Chapter 10

66 4 0
                                    

Third person POV

Parang zombie na naglalakad ang binatang si Wilhelm Fierro sa hallway ng iskul humikab hikab pa ito na bakas sa muka niya ang sobrang puyat.

Hindi kasi siya nakatulog buong gabi kasi umiikot sa isipan niya ang paghalik sa kaniya ni Raven Rigor.

"Bakla ka anong nangyari sa muka mo bakit puyat na puyat ka? Nagshashabu kaba?"

Tanong ng kaibigan nitong si Marcus.

Gaga ka! Hindi lang nakatulog kagabi.

Pagdedepensa naman ni Wilhelm sa kaibigan niya.

"May problema na naman ba?"

Pagtatakang tanong ng kaibigan niya.

Wala naman hindi lang nakatulog kasi ninakawan ako ng halik yung iningat ingatan kong First kiss ay nawala!

Inis na wika ni Wilhelm kay Marcus.

"Shala naman ninakawan ng halik sino ang maswerteng magnanakaw ng halik mo na iyan?"

Panunukso ni Marcus kay Wilhelm.

Sino pa ba? Eh di yung demonyong si Raven Rigor!

Napatakip naman ng bibig ang kaibigan niyang si Marcus sa sinabi niya.

"OMG! Bakla totoo?"

Hindi makapaniwalang wika ni Marcus.

Naparolyo na lamang ng mata ang kaibigan niya.

Sinamaan naman siya nito ng tingin ng biglang hinampas siya nito ni Marcus.

"Gaga ka! Nag iinarte ka pa eh napakagwapo nga ng humalik sayo imagine girl! Pinapangarap yan ng mga kababaihan at kabadingan sa campus natin at ikaw lang ang maswerteng hinalikan niya."

Tuwang tuwang wika ni Marcus sa nakabusangot na si Wilhelm.

Gwapo ka diyan! Demonyo kamo!

"Hey faggot!"

Tumaas naman ang kilay ni Wilhelm sa biglang pagtawag ni Raven Rigor sa kaniya.

Ang kapal talaga ng apog mong tawagin ako ng Faggot eh ikaw nga yung mukang uod.

"What ever. Ibibigay ko lang sayo ito."

Wika ni Raven at sabay bigay sa kaniya ng isang paper bag.

"OMG! Cellphone ba iyan?"

Manghang wika ni Marcus.

Nagtataka namang binuksan ito ni Wilhelm at Cellphone nga ang laman nito isang Iphone 14 Pro Max.

Ano gagawin ko dito?

Takang tanong ni Wilhelm kay Raven.

"Pukpok mo sa ulo mo."

Wika naman ni Raven sa kaniya.

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora