Chapter 8

136 13 14
                                    

Nagising ako dahil may tawag ng tawag, hindi ko alam kung sino 'yun.. pero sinagot ko na lang kahit antok na antok pa 'ko.

"Sino ba 'to?! bakit tawag ng tawag?" naiinis na sabi ko sa cellphone. nang sumagot ang taong tumatawag sa akin ay nanlaki ang mata ko, shit lord.. nakakahiya.

"Oh, i'm sorry if i disturb your sleep, MA'AM. alas otso na, at hindi ka pa NAKAKAHANDA! kumilos ka na bago ka pa mahuli!" sagot sa akin ni sir Alexander. shit! 8 am na pala! ang tanga tanga ko.

kailangan ko na mag madali at yare na naman ako sa masungit na direktor na 'yon. bakit siya pa ang direktor namin, lord.. bakit??

"A-ay! hala, sir.. pasensya na po! napasarap lang ung tulog po, sorry." sabi ko sa kanya habang nag mamadali tumayo.

"Bilisan mo ngayon din! señorita." tss! kung hindi lang ikaw ung direktor ko, baka nasapak na kita.

pagkatapos nya iyon sabihin ay binaba na agad ung tawag. inayos ko na ang kama ko, kinuha ko na ung twalya ko at nag tungo na sa banyo para makaligo na.

"Nakaka inis naman yung lalaking 'yun! ang sungit sungit!" sabi ko sa sarili ko habang naliligo na.

"Gwapo sana.. kaso masungit, hindi 'ko alam kung anong nagustuhan ng girlfriend nya sa kanya. napaka mainitin ang ulo. mabuti na lang talaga hindi ko siya naging jowa." proud na sabi ko sa sarili ko.

•••
Tapos na 'ko mag handa at ngayon.. kumakain naman ako, siyempre kailangan ko kumain muna bago umalis. baka manghina ako 'no! tapos makikita nila na namumutla na ako, nakakahiya yun!

sana nandun si Joshua, haha. maging ka-partner ko pa, charot.

at ayun na nga natapos na 'ko kumain, uminom na rin ako para hindi matuyo ung lalamunan ko. nilagay ko na ung mga pinagkainan ko sa may lababo, mamaya ko na huhugasan yan at nagmamadali ako. malapit na maging dragon yung lalaking iyon!

umalis na 'ko sa condo ko, at humanap na nga ako ng masasakyan rito. nang makahanap na ako ay agad ako sumakay at sinabi kung saan ako ibababa.

binuksan ko ang cellphone ko at marami akong unread messages kay Claire at kay.. hindi ko kilala (Sandro).

una ko binuksan ang messages ni Claire dahil miss na miss ko ang babaeng ito. hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanya.

••••
Andito na nga kami, nakarating na kami dito sa sinabi ni direk Alexander na location, nagbayad naman na ako sabay baba.

"Ingat ka po sa pagmamaneho!" pag papaalala ko dito at nag pasalamat na rin sa pag hatid sa akin ng ligtas.

umalis na 'ko, kanina pa daw ako hinihintay ng director ko. pumunta na ako kung nasaan sila. at kita ko naman na wala pang gaanong tao. teka, anong oras palang ba?

tinignan ko ang relo ko at wala pang 9 am! punyeta!

kitang kita ko ang landian nila ng gf nya, pinapunta ba ako nito dito para mawitness ung landian nila? kairita naman.

ang ginawa ko, umubo ako ng peke at ang atensyon nila ay napunta sa akin. parang familiar sa akin ung gf nya, kamukha nya ung nakabangga sa akin sa grocery store ah?

"Oh, Ms. Amara.. naririyan ka na pala. maupo ka, hintayin na lang natin ung iba mong kasama." aniya, ang aga aga ko dito. 8: 30 palang oh! kagigil.

naka tingin sa akin ng masama ung girlfriend nya, at tama ang hinala ko! siya nga ang nakabangga ko noon. hayop!

inalis nya ang tingin nya sa akin at may binulong kay Alexander, seryosong tumingin sa akin ung lalaking 'yon.

"Tinitignan mo daw ng masama ung girlfriend ko, Ms. Amara?!" sabi nya, umiling naman ako kaagad.

"Sir.. hindi po! ung—"

"Ano? sisisihin mo ang girlfriend ko? walang ginagawa sa iyo ung girlfriend ko kaya umayos ka!" napa kamot na lang ako sa ulo, ung babae naman ay naka ngisi sa akin.

Sir, kung alam mo lang!

"Actress ka lang dito ha. huwag mong ganyanin ang nobya ko. kilalang kilala ko na si Ava, ilang taon na kami magkasama nito." inis na sabi nya sa akin.

bumuntong hinga ako, nag excuse muna ako para magpa hangin. ayoko mag stay dun. napaka sungit nung direktor tapos ung babae napaka sinungaling talaga! nambabaliktad pucha!

parang gusto ko na lang mag back out eh, kaso para rin ito sa pamilya ko. kaya kakayanin ko ang pag titiis ko sa babaeng yun. hay nako!

bigla namang may nag salita sa likod ko. at alam kong si Ava iyon, ang pisteng gf ni direk!

"Kawawang Amara, mas pinili akong paniwalaan ni Sandro kesa sa iyo. hays.. actress pero hindi marunong kung pano umakto."

"Pwede bang iwanan mo muna ako dito? nananahimik yung tao manggugulo ka." inis na sagot ko sa kanya.

"Oh? bakit? iiyak ka kasi mas pinawalaan ako ng direk mo? haha." aniya.

"Hindi naman ako iyakin, at mas lalong wala akong pake kung pinaniwalaan ka ng jowa mo!"

"Sino ba naman kasi maniniwala sa isang tao na katulad mo? haha, so disgusting!" napupuno na ako sa babaeng ito, pero kailangan ko na itong kalmahan at baka mawalan pa ako ng trabaho.

"Ako nga nagtataka kung bakit ka niligawan ni direk eh. wala ka naman sa standards nya. ano ang nagustuhan nya sayo? suso?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Oh bakit? naiinggit ka ba sa ganda kong ito? at mas malaki ung akin kesa sayo."

"Bakit naman ako maiinggit? di naman importante yan, mawawala rin naman yan pag matanda ka na. sisingaw din—" di ko tinapos ung sinasabi ko nang bigla nya 'ko sampalin.

"ay sorry. hindi ko sinasadya." sabi pa nya at ngumisi. punong puno na rin ako sa babaeng ito, hindi na ako makapag pigil!

"Pasalamat ka hindi ako mahilig manakit ng hayop." sabi ko sa kanya at dinuro duro ko siya.

"Hey! ano 'yan?! ano nangyayari dito?!" rinig kong sigaw ni Direk nang makapasok siya rito.

"Babe, babe! sinasaktan nya 'ko." agad siya lumapit kay alexander.

"Direk.. h-hindi po totoo yan! maniwala ka po sakin!"

"Babe, nagsisinungaling 'yan. sinampal nya ako!" sumbong nya kay Alexander.

"Diba sinabi ko na sa'yo, Ms. Amara?! ONCE NA MANGYARI ULIT 'TO, MATATANGGALAN KA NG TRABAHO!" sigaw nya, napa yuko na lang ako. "Don't you dare hurt my girlfriend ever again!" bumuntong hinga na lang ako, parang gusto ko na lang umalis dito.

pagkatapos talaga nito, pupunta ako sa may windmills nila para magpa hangin. sa bangui ba yon? oo sa bangui..

tumango na lang ako at umalis na sa harapan nila. pumasok na 'ko sa loob and luckily naririto na sila.

"Mara!" si Joshua ba 'yun?

tumingin ako sa kanila, si Joshua nga! agad ako tumakbo papunta sa kanya. isa si Josh sa mga naging kaibigan ko rito sa showbiz, hindi ko inaasahan na magsasama na ulit kami sa isang teleserye!

agad akong yumakap dito ng mahigpit, "Ayos ka lang?" aniya at yumakap sa akin ng pabalik.

"Ah oo.. namiss lang kita." mahinang sagot ko sa kanya.

"I missed you too, Giselle!" natatawang sabi nya.

"ba't ka natatawa?" pati ako natatawa dahil sa kanya haha.

"eh kasi ano—" naputol ung sasabihin nya nang biglang dumating si direk kasama ang kanyang O.a na girlfriend.

"Enough of talking, let's start." bwisit, ngayon na nga lang kami ni josh magkakausap eh!

"Okay direk." sabay sabay naming sagot sa kanya.

"let's talk later after this." bulong nya, tumango na lang ako kay joshua bilang sagot.

-----
To be continued..

- don't forget to vote !!!

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now