CHAPTER 15: NYMPHA MEETS CULVER

ابدأ من البداية
                                    

Naluluhang yumuko si Nympha. Pinagsalikop niya ang mga daliri habang nakaupo sa visitor’s chair sa opisina ni Lucas. People outside are still celebrating his birthday. She can’t make a scene. At hindi rin naman tama iyon. She was there to talk to him. At linawin ang lahat. Wala siyang plano na sirain ang araw nito.

Marahan siyang tumango. “I-I understand. I just—I just want to hear that from you.”

He sighed again.

“I’m sorry kung hindi ko na kayang ibalik kung ano’ng meron tayo noon. I know, masasaktan kita in the process, but I want you to move on. I can’t leave Alexa. I love her so much.”

Tila libo-libong karayom ang bumaon sa puso niya nang marinig iyon. Nanginig ang mga kamay niya at mariing kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang pagpatak ng luha. Marahas siyang napalunok. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niyang magsalita.

“A-Alright.” Tumago-tango siya. “That’s all I want to know, and uhm... for closure na rin. Thank you for being honest, Lucas. Sisikapin kong maka-move on. This is... so hard for me.”

Pumiyok ang boses niya’t nagsimula na ring pumatak ang mga luha.

The next thing she knew, nakasubsob na ang mukha niya sa malapad na dibdib ni Lucas habang marahan nitong hinahagod ang likod niya.

“I’m sorry. I’m really sorry. I hope you find another who can love you better, treat you better... and bring you to the altar. I’m sorry kung hindi ko na magagawa ang mga pangako ko noon.”

Mapait siyang ngumiti. Marahan niya itong itinulak upang kumalas sa pagkakayakap.

“Thank you, Lucas. I-I guess, this is the end, right?” She faked a laugh.

Marahan itong tumango.

Ngumiti siya. “Okay. Uhm, aalis na ako.”

Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay lumingon muna siya kay Lucas. “Can I ask you something?”

“Go on.”

“Nasabi mo na bang mahal mo siya?”

Nahalata niya ang pagkagulat ni Lucas sa tanong niyang iyon at pagkuwa’y tila nahihiyang nag-iwas ng tingin.

Mahina siyang tumawa. “Torpe naman ng mayor na ‘to. Alam mo, ‘wag mo nang patagalin. She has to know. Mahirap mag-assume kung wala ka pa namang sinasabi, kahit gaano ka pa kalambing sa kaniya. Babae rin ako, Lucas. At kahit hindi siya magsalita, alam kong gusto niyang marinig sa ‘yo ‘yon, kasi siya... sa nakikita ko, mahal na mahal ka ni Maxine.”

Tumango si Lucas. “Alright. Thank you, Nymph. If you need my help, sabihan mo lang ako. I can still be your friend.”

Muli siyang ngumiti rito. Tila gumaan na rin ang pakiramdam niya kahit papaano.

“Ma’am?”

Napapitlag siya at gulat na nag-angat ng tingin sa sekretarya ni Lucas. Pumunta siya roon para sana kausapin ito tungkol sa panibagong proyekto sa Castillejos.

“Yes? I’m sorry, may iniisip lang.” Ngumiti siya rito.

“Hindi raw po makakarating si Mayor. May urgent meeting po siya with Gov. Pero tinawagan na po niya si Councilor Culver para samahan po kayo.”

“Oh, okay. Parating na ba si Councilor?” aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Ngunit bago pa makasagot si Chin ay dumating na ang binatang konsehal. “I’m here. Who’s looking for me?”

Agad siyang napalingon dito. Noon pa niya naririnig kay Lucas ang pangalan ng binata ngunit hindi pa niya ito nakikilala nang personal.

Uminit ang magkabilang pisngi niya nang magtama ang paningin nila ng binatang konsehal.

FRIENDS WITH BENEFITSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن