Chapter 12

63 4 0
                                    

Wilhelm

Mangiyak ngiyak akong nakaupo sa tabi ng kalsada.

Wala na akong nakikitang tao kasi hating gabi na.

Anong gagawin ko?

Sana kinuha ko nalang yung Number ng kaibigan ko.

Argh! Kainis.

Poging Master.

Nagdadalawang isip ako na tawagan ito.

Bahala na at denial ko na ang kaniyang numero.

Nag riring lang ito pero walang sumasagot.

Please Raven sagutin mo ang tawag ko.

Ring lang ito ng Ring pero wala talagang sumasagot.

Mukang sa tabi ng kalsada yata ako matutulog.

Ipipikit ko na sana yung mga mata ko ng biglang may tumigil na sasakyan sa tabi ko.

Hinawakan ko agad ng mahigpit ang bag ko at nakaramdam ng kaba.

Mukang makikidnap na naman ako.

Pero may lalaking bumaba dito at pagewang gewang na naglalakad.

Lasing ba to? Sino yung taong to?

Nagulat naman ako ng biglang lumapit sakin ang lalaking kakababa lang ng kotse.

Si Raven na pulang pula ang muka at lasing na lasing ito.

"Bakit ka nandito? Gabing gabi na anong ginagawa mo sa tabi ng kalsada."

Wika nito sakin na halata talagang lasing.

Pinalayas ako.

At itinuro ko ang Apartment na tinutuluyan ko.

Malungkot ko naman siyang tinignan sa mga mapupungay niyang mata.

M-Master pwede naman siguro akong makitulog sa inyo kahit panandalian lang wala kasi akong mapuntahan ngayon at malalim na ang gabi natatakot ako na baka kung ano pa mangyari sa akin.

Wika ko sa kanya.

Please Master gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta pumayag kalang.

Pangungumbinse ko sa kanya na may halong landi.

Go lang bakla gawin mo ang lahat para pumayag ang demonyitong ito.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa mga ngisi niya.

"Anything else?"

O-oo.

Kabado kung wika sa kaniya.

Umatras naman ako ng biglang paglapit niya sakin.

Mas lalong lumapad ang mga ngisi niya.

Naramdaman ko naman yung pader sa likod ko na corner na nga ako ng gago.

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Where stories live. Discover now