Chapter 2

208 18 2
                                    

Amara Giselle  ]

Nang matapos na ako maligo, binilisan ko na rin mag bihis. lumabas ako sa banyo at nag suklay suklay na rin ako, tinignan ko na ang orasan at alas-nuwebe na pala! 'kay bilis naman ng oras oh, dali-dali kong inayos ang aking buhok.

matapos ang lahat, kinuha ko na ang pitaka ko at cellphone na rin, lumabas na ako ng kwarto ko, sinarado ko ito at bumaba na.

nakita ko na inaasikaso ni nanay ang mga damit na susunod na lalabhan. nag tungo ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Oh, aalis ka na ba?" tanong nya sa'kin, ngumiti ako sa kanya sabay sabing..

"Opo ina, aalis na po ako para bumili ng mga kakailanganin dito sa bahay." tugon ko dito, tumango naman ang aking ina.

"sige, sige mag iingat ka nak!"

"Opo, nay! mag iingat po ako nay." ngumiti ako dito, at lumayas este lumabas na ng bahay.

pagka labas ko ng bahay ay agad ako nag tungo sa garahe namin para kunin ang motor ko, binilhan kasi ako ng aking ama ng sarili kong motor bilang kanyang regalo sa akin noong dalampu't lima na gulang pa lamang ako.

gagamitin ko na lang ung motor ko dahil hindi naman kalayuan ang pupuntahan ko na grocery, saka kung sasakay pa ako sa kotse.. nag mumukha akong sosyal na babae. jusko.

sumakay na ako sa motor ko, isunusi ko na ito at inandar ko na ung motor.

•••••
Nakalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa pupuntahan ko, hininto ko na ang motor ko saka ibinaba ko na ung sa may stand ng motor na 'to.

pumasok na 'ko sa loob ng supermarket, at kumuha na ng cart kung saan ko ilalagay ang mga pagkain at gamit na makukuha ko dito.

tinulak ko na ung shopping cart at nag tingin tingin sa iba't ibang section dito, nag isip ako kung saan muna ako mag sisimula bumili ng mga gagamitin.

"Dun kaya muna ako mag simula sa mga pagkain.." bulong ko sa sarili ko, itinulak ko ang shopping cart ko. pumunta na ako sa may section ng mga chips, para may makain ako tuwing gabi haha.

"hmm.." tinitignan ko rin kung magkano ang mga tsitsirya na nandito.

"Ayun! may V-cut, clover at mga piattos!" paborito ko lahat ng 'yan kaya naman ay agad ko itong kinuha, hindi na ako nag dalawang isip pa na kunin ang mga tsitsirya na 'to.

"kulang pa 'to sa akin, kailangan marami makuha ko dito.. uhh.." ang hirap mamili, pwede bang kunin ko na lang lahat nang 'to?

"Oh, oh! roller coaster, cheez curls— Cracklings!" kinuha ko na rin lahat nang 'yun, at binagsak sa basket haha.

umikot naman ako sa kabilang section.

Sana pala inilista ko sa papel lahat nang kailangan kong bilhin para hindi ako mahirapan mag isip.

"Meron pa naman akong mga pagkain na hindi junk foods dun diba? meron pa nga." oh, sariling tanong.. sariling sagot.

"Sunod naman ay ang mga.. sangkap! kailangan 'yun para kapag magluluto ang nanay ko.."

habang papunta sa section ng mga  asukal, ay may nabangga ako na babae.

"Ano ba! tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" asik nito, inangat nya ang ulo nya kasi gumagamit siya ng cellphone habang nag lalakad.

"Hindi kasi nag iingat, magkaka-sugat pa 'ko sa katangahan mo." dagdag pa nito.

"Sorry po.." tumitingin naman ako sa dinadaanan ko, pero bakit parang ako pa ung humingi ng tawad..

"Sorry, sorry.. panira ng araw! pisti!" inis na saad nya at umalis habang binibigyan ako ng sama ng tingin.

"Ate, hindi naman po kasalanan ni ate Mara ung pagka bunggo nya sa'yo, ikaw pa nga 'tong naka focus sa cellphone eh. tapos magagalit ka sa kanya." singit nung isang dalagita.

"Kakampihan niyo pa talaga 'yang babae na yan?! nakakagigil ha!"

akmang ibubuka nung matanda ang bunganga nya, pinigilan ko 'to kaagad.

"Ah, ate.. hayaan nyo na ho siya. baka may nangyare lang sa kanya na masama, o hindi maganda ang araw nya."

"Ate Maraaa!" niyakap ako nito, ngumiti naman ako. niyakap ko rin ito pabalik bilang pasasalamat sa ginawa nya na pag po-protekta sa'kin.

"mukhang dragon naman kasi 'yung babaeng yun." natawa ako ng mahina sa kanyang sinabi sa akin. "Grabe naman po kayo."

"Hindi ate, totoo po ang sinasabi ko. siya na nga ung naka bangga siya pa ung galit, parang tanga." aniya, patuloy pa rin ako natatawa sa kanyang sinasaad.

"Huwag mo na siyang pansinin." tugon ko sa kanya.

"Napaka bait mo po, ate. hindi ko po inaasahan na makikita ko po kayo! papicture po!" tumango ako sa kanya, inilabas nya na ang cellphone nya para kumuha ng litrato naming dalawa.

"Salamat po ateeee! mag iingat po kayo ha!" sabi pa nya,

"kayo din— teka, teka.. ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Phoebe Beatrice, ate!" naka ngiti nitong sambit.

"Ang ganda ng pangalan, sige sige.. mag iingat ka sa pag uwi ha? paalam, phoebe!" kumaway-kaway naman ako sa kanya, agad siya umalis.

Nag patuloy ako sa paglalakad at binili ko na ang mga dapat kong bilhin. pumunta na ako sa may cashier para bayaran mga pinamili ko.

"Amara Bautista, ma'am?" naka ngiti nitong tanong sa akin.

tumango naman ako kaagad, "Ako po 'yun."

"Hala, omg! napapanood kita sa mga teleserye ma'am. ang galing nyo po umarte!"

"Salamat po!" pagpapasalamat ko sa kanila.

•••••
Naka uwi na ako sa bahay, nasa garahe na rin ung motor ko. inilagay ko sa lamesa ung mga pinamili ko, si Nanay malapit na rin matapos ang pag lalaba nya. isinasampay nya na sa labas ung ibang damit eh.

"Nayyy! naka uwi na po ako!" tawag ko sa kanya.

pumunta na siya sa kusina para harapin ako, "Mabuti naman at naka uwi ka na, may masayang balita ako para sa iyo anak!" masayang saad nya sa akin.

"Po?! ano po yun?!"

may kinuha siya na envelope at ibinigay nya ito sa akin, "ito, buksan mo! dali!"

kinuha ko 'yun kaagad, binuksan ko na ung brown envelope. tinignan ko ang nasa loob at ngumiti ako, "Nay, totoo po ba 'to?! baka naman peke 'to ha!"

"Ofcourse, totoo 'yan! ano ka ba!" natatawang saad nya sa akin.

"Baka po kasi peke 'to!" biro ko dito, binatukan naman ako ng nanay ko. si nanay talaga, parang hindi ako anak oh.

"Gaga ka, nak. open mo na kasiii! sabik na ako makita ang reaksyon mo sa makikita mo, daliiii!" mas excited pa 'tong nanay ko kaysa sa akin, hay nako.

"Kalma muna tayo, nay. mas sabik ka pa nga po sa akin."

"Anak oh, ang bagal talaga!" reklamo ng nanay ko.

"Wait lang nay, kalma.. haha!"

paunti unti ko kinukuha ang papel na nasa loob, ngumingiti ngiti na ang nanay ko, binuksan na siguro ni nanay 'to kaya mas may alam ito kaysa sa akin. sobrang excited siya eh.

"Go, amara! go amara!"

"Nay, kalma muna po kayo. hindi ko po 'to bubuksan pag hindi ka po kumalma."

Umakto siya na parang isasara nya na ung bibig nya, tumawa ako ng kaunti at kinuha ung nasa loob. nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Soooo?" itinaas kilay ng nanay ko ang kilay nya, hindi ko mapaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

Like, omg! is this for real?!?!

-----
to be continued..

Director's Love. (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now