Chapter 19

92 8 3
                                    

Abala ako ngayon na inaalagaan si Sandro, napaka lasinggero talaga! inom ng inom, hindi naman pala kaya! hay jusko. hawak hawak ko ang towel.. binabasa ko 'yun ng maligamgam na tubig at inilalagay sa noo nya.

napansin ko itong gumalaw ng konti kaya napatigil ako saglit. pinagmamasdan ko siya ngayon.

bumuntong hinga ako, sabay sabi ng "Napaka suwerte ng babaeng minamahal mo ngayon, may isang mabait na katulad mo." hinawakan ko ang kamay nito habang ako ay nakatingin pa sa kanya. "Sana ako na lang siya. sana ako na lang 'yung babaeng minamahal mo. may mga araw rin na tinatanong ko ang sarili ko, ano kaya pakiramdam ng minamahal mo 'no?" pinunasan ko ang mga luha na bumaba sa pisngi ko.

"Tigil na nga natin 'to, nandito naman ako para ayusin 'tong lalaking ito hindi para umiyak sa tabi nya." sambit ko sa sarili ko at tinuloy ang pag lilinis sa kanya.

"Ava.."

hindi ko na lang pinansin iyon, at patuloy ko pa rin na pinupunasan siya.

"Ava, mahal kita."

nang sabihin nya iyon, ay para bang nawasak ang puso ko. mahal ko na kaya siya?

"Av—" bigla itong sumuka sa damit nya, nagulat nalang ako nang ito ay sumuka.

"Oh my god." i whispered.

tumayo ako para kumuha ng tshirt nya sa kabinet niya, bahala na kung ano ang makuha ko basta may masuot man lang siya.

nang makakuha ako ay nilinis ko ang suka sa polo nya, at dahan dahan ko ibinuka ung mga butones na nasa polo nito.

"Nako naman, sa susunod huwag ka ng uminom pag di mo kaya. tsk! tsk!" singhal ko.

inalis ko ang polo nya at binato sa laundry basket nya, pagkatingin ko sa kanya ay nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakatingin ito sa akin.

"Ano ginagawa mo?" he said in his deep voice, i gulped. mali ang iniisip nito.

"N-nililinis ung suka mo sa damit mo."

"Naglilinis ka ba talaga?" he frowned, "O.. baka naman may balak ka sa'kin?" dugtong nito, matalim ang tingin nito sa akin.

"Hala! hoy, kadiri ka naman."

"Wala pa akong sinasabi na kung ano, Miss Amara. so 'yun nga ang balak mo?" seryoso nito na tingin.

"Hindi ah!" nanginginig na ako sa kaba, hindi ko malaman kung bakit.

"Umalis ka sa harapan ko, ngayon din." utos nito.

"Pero-"

"Aalis ka? o.. kakaladkarin kita palabas?"

Grabe naman 'to, may topak ata.

"Opo, ito na.. lalabas na!" agad akong tumayo, at dinala ang gamit ko.

"Good." Malamig na sabi nito sa akin.

lumabas na 'ko ng kwarto nya, palagay ko tulog na rin ang lahat kaya mag dadahan dahan ako dito hanggang sa makalabas ako.

Bumaba ako nang hindi nag iingay ang mga paa ko, kailangan ko na talagang makaalis at makauwi na.

"How's my brother? Vinny told me what just happened to him, is he fine?" i got shocked when i heard Simon.

"Oh sorry, mukhang nagulat ka ata sa presensya ko." natatawa nito na sabi.

"No, ayos lang haha. uh, your brother is fine, pero mukhang may topak siya ngayong gabi." tugon ko sa kanyang tanong.

"Hmm, i see. where are you going by the way? sneaking out?" he raised his eyebrows as he sips his coffee.

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now