Family of Vanessa

69 2 0
                                    

Ken POV

Ang bakla ko tignan hahahah XD... Lumalabas ang totoo kong ugali sa kanya.! Akala ko kahit kelan sa buhay ko ay hindi ko mararanasang mainlove.. haysss okay lang mabakla ang tingin nila sakin, basta para sa kanya..

" Uyy! "

Akala ko mawawala na siya sakin kahapon. Grabe pagsisisi ang naramdaman ko nung sinabi ko sa kanya. Grabe kakaiba talaga itong babaeng to. Sya lang talagang mamahalin ko habang---

" Hoooyyyy!!!!!! "

" Ay butiki! Ano yun Ayka? Bat sigaw ka ng sigaw? "

" Ako butiki?! NO WWWWAAAAYYYY!! Paano ba naman kasi kanina pa kita tinatawag nakatunganga ka diyan sa orasan! "

" Ay hahahha hinihintay ko kasi matapos ang klase para ma-date ko na ang girlfriend ko! "

" Ammmmmppp! Wahhh kinikilig ako! Hindi ko aakalaing lalabas yun sa bibig ng boyfriend ko! Bestfriend! Kelly! Narinig mo yun? Wahhhh im so kiliggg "

Hahaha ang inagy ng babaeng ito! Hahahah

" So? Anong pinaglalaban mo?" - Kelly

" We??? Bitter! Wala kalang boyfriend ehhhh! Wahahhahah! " - Ayka

" Ewan ko sa inyo! " - Kelly

" Ahhmmm! Wait lang ha! May gagawin lang ako! Girlfriend diyan ka lang hmm?! "

" yes my boyfriend! "

Yieeee ang sweet naman ng girlfriend ko...

Pumunta ako sa field para paghandaan na ang surprise na gagawin ko sa kanya.. Ito? Ito na ang totoo, wala ng halong biro at arte. Gusto kong maging akin siya habang buhay.

' hey bro! Okay na ang sound system! ' - Kyle

" Thanks bro! "

At ngayon? Kung dati ni kaibigan wala ako? Ngayon di ko inaasahang mas marami pa sa hinahangad ko.

' Pre good luck bukas! Kami ng bahala! Magready ka nalang! " - Vin

" Pre Thanks! "

' Ken! San ka ngayon? ' - Amy

" Pupunta ako sa bahay nila, sasabihin ko sa mga magulang niya.! "

' Ah okay! Good luckk! '

" GUYYSSS! THANKYOU SA INYONG LAHAT! BYEE! "

Hayyss kinakabahan ako! Pupunta ako sa bahay nila ngayon upang sabihin itong gagawin ko para sa anak nila. Humingi narin ako ng tulong sa bestfriend niya. Buti nga hindi parin nagalit sakin ang bestfriend niya sa ginawa ko.

Dingdongdingdong....

' Oh iho? Sinong hanap mo? ' - sabi nung matanda, siguro katulong nila ito. Ayon narin kasi sa itsura at damit niya.

" ammm nandiyan po ba sila mrs at mr. Nyomi? "

" Ah oo nandito silang lahat! Pati mga kapatid niya. Bakit ba iho? ! - manang

" May sasabihin po sana ako! "

' Osige pasok ka iho.. "

" Thank you po! "

' Maam may tao po! Gusto daw po kayo makausap! '- manang

" Ay hello! Sige manang kuha ka ng miryenda! Veronna! " - mommy niya ata

' Yes mom! ' - yung veronna ba yun?

WOWW! Kamukhang kamukha niya ang ate niya.. Grabe para siyang minime ng ate nioya. Ang ganda din! *-*

' Tawagin mo yung daddy mo at si Kuya mo,, sabihin mo may tao. May sasabihin ata ito tungkol sa ate mo! ' - mommy ni Vanessa

' Okay mom! '

" Amm Excuse po, paano niyo po nalaman agad na tungkol kay Ayka ang sasabihin ko po? "

Wala lang, nagulat lang ako kasi ang bilis nilang makaintindi.

' Diyan sa suot mo, alam kong school mate or ka blockmate ka niya. So inunahan na kita haahah! ' - mommy niya

.

.

.

" Okay po, hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. Ako po si Ken Ethan Tan, ka-blockmate ko po ang anak niyo. Hindi po ako kasing yaman niyo po, isang simpleng tao lang po ang pamilya ko. Scholar po ako dun sa M.U( Morgan Univ) po.. Maam, sir mahal ko po ang anak niyo. Hindi ko po alam kung bakit basta po nagising ako ng isang araw mahal ko na pala sya. Sinasabi ko po ito sa inyo kasi po gusto ko po sanang ligawan ang anak niyo po, gusto ko rin po ipaalam sa inyo na may gagawing surprise po ako sa anak niyo tomorrow. Sana po okay lang po sa inyo.! " wahhhh inhale.. exhale..

' kinakabahan ka ba? ' - daddy niya

" Opo sir. Pasensiya na po hahaha ignorante po kasi ako patungkol sa love, siya po kasi ang una kong liligawan ehh! "

' hahahhaha XD laughtrip mukha niyo po kuya! ' - sister niya

' hahaha bro! Relax hahah! Wait pag iisipan namin! ' - brother niya

3

2

1

' yess! ' - silang lahat pati si manang ahhahah

" Maraming maraming salamat poo! Thank you po sige po paghahandaan ko po ang gagawin ko tom thankyou po talagaaa! "

' Sige ingat ka! Iho..' - mommy niya

Hayysss success wahhh!! Siguro hindi muna ako magpapakita sa kanila Kelly at kay girlfriend hahahha. Im excited for tomorrow.. Hindi ko muna itutuloy ang date namin para dito.

Vanessa POV

" Bestfriend! Bat wala pa siya?akala ko ba mag de-date kami? "

" Abay ewan ko? "

" *Insert make face here *"

Cringgcringgg....

" Hello? "

Imsorry girlfriend! May emergency eh.. im really sorry don't you worry. Babawi ako bukas! Promise. Sige na bye na! I miss you!

" Ahh sige i miss you too! "

Tootootooo..

" Oh? Anong sabi? "

" Ayun may emergency daw "

" Okay lang yan! Baka naman may emerg talaga! "

" Naniniwala naman ako eh kaso nanghihinayang ako wahahhhhh! "

Veronna POV

" Mommy, daddy? Tingin niyo po alam ni kuya Ken ang sakit ni ate? "

' hindi eh' - mommy

" paano yun? "

' Siguro naman may dahilan na upang magpa-opera si Vanessa mom, dad.. ' - Kuya

" Oo nga kuya! At boto ako dun! "

Sana magpatuloy tuloy ang masasayang araw ni ate. Thank you kay kuya Ken *-*


AN :

^-----^

My Last WishWhere stories live. Discover now