Chapter 4

90 4 0
                                    

Wilhelm

"Sana hindi mo nalang sila pinatulan accla! Nadamay kapa tuloy."

Hila hila ko parin palabas ang Bestfriend ko palabas ng Cafeteria para makalayo sa mga gagong iyon.

Ito kasing gaga na ito na love at first sight siguro kay Anger kaya natapon tuloy yung Juice sa ginto niyang damit na iyon.

Ano? hahayaan lang kitang masapak yung pagmumuka mo ng demonyitong iyon?

"Eh hayaan mo na kaysa madamay kapa alam mo namang wala tayong binatbat sa mga yon at tiyaka kasalanan ko naman e kaya nagalit ang Red na iyon kasi pilosopo ko siyang sinagot."

Makaasta sila akala nila kung sino silang makapangyarihan sa paaralang ito.

"Bakit kasi hindi ka nagpatalo pa sa kanila mas gugustuhin ko pang suntukin ng lalaking iyon kaysa matanggalan ng scholarship sa paaralang ito alam mo namang anak iyong ng may ari ng school na ito."

Ay teh! Wala akong pake kung gusto nila ng gulo pwes tatanggapin ko basta wag lang nila tayong saktan.

"Marami talagang salamat bakla kasi nandiyan ka kung wala ka siguro basag na siguro yung bungo ko."

Sa susunod kasi mag ingat ka!

"Oo na! sige na! Oh siya dito ka nalang at may pasok pako sa second subject text text nalang tayo bakla babush!"

Napailing nalang ako sa kagagahan ng Bestfriend ko.

Since bata pa ako kasama ko na kasi to sa kabaklaan ko eh siya nalang kasi yung karamay ko simula noong nawala Mommy ko at pinalayas ako ng Step dad ko sa bahay.

Wala na rin akong balita kay Mommy noon kung saan siya nagpunta.

Ngayon nakikiupa lang ako sa Apartment ni Aleng Marites.

Higit tatlong buwan na akong hindi nakabayad sa upa sana hindi ako palayasin nito.

Pumasok nako sa loob ng room dahil may last subject pako sa Philosophy.

Hindi parin mawawala sa isip ko si Raven Rigor.

Yung nararamdaman kong kilig napalitan ito ng inis sa kanya.

Grrrrr! Akala niya matatakot ako sa kanya never! Over my dead and sexy body!

After discussions sa wakas tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase.

Pasado alas 5 na ng hapon ako nakalabas ng gate at nagmamadali nako para makauwi kasi baka abutan ako ng takip silim sa paglakad malayo layo pa naman yung tinutuluyan kong Apartment sa D'Ville College.

Wala masyadong taong naglalakad sa daan kaya binilisan ko ang aking paglakad kasi nakaramdam ako ng kakaiba.

Bakit bigla akong kinabahan?

Takbo lakad ang ginawa ko kasi hindi na ako mapakali, Nakahinga ako ng maluwag ng may dumaang sasakyan sa harap ko pero bigla itong tumigil sa harap ko.

Anong gagawin niyo sakin? Bitawan niyoko! Tulong!

Sigaw ko sa daan ng biglang lumabas ang mga kalalakihan at hinawakan ang mga kamay ko at hinila papasok ng sasakyan.

Bigla namang tinakpan ng isang lalaki ang muka ko ng panyo para takpan ito.

Hindi ko masyado maaninag ang mga muka nila kasi nakamaskara ang mga ito at unti unti ng nilalamon ako ng dilim.

Sino? Sino kaya ang mga ito at ano kaya ang kailangan nila sa akin?






Loving A Womanizer (BXB) [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें