Chapter 23

54 2 0
                                    

Wilhelm

Inaantok pa akong lumalakad papuntang Locker Room para bumihis ng PE Uniform.

Puyat naman ako kakaoverthink kagabi.

Hilig ko talaga mag overthink na wala naman akong utak.

PE Class namin ngayon at maglalaro kami ng Soccer.

Hate ko talaga itong PE Class.

I'm not a sporty kasi.

Nang makabihis na ako ng Blue Tshirt and Jogging pants lumabas na ako para pumunta ng Soccer Field kasi doon kami maglalaro.

And guess what? Kaklase ko pala ngayon ang apat na lalaki.

Si Raven, Red, Ken at Justine na nakaupo sa bleachers.

Agad ko namang tinaasan ng kilay si Raven na nakangiti ito sa akin.

"Hi!"

Matamis na bati sakin ni Ken.

Kumaway naman ako sa kaniya.

Agad namang lumapit sakin si Raven Rigor at sinamaan ng tingin si Ken at naka cross arm pa.

Feeling boyfriend tss.

Agad naman kaming tinawag ni Sir para simulan na ang laro.

Boys Vs Girls

Dahil kulang ng isa ang mga Girls sa Girls ako napasama.

Nagsimula na ang laro at Goal Keeper ako it means ako ang sasalo ng bola.

Kinakabahan naman ako dahil may phobia ako sa bola.

Malakas ang boys kasi ang lalaki ba naman ng mga katawan nila sa mga babae.

Nagulat naman si Justine ng mabilis na inagaw ni Princess ang bola.

May pagka boom tiboom kasi itong si Princess.

Siya'y magandang babae na lalaki pumorma.

Kunti nalang sana para masipa niya ang bola ng bigla itong inagaw ni Raven.

Tss hindi talaga sila magpapatalo.

Wala namang nagawa ang mga girls kasi mabilis ito kumilos kaya nag ready na ako para saluhin ang bola.

Nanlaki naman ang mata ko ng sinipa niya ito ng malakas sasaluhin ko na sana ito pero biglang tumama sa muka ko ang bola.

Bigla naman akong bumagsak sa sahig parang may likidong tumutulo sa ilong ko kaya kinapa ko naman ito at nanginginig kong tinignan ito.

May dugo.

Nakita ko pa ang muka ni Raven na nag alala sa akin.

At bigla akong nakaramdam ng hilo at unti unti na akong nilalamon ng dilim.

Black out.

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Where stories live. Discover now