Chapter 1

469 28 1
                                    

[ Amara Giselle ]

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa aking mukha, umupo muna ako at tumingin sa orasan. alas-syete na pala ng umaga, kaya naman nag inat-inat muna ako saka ako tumayo. kinuha ko ang towel para makapag hilamos na, pumunta ako sa sarili kong kubeta o banyo.

At.. sa tingin ko ay nakalimutan ko magpakilala, haha. hello sa inyong lahat! ako nga pala si Amara Giselle, dalawampu't pito na gulang na ako. isa nga pala akong artista. sa ngayon, wala pa akong ginagampanan na role. hintay hintay na lang muna tayo, haha!

Ayun na nga, pumunta na ako sa kubeta para maghilamos.

natapos ang ilang minuto, natapos na rin ako maghilamos, pinatuyo ko na ang mukha ko. lumabas na ako ng kubeta at bumaba na.

"Magandang umaga, ina!" bati ko sa kanya, at bumeso na ako. ngumiti siya sa akin at hinalikan ang ulo ko.

"Magandang umaga, dalagita kong anak!" pag bati ng aking ina pabalik sa akin, pumunta ako sa silid kainan upang mag tingin tingin ng mga makakain.

"Ano po ang ating aalmusalin ngayong araw, ina? nasaan po pala si ama?" tanong ko sa aking ina, sabay tumingin ako sa kanya.

"Ah anak, maaga kasi pasok ngayon ng papa mo. kanina pa siya ng umaga umalis, pero nag bilin siya sa akin na bantayan daw kita. ang sinabi ko naman sa kanya na.. kaya mo na ang sarili mo at malaki ka na. haha." tugon ng ating ina, tumawa naman ako ng marahan sa kanyang sagot. si ama talaga ginagawa pa rin akong baby.

"Haha, hindi pa rin po talaga nag babago si ama. kahit malaki na ako ay baby pa rin ang trato nya sa'kin." saad ko sa kanya, pati si ina ay napatawa sa aking sinabi.

"Hahaha, hayaan mo 'yang ama mo. baka namimiss nya lang ang iyong pagka bata." saad ng aking ina at ngumiti sa akin.

"Wala naman po tayo magagawa kay ama, 'di ba ina?" tumango siya bilang pag sagot sa akin.

"Sa isa mo pala na tanong kanina, mayroon tayong egg, hams, and bacons." napa ngiti ako sa aking narinig ang sasarap naman kainin lahat nang ito.

"Nako ina, mukhang mahirap po pumili ngayong araw. haha! lalo na't gustong gusto ko lahat nang 'to." sambit ko habang tinitignan ang mga pagkain na nasa lamesa.

"Kaya mo 'yan, nak. pwede ka naman mag tatlong kanin." natatawang tugon nya sa akin.

"Haha, si Ina talaga oh. susubukan ko matikman lahat 'yan nay." sabi ko sa kanya.

"Nak, huwag mo pilitin ang sarili ha? baka mag suka ka ng biglaan." ani ng aking ina na may pag aalalang boses.

"Opo, ina." naka ngiti kong sagot sa kanya at itinuloy ko ang pag nguya ko sa pagkain ko.

"Asan nga po pala si kuya?" may kuya ako, at dalawa lang kami magkapatid.

"yung kuya mo? nasa girlfriend nya. hayaan mo na kuya mo, malapit na rin siya magkaroon ng pamilya." ani ng nanay ko, bakas sa mukha ng aking ina ang lungkot.

"Oh, huwag ka na po malungkot nay. paniguradong bibisitahin naman tayo ni kuya."

"Isa sa kinatatakutan ko anak ay ang pag nagkaroon na kayo ng sarili nyo na pamilya, at tuluyan nyo na kami maiwan ng tatay nyo." itinigil ko ang pag ngunguya ko at hinawakan ang kamay ng aking ina. tumingin ako sa kanyang mga mata.

"Nay, huwag ka po mag alala kung magkakaroon po ako ng pamilya.. bibisitahin ko pa rin po kayo. sa ngayon po, wala pa po akong balak magkaroon ng pamilya haha." sambit ko sa aking ina, nakita ko naman ito na ngumiti.

"Basta nak, darating ang panahon na maiiwanan nyo na kami ng ama nyo. dalaga at binata na ang mga anak ko.." aniya at niyakap ako ng mahigpit. agad ko ito na niyakap pabalik.

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon