CHAPTER 25: Overlooked

10 2 0
                                    

Monday

August, third week

SNU, Drama Fest

AFTER a very short meeting with Sir Domingo to inform us about the upcoming midterms, pinakawalan niya na rin kami agad para daw makapagpatuloy kami sa production ng aming drama project sa klase niya. Ang tatlong grupo kasi, kasama kami, ay inamin sa kanyang hindi pa talaga pulido ang editing ng proyekto kaya nanghingi pa kami ng kaunting palugit.

"Just make sure to submit the files to me before the second week of September. After that, wala nang extension, class."

With all honesty, medyo hindi naman kami kinabahan sa banta ng deadline na ibinigay niya sa amin kanina. I've learned that group one is also in their post-production sabi ni Mel sa akin noong isang linggo sa chat. I don't know, but maybe just trying to know kung nahuhuli na sila o nauuna. Si Lyka naman, binalitaan din ako na halos polishing na lang ang ginagawa nila sa short film nila. Halatang tuwang-tuwa nga nang tawagan ako kagabi dahil makababalik na raw siya sa pagbi-bingewatch ng sinusubaybayan niyang Korean TV series.

"Alam mo namang ito na lang ang kaligayan ko, girl!" halos tili niya sa kabilang linya nang banggitin kong lagi na naman siyang magpupuyat.

"Kapag wala tayong love life, sa K-Drama na lang tayo kumapit," dagdag niya pa na tawa nang tawa. "Ops, sorry naman sa mga may love life na pala. Ehem."

Nahimigan ko ang pang-aasar sa boses niya. "Hoy, tigilan mo—"

"Ay, wala po akong sinasabi. Ang bilis mag-react ng kaibigan ko."

"Naku, girl. Alam ko na saan papunta 'to," sabi ko na kunwaring naiinis.

"Ha--ha! Saan nga ba?"

"Wala. Akong. Love life," may diin kong sabi para malinaw na malaman niya ang ipinupunto ko.

"Correction po. Wala. Pa." Sabay narinig ko ang malakas na halakhak ng bruha.

"Ano'ng sinasa—" sabi ko na parang nahihisterikal na.

"Basta ako, team Fafa J ako, girl! Doon tayo sa loyal!" tili pa niya na halos ilayo ko na ang cell phone ko mula sa tainga.

"Girl, kumalma ka nga diyan. Mamaya may makarinig sa 'yo. Nakakaloka ka."

"Ay, girl, wala. Nasa kuwarto ako. Nasa baba sina Mama," makulit na sabi niya na kaunti na lang ay masasabunutan ko na. "Safe po ang secret mo sa 'kin."

"Wala akong secret. Tigilan mo 'ko."

"Okaaaaay po. Whatever you say, girl."

Kaya sa tuwing magtatama ang mga mata namin ng loka-loka kong kaibigan sa loob ng Mass Comm lab kanina, halatang may halo nang pang-aasar, malisya, o pangungulit ang mga mata niya. Nagkataon din kasing tinabihan ako ni Julian nang mauna ako pumili ng upuan kanina.

"Geenee..." habol sa 'kin ni Julian nang nasa hallway na ako ng CDL Building, kasama sina GJ at Lyka, pauwi na sana.

"Mmmhh?" Nilingon ko siya agad. "May nalimutan ka?"

Ngumiti siya nang malaki—tsaka maganda.

Shut up, Sandra.

"Ikaw ang may nakalimutan, Geenee."

Kinunotan ko siya ng noo. Wala naman akong naiwan sa lab, 'no?

When he immediately processed that I do not know what he's trying to say...

Euphoria /you•for•eia/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon