Chapter 16

172 15 4
                                    

[ Amara Giselle ]

December 2, 2027

ilang buwan na ang nakalipas, tuluyan na nga ako nahulog sa kanya. dahil sa pakikitungo n'ya sa akin. hindi ko maiwasan na hindi ako mahulog, ilang buwan na rin ako nag hahabol dito.. ang manhid nya.

Nandito kami ngayon sa taping namin para sa teleserye. mini-makeupan na kami ni Joshua.

"Kamusta pag hahabol mo sa kanya?" tanong nito.

"Hays, ito.. patuloy pa rin ako nag hahabol sa kanya kahit alam kong wala akong pag asa. ang manhid nga ni sir.." sagot dito at tumingin sa salamin.

"Balita ko.. nililigawan ulit ni sir si Ma'am Ava." ani ng makeup artist ko.

"Oo nga, hindi ko alam kung ano nagustuhan ni sir dun." singit naman ni Carl, ung bakla na make-up artist.

"Napaka arte ng babaeng yun." sagot din ni Lily, ung makeup artist ko.

"Ano, amara? maghahabol ka pa rin ba?" tanong naman sa akin ni Joshua.

tumango na lang ako sa tanong nito, "Amara naman.. sinasaktan mo lang sarili mo, tumigil ka na. may ibang lalaki pa naman na iba dyan, hindi lang si direk."

"Josh, i can't. siya ang hinahanap hanap ng puso kong ito. hahabulin ko siya hanggang sa mapagod ako at hanggang sa sumuko ako." sagot ko naman sa kanya, napa sapo naman si Joshua sa ulo nya.

"Paano kung ireject ka na lang nya?"

"Edi okay, tatanggapin ko na lang kahit masakit." sabi ko habang kinukuha ung cellphone ko para makapag ig story.

"Sungit sungit pa naman nyan ni sir, tapos maya maya magiging mabait." sambit naman ni joshua.

"Eh ma'am Amara, paano kung sugurin ka ni ma'am Ava?" tanong ni Lily.

kumibit balikat naman ako, "Hmm, edi sumugod siya. hindi naman siya ung gusto ko e. hindi rin siya ung pakay ko."

"Napaka landi pa naman nya hahaha." natatawang sabi naman ni Carl.

"hoy carl! pasmado bunganga mo!" suway sa kanya ni Lily.

agad naman tinarayan ni Carl si Lily, "Totoo naman sinasabi ko! at saka.. Carla ang pangalan ko 'no!"

"Ayan, Amara.. na inlove ka pa talaga sa matanda ha." pang aasar sa akin ni Joshua.

"Hoy! 6 years age gap namin 'no, pwede pa naman yan."

"Ipipilit daw ni Ma'am Amara hahaha!"

"Totoo, Lily! hahaha!" pag sang ayon ko naman sa kanya kasabay ng pag apir namin.

"Hindi ka naman nun magugustuhan! hahaha." ay grabe 'to ah.

"Kaya naman pala nag break kayo ni Julia eh, now i know why." tugon ko sa kanya at ngumisi naman ako.

"Past is past hoy! haha!"

tawanan na lang at chikahan ang nagagawa namin dito, "Sir Joshua, pinapatawag ka na po ni  Direk, ma'am Amara.. mag handa ka na daw po."

"sige po!" ayan na lang ang tanging nasabi ko.

tumayo na si Joshua at umalis na, ako naman ay hinawakan ko na ang mga script ko. kailangan ko pa matandaan ung mga linya ko baka mag sungit na naman si Direk gaya ng pangalawang linggo namin dito.

paano ba naman kasi.. medyo lutang pa ako nun tapos nagkamali ako ng linya, ayun galit na galit.

"Sa totoo lang ma'am, bagay kayo ni sir Joshua." ani Carlo.

"ngayon lang ako mag sasang-ayon rito kay Carla, pero totoo bagay po kayo." singit ni Lily sa usapan.

"ay hindi po, tao po kami." pamimilosopo ko sa kanila, ayos lang naman daw sa kanila 'yun.. so no worries para sa akin. mabait naman silang dalawa eh.

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now