CHAPTER 18: A Glimpse of the Real World

17 4 0
                                    

Thursday

June 11, Royalty Productions

Day 1 | 8 hours


Julian:

Mlapit na ko Geenee. Sorry. 5 mins.


8:30AM pa lang ng umaga pero naka-limang sorry na agad sa akin sa text si Julian. Nauna kasi ako sa kanya dito sa meeting place namin sa loob ng isang fast-food restaurant malapit sa building ng Royalty.

Kagabi, napagkasunduan namin na sabay kaming papasok sa internship. Since first day naman ng OJT, gusto naming sabay haharapin ang kung anumang bubungad sa amin sa opisina.

Hindi ko alam kung ano ang mas lamang sa dibdib ko ngayon: excitement dahil magsisimula na ang pag-explore ko sa real world, o kaba dahil kay... Ugh!

Maaga akong gumising kanina. Alas-sais pa lang, nag-aalmusal na ako kasabay sina Mommy at Daddy. Mukhang excited din sila para sa akin dahil bukod sa ang bigat ng backpack ko ngayon dahil puno ng mga pagkain, todo rin ang mga paalala at bilin nila sa akin.

"Oh, baby, ingat-ingat sa biyahe at pagtawid ha, malayo-layo 'yon," si Daddy habang nagtitimpla ng kape niya.

"Opo, Dy."

"Tsaka may malapit na kakainan ba ro'n? Hangga't maaari, pababaunan ka na lang ni Mommy mo para hindi ka na lumabas-labas ng office n'yo."

At 'yon nga ang nangyari. Adobong pusit at piniritong tilapia ang inihanda sa akin ni Mader ngayong umaga. Pinadalhan din niya ako ng dalawang paborito kong vanilla cheesecake at isang napakalaking tumbler ng tubig.

"Based sa last na punta namin do'n, Dy, may mga kakainan naman po. Pero, okay na rin 'to. Mas gusto ko luto ni Mommy."

"Tama 'yan," humigop na si Daddy ng mabango niyang kape.

"Marami-rami din ba kayo sa office?" sumingit si Mommy pagkatapos isuksok sa bag ko ang toothbrush ko. Oo nga pala.

"Marami rin po, Ma—"

"Maraming babae?" si Daddy.

Napahinto ako sandali sa pagnguya ng kanin sa bibig ko. "M-Meron din naman po, Dy—"

"Maraming lalaki?" Nakatingin pa rin sa akin si Daddy.

"Uh...meron din po. 'Y-'Yong mga cameraman kasi, Dy, tsaka editor po nila, lalaki po."

"Mukha naman bang mga mapagkakatiwalaan?" Halatang nagbibiro ang mga mata ni Daddy, sinusubukan kung kakagat ako sa tanong niya.

"Dy!" Natawa na ako nang tuluyan. "'Yong d-dalawang lalaki pa lang po ang nami-meet namin ni Julian. 'Yong iba po kasi no'ng time na 'yon, nasa shooting."

"Kaya nga, so 'yong dalawang lalaki mukha bang mapagkakatiwalaan?" Hindi niya ako pinatatakas.

Biglang rumehistro ang mukha ng kumag sa isip ko. "M-Mukha naman po." Sabay nginitian ko si Daddy para kumbinsehin.

"Oh, basta, mag-iingat ka pa rin do'n. Hawakan mo nang maiigi ang mga gamit mo sa bus. Alam mo na, maraming mandurukot."

Matapos kasi ang mala-zombie apocalypse ride namin ni Julian sa MRT no'ng nakaraan, feeling ko, nagka-trauma ako. Bukod sa ayoko nang makipag-balyahan sa loob at labas ng tren, gusto ko namang pumasok sa opisina nang fresh.

Euphoria /you•for•eia/Where stories live. Discover now