Chapter 27

56 2 0
                                    

Wilhelm

Magkahalo ang nararamdaman ko ngayon para akong natataeng ewan sa sobrang kaba.

"Ready ka na?"

Nakangiting wika ni Raven na nasa harapan ko.

Oo.

Wika ko sa kaniya at ngumiti ng peke.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako na baka hindi boto sakin si Doña Esperanza.

"Huwag kang kabahan bebu hindi naman kita iiwan at ako ang bahala andito lang ako sa tabi mo."

Nakangiting wika nito at hinalikan niya ako.

Napaka swerte ko talaga dahil natagpuan ko ang lalaking ito.

Tumango naman ako sa kaniya at sumakay na kami sa kotse.

First time kong nakasakay sa Lamborghini.

After an hour nakarating na kami ng Mansion nila at halos malula ako sa sobrang laki.

Mas malaki pa to sa bahay nina Marcus Sy.

Pagkababa namin agad naman kaming sinalubong ng isang matandang babae
siya yata yung Mayordoma sa Mansion.

"Kanina pa kayo hinihintay ni Doña Esperanza sa loob Sir."

Tumango naman sa kaniya si Raven Rigor.

"Handa ka na?"

Nakangiting wika nito sakin.

Ready na.

Sabi ko naman na parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa sobrang bongga ng bahay nila.

Mansion ba ito o Resort?

Pumasok na kami sa loob at nahiya ang mga ngipin ko sa sobrang kinang ng mga gamit sa loob.

"My Beloved Apo!"

Napatingin naman kami pareho sa isang matandang babae na pababa ng mahaba nilang hagdan.

Siya yata si Doña Esperanza lola ni Raven Rigor.

Halata talagang mayaman sa suot niya at kumikinang pa ang kaniyang mga alahas.

Doña na Doña talag ang atake ng lola niyo.

"I miss you la!"

Bati naman sa kaniya ni Raven at hinalikan ito sa pisnge.

"Buti nakarating ka Apo ngayon kung hindi magtatampo talaga ako."

Wika ni Doña Esperanza sa apo niya.

"Ikaw paba lola? Malakas ka kaya sa akin."

Mag mamano sana ako sa kaniya kaso tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa.

Naiilang naman akong bumalik sa tabi ni Raven.

"Who's this?"

Tanong niya kay Raven.

"Makikilala niyo naman siya mamaya Lola, Si Kuya nandito na ba?"

"Sinusundo na siya sa Airport mamaya maya andito na iyon nga pala Apo may nakahandang mga pagkain sa Mesa inihanda ko iyon para sa inyo."

Natuwa naman si Raven at nagpaalam muna ito sa kaniyang lola para mag CR.

Naiwan naman kaming dalawa ng lola niya sa Sala.

"Kaibigan ka ba ng Apo ko?"

Hindi agad ako nakasagot sa biglang pagtanong niya sa akin.

Nangangatog naman ang mga tuhod kong tumingin sa kaniya.

Pakshet! Ano ang sasabihin ko?

"Ayukong dinadapuan ng langaw ang Apo ko."

Napalunok naman ako sa sinabi ni Doña Esperanza sakin.

"Lalo na kung sino sinong Babae na ayaw ko."

Ngumiti naman siya sakin.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng dumating na si Raven Rigor sa tabi ko.

Inaya naman kami ng kaniyang Lola para pumunta ng Dining Area.

Natakam naman ako sa mga nakahain na masarap na mga pagkain sa Mesa.

Sa tabi ng lola niya kami umupo meron pang bakantemg upuan na nasa kaliwa sa kuya niya yata.

Mukang ang Lola Esperanza lang ang tao sa Mansion nila.

"Baka gusto mong ipakilala sa akin ang katabi mo Raven."

Wika ni Doña Esperanza kay Raven na nakangiti pa ito.

Bigla naman akong kinabahan at napatingin kay Raven na nakangiti naman sa akin.

Oh My! Natatakot ako.

"Lola! Meet My Girl---

Natigilan naman ng salita si Raven ng biglang may pumasok na matangkad na lalaki sa Dining Area.

"Grandma!"

Magiliw na bati nito kay Doña Esperanza.

"Kuya!"

Salubong naman ni Raven Rigor at niyakap ang lalaking kararating lang.

Halos mawalan ako ng hininga ng makilala ko ang lalaking ngayon ay nakatingin na sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

May namumuo ring mga luha sa mga mata ko.

Hindi. Hindi to maari.

Ang lalaking minahal ko 3 years ago.

Buhay siya.

Buhay si Rain Angeles at ang masaklap pa Kuya siya ni Raven Rigor.

Bigla naman akong nagulat ng biglang may sumulpot na bata sa harapan ko.

"Apo ko."

Wika naman ni Doña Esperanza at niyakap ang bata.

A-Apo?

May anak na si Rain?

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Where stories live. Discover now