw nito. Kita mo hanggang sa kailaliman na napakalinis kahit na medyo mabato.

Papunta na kami sa direksyon nina Ella nang biglang may sumigaw.

"Lyka, Sandra, laro tayo!" si Emman.

Natigilan kami ni Lyka sa paglalakad sa gitna ng tubig at nagkatinginan. Sasagot pa lang sana kami nang biglang...

"Sali kami!" umeksena si Kim.

Nagsunuran ang mga babae sa direksyon ng mga mokong, at pati na rin kami ni Lyka ay sumali sa binubuong bilog ng grupo.

"Sige, ganito," nagsimula nang magbigay ng instructions si Emman.

Euphoria /you•for•eia/Where stories live. Discover now