Chapter 18

57 2 0
                                    

Raven

Shit! Ouch. Ouch! Aray damn it!

Sigaw ni Justine na nagpiprito ng Hotdog at Bacon sa kusina kasi tinatalsikan ito ng mantika.

"Nice try."

Natatawang wika ni Red kay Justine nang inilapag niya sa mesa ang niluto niya.

Kasi nangingitim dahil sa sunog ang niluto niyang Bacon at Hotdog.

Napasimangot naman siya.

"Atleast I try my best, Argh! bakit kasi pinalayas pa ng isa diyan ang Wilhelm na iyon eh di sana kumakain na tayo ng masarap na luto niya."

Inis na wika ni Justine at sinamaan pa ako ng tingin niya.

Ano ba ang pake ko?

Masungit na sabi ko sa kaniya.

"Cause I'm damn hungry!"

Frustrated na sigaw nito.

Eh di kainin mo yang niluto mo.

Sarkastiko kong wika sa kaniya. Kumuha naman ako ng baso para uminom ng tubig.

Nakasimangot naman itong lumakad papunta sa Telepono magoorder yata ito ng pagkain.

"Minsan nakakamiss din ang lalaking iyon eh."

Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Ken nakaupo ito sa sofa habang nanunood ng Basketball.

Ayan na naman siya sa kabaklaan niya.

"Craving nga ako ng Adobo niya eh."

Wika naman ni Red.

Tss. Mukang tinamaan nga ang tatlong mukong na to sa lalaking iyon.

Deserve naman niyang mapalayas dito kasi nakakaasiwa naman yung pagmumuka niya minsan sa harap ko.

Bigla namang nag door bell sa pinto at nagmamadali namang binuksan ito ni Justine.

Nagpa Grab nga ang gago.

Siya kasi yung pinakamatakaw sa lahat sa pagkain.

"Wow! Nice choice pare Adobo saktong sakto gutom din ako."

Natutuwang wika ni Red.

Agad namang bumalikwas ng pagkakahiga sa sofa si Ken at lumapit ito sa kanila.

Napalunok naman ako sa bango ng Adobo.

Naalala ko naman yung Adobo na niluto ni Wilhelm. Nakakatakam ang bango nito.

No. Erase. Erase. Hindi naman masarap yung niluto niyang Adobo. Lasang Asin yon.

Bigla namang tumunog ang tiyan ko.

Kagabi pa kasi ako walang kain.

Nag maang maangan na lamang ako na kunwari focus sa panunuod ng basketball kasi nakangising nakatingin ang tatlong lalaki sakin.

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Where stories live. Discover now