Chapter 6

131 12 5
                                    

Nakarating na kami sa bahay namin ngayon, si Claire na rin ung nag sabi ng location namin kay Simon, sila nga ung halos mag tawanan buong byahe habang ako nanahimik lang sa likod nila haha.

Lumabas na kami ng kotse, pero si Claire ay dali dali humalik sa pisngi ni Simon. jusko naman 'to.. maawa kayo sa single uy.

"Bye, Simon~" pamamaalam ni Claire kay Simon at ngumiti na lang si Simon sa kanya. pasimple akong binubugbog at hinahampas ng babaeng 'to.

nag flying kiss pa nga kay Simon, lord when..? charot.

kumaway na sa amin si Simon bilang pamamaalam sa amin ni Claire. "Good bye, Simon my love~!" ani Claire at siniko ang bewang nito. inirapan naman ako.

"Thank you, Si! ingats!" ikinaway ko na rin ang kamay ko, ngumiti na lang siya at nag maneho paalis. si Claire naman ay humarap sa akin at biglaan tumili.

ako naman ay hiyang hiya na dito sa kanya sapagkat may mga kapit bahay kami na maaaring makarinig sa mga sigaw nito. kaya nag isip ako ng paraan kung papaano ito titigil, sa sobrang saya nito ay may halong pag talon na.

"Uy, may pulis!" biro ko dito, agad ako tumakbo papasok sa loob ng bahay at iniwanan siya.

"SAAN?!" natarantang sigaw nya.

tinignan ko siya at mukhang kinabahan pa ito, lumingin ito sa paligid ngunit wala itong nakita na kotse ng pulis na paparating, nang makita nya ako ay hinabol ako nito hanggang sa makapasok sa loob ng bahay.

"AMARAAAAA!" sigaw pa nya, naka pasok na kami sa loob. humagalpak ako sa tawa nang makita ko reaksyon nya.

"Kayong dalawa! anong nangyayari sa inyo?!" sigaw ng aking ina, hindi ako matigil sa kakatawa dahil ang reaksyon ni Claire ay mukhang malapit na ito sumabog.

"Titaaaaa! 'yang anak nyo po may kalokohan na ginawa!" sumbong naman niya sa aking ina, kinagat ko na ang labi ko para makapag pigil na.

"At ano naman ang ginawa ng anak kong 'to, iha? haha!" singit naman ng aking ama sabay ng kanyang pag tingin sa akin.

"Eh kasi po.. tita, tito iniwanan ako ng anak nyo sa labas!" mahina akong hinampas ng aking ina sa braso at tinawanan ako.

"Kasi po nay, sumisigaw sigaw po yan sa labas. di ko alam pano ko po yan patitigilin."

"kayo talaga.. kumain na ba kayo?" tanong ng aking ina at umiling kaming dalawa ni Claire.

"Oh, sakto! may mga pagkain nariyan. kumain na kayo ha?" bilin ni tatay.

"Aalis po kayo 'no?" kilala ko na rin 'tong ama ko, pag may binibilin sa amin ibig sabihin may pupuntahan sila ng aking ina or aalis.

"Ah, hehe oo anak.. may date kami ng nanay mo." kumindat sa akin si ama, kaya naman ay itinulak ko si nanay kay tatay bilang pang aasar ko sa kanila.

"Kayo ah! hmmm!" ngumisi naman ako sa kanilang dalawa.

"Ikaw talaga anak, sige na kumain na kayo." tumango kami ni claire at nag tungo na sa silid-kainan.

"Ah, tita.. tito si Amara po may sasabihin daw po siya sa inyo." nanlaki ung mata ko sa sinabi nya at napatingin sa kanya. napa isip na rin ako kung ano ang sasabihin ko sa kanila.

"sabihin mo na ung tungkol sa taping mo sa ilocos." bulong nya, ay oo! dapat ko nga ito sabihin sa kanila dahil minsan makalimutin ako sa mga bagay bagay.

"Sige, anak ano 'yun?" agad ako huminga ng malalim at humarap sa kanila ni ama.

"Ah, nay.. tay.. 'yung sa teleserye po, sa ilocos daw po gagawin." nerbyos na saad ko sa kanila, bakas sa mukha nila ang pagka gulat. napa lunok na lang ako, kinakabahan ako sa sasabihin nila.

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now