𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏

Start from the beginning
                                    


"Take your seat there." Itinuro niya ang upuan sa tabi ng babaeng may mahabang buhok na nakakulay pink na bestida.


Umirap ito nang lumapit ako sa kaniya, pero hindi ko pinansin. Her scent was subtle like the ocean, pero may naamoy lang ako na parang hindi sa kaniya.


Dahil unang araw ng klase, self-introduction ang pinagawa ng aming propesor. May mga nagpakita ng talent nila: may sumayaw, kumanta, at nag-TikTok. Ako ang second to the last na magpapakilala, kaya hindi ko alam ang sasabihin kong talent, lalo na't ayokong maging center of attraction. Ayaw ni Sir na wala akong ipresenta, kaya sinabi ko lahat ng pangalan ng mga kaklase kong nagpakilala. Nagulat sila dahil nakabisado ko lahat iyon sa maikling oras.


I have photographic memory, maliit na bagay lang sa akin ang makabisado ang mga pangalan nila.


"Sir! Nawawala po 'yong pabango ko! Bago lang po 'yon at dala ko po kanina," sigaw ng babaeng may pangalang Alicia Desperada.


"Ms. Desperada, sino naman ang kukuha ng pabango mo. We are all new here and we value honesty." Tumaas ang kilay ni Sir at napatingin sa akin, para bang sinasabing ako ang kumuha nito.


"Diba, class?" tanong ni Sir habang nakapameywang. Amoy paminta si Sir. Hindi ko alam kung sadya siyang mahilig sa paminta o gusto niyang magladlad.


"Yes po, Sir!" sabay-sabay naming sagot. Hindi nagsalita si Zonita Fenendo sa tanong ni Sir. Balisa na rin ito dahil sa pagnginig ng kaniyang kamay.


"Sir! Nag-CR lang po ako kanina bago mag-umpisa ang klase natin, doon ko po huling nakita. Ginamit ko pa po 'yon bago ako mag-CR!" naiiyak na tugon ni Alicia. Kita mo sa itsura nito na mahalaga sa kaniya ang pabangong iyon.


"O, sige! Kung ganoon ka-importante sa 'yo ang pabangong iyon, let's do a bag search para malaman natin kung may kumuha ba talaga." Lumiwanag ang mukha ni Alicia at isa-isang pinalagay ni Sir ang mga bag namin sa harapan para i-check ni Alicia.


Napansin kong mas lalong kinabahan si Zonita, nangangamoy pawis na siya. Napansin ko rin ang mabilis nitong paglunok at ang pagkagat ng kaniyang ibabang labi.


Isa-isang tinignan ni Alicia ang bag namin ngunit wala itong pabangong nahanap. Sumimangot nanaman siya at tila'y parang naiiyak. Tumingin ito sa aming propesor at umiling na sinasabing wala siyang nahanap.


"Oh! Ms. Desperada, sabi ko naman sa 'yo walang kukuha ng pabango mo rito diba?" nakapameywang na bahagi ni Sir habang sinasabi iyon kay Alicia. Tumitinis na ang boses nito, halatang naiinis na kay Alicia.


"Pero, Sir! Huling ala-ala po 'yon na iniwan ng mama ko para sa akin. Habang binibili niya ang pabangong iyon para sa kaarawan ko, n-nabundol po siya ng jeep." Mas kumawala ang hagulgol ni Alicia. Naiyak naman ang mangilan-ngilan sa aming mga kaklase at pati na rin si Sir.


"O-Oh, Sige, class, hindi ko kayo idi-dismiss hangga't makita natin ang pabango ni Ms. Desperada." Tinitigan ko nang maigi ang aking katabi, patuloy pa rin ito sa paglunok at ngayon naman ay hindi na rin ito mapakali. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at saka ko siya binulungan.


"Ibigay mo na kasi," mahinang sabi ko sa kaniya na ikinagulat naman nito. Her face turned red while I stared at her with no emotions on my face.


"Ano bang pinagsasabi mo d'yan. Hindi ko kinuha and pabango niya. Hindi ko naman type 'yon! Masyadong matamis ang amoy." Namumula na ang mukha niya at halata mong naiinis siya sa sinabi ko.


Kunot noong naiirita ang dalaga ng hindi ko pa rin tinanggal ang titig ko sa kaniya.


Iyak ng iyak si Alicia. Hindi na alam ng guro namin kung ano ang gagawin niya. May mga ilan na rin ang lumapit sa kaniya para ibigay ang mga pabango nila ngunit hindi iyon tinanggap ni Alicia.


"Hindi ka ba NAAAWA sa kaniya?" bulong ko uli sa aking katabi. Mas idiniin ko pa ang salitang naaawa. Narinig kong napamura ito nang mahina bago niya kinuha ang pabangong nakalagay sa loob ng kaniyang suot na jacket.


And just like that, she stood up, gave the perfume back to Alicia and walked out.


My classmates and teacher were speechless. Si Alicia naman ay natuwa at bumalik na ang huling regalo ng kaniyang ina sa kaniya. Niyakap niya pa ito na parang ito ang pinaka-importanteng bagay na pagmamay-ari niya.


"P-Paano mo nalaman?" tanong sa akin ni Alicia nang may ningning sa kaniyang mga mata.


"Naamoy ko kasi siy-" Nakatitig lang si Alicia sa akin na may nagtatakang itsura. Hindi ko puwedeng sabihing na amoy ko kay Zonita ang pabango niya, baka iba pa ang isipin nito.


"Naramdaman ko lang, tayo lang naman kasing tatlo ang magkatabi. At malamang hindi ko naman kukunin iyon dahil hindi ako mahilig sa pabango."


Nakahinga ako nang maluwag ng hindi na nagtanong si Alicia. Nagpasalamat nalang siya sa akin at pinaalis na kami ni Sir.


I knew it was Ms. Fenendo who took Alicia's perfume. Her scent was subtle, like the ocean. However, there was this strange smell that didn't belong to her - the scent of sweet peas.


It was then that I realized that it was Alicia's scent. A delightful blend of sweet peas with a subtle hint of honey.


I should control myself from publicly stating the scent of others. I don't want to attract a lot of attention, mas lalo na't nagsisimula ulit ako sa panibagong lugar.


*****

#VSA1 (Revised)

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now