Chapter 3

179 16 0
                                    

"Ina! ang saya saya ng aking nararamdaman ngayon!" masayang sambit ko sa kanya habang tumatalon sa sobrang tuwa. hindi ako makapaniwala, may gagampanan na ako na karakter sa palabas!

"Ako rin, anak! sobrang proud ako sa iyo." aniya at pinatigil ako sa kakatalon, may luha rin na tumatakbo pababa sa pisngi ko. kaya naman ay pinunasan nya iyon,

"Makikita ka na ulit namin sa telebisyon, anak. sabik na sabik akong makita ka sa bago mong palabas, at isa ka pa talaga sa mga na gaganap na bida oh. ka-swerte naman ng anak ko oh." dagdag pa ng aking ina, tumawa naman ako ng mahina at umiling iling.

"bakit nay? ayaw nyo po ba na maging kontrabida ako?" nakataas kong kilay na tanong at pinipigilan ang aking pag tawa.

"Hindi naman sa ganon nak, okay lang sa akin. pero naaawa talaga si nanay mo pag nasasaktan ka sa palabas." aniya, at hinawi ang buhok ko.

"Aish, si nanay talaga oh!" saad ko at yumakap sa kanya ng sobrang higpit, narinig namin ang pag bukas ng pintuan kaya humiwalay ako sa pagkakayakap.

humarap ako sa may pintuan para tignan kung sino iyon, at ang iniluwa ng pintuan ay si ama. ngumiti ako, tumakbo ako patungo sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Ama! kamusta ka na po? maupo po muna kayo at pag hahandaan ko po kayo ng pagkain." humalik sa ulo ko ang aking ama, dahan dahan siyang umupo sa sofa sa sala.

"Ang bait talaga ng anak ko oh." tugon ng aking ama, nginitian ko na lang ito at pumunta na ako sa silid kainan upang pag handaan ng pagkain ang aking ama, batid kong pagod si tatay dahil sa kanyang trabaho.

si Tatay ay isang construction worker, ang aking ina naman ay house-wife dito.

matapos kong pag handaan ng pagkain ang ama ay bumalik na ako sa sala para ibigay iyon sa kanya, kitang kita ko ang pagod nya sa kanyang mga mata. sinubukan itong pigilan ni inay sa pagiging construction worker nya noon ngunit siya ay nabigo. hanga ako kay tatay sapagkat ginagawa nya ang lahat at nag hihirap siya para sa aming kinabukasan.

"Tay, pagod na pagod ka po.. sana pagkatapos mo kumain ay umakyat ka na po at mag pahinga, nay tubig nga po pala para kay tatay. maaari mo po bang iabot iyon sa akin? para ibigay ko po kay tatay?" sabi ko sa aking ama at pasensya na po kung inutusan ko ang aking ina. nakalimutan ko po kasi kunin ung tubig eh hehe.

"Sige anak, sandali lang." ani ng nanay ko, at ngumiti ako bilang aking tugon sa kanya.

umalis na si nanay sa harapan namin upang kumuha ng tubig para sa tatay ko.

"Ano ang naririnig ko na tawanan at sigawan mula sa labas, anak? may nangyayari ba?" tanong ng aking ama sa akin.

"Hmm," kinuha ko ang kayumanggi na sobre at ibigay ito sa kanya habang naka ngiti.

"Ano ito?" takang tanong ulit sa akin ni tatay.

"Buksan mo po, tay saka dun mo po malalaman kung ano nilalaman ng sobre na iyan." nakangiti kong sagot sa kanya.

tumango siya, sumandal siya sa sofa at binuksan nya ang kayumanggi na sobre.

nang maibuklat nya na ang sobre, hinila naman niya ang papel ng marahan palabas. ako naman naka tayong naka ngiti lang sa kanya.

tumingin siya muna sa akin at tumango ako sa kanya. binasa nya naman ang papel, wala akong sinasabi na kahit ano.

dumating na si nanay at nilapag na ang baso sa lamesa. tinignan ako na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.

tumingin ulit ako sa aking ama, may mga luha na nag tatakbuhan galing sa kanyang nga mata habang binabasa nya ang papel na 'yon.

pagkatapos nya ito basahin, tumutok ang mata nya sa akin. "Totoo 'to, nak?"

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now