Chapter 6

71 3 0
                                    

Wilhelm

Bwesit ka! sigaw ko sa lalaking ngayon ay nakaharap sakin.

Napakawala mong modo! Isusumbong kita sa pulis!

"I'm not scared though."

Nakangising wika ng ulopong sakin.

Napaiyak na lamang ako sa inis.

Mas lumapad ang ngisi niya sakin nang makita niyang tumutulo ang aking mga luha sa pisnge ko.

"Seeing you crying makes me satisfied."

Satisfied pala ha pag ako nakawala talaga dito susuntukin kita.

Napakademonyo mo! Lagot ka talaga sakin.

Tumawa lang ang loko.

"So what now? Hindi paba tayo aalis? I'm bored."

Naboboryong wika ni Red.

"Tara na mga pre! Iwan na natin yan dito gusto ko na ng babae ngayong gabi." Wika ni Feisler sa tatlo.

Magsama kayo mga demonyo! Kainis!

Lumapit sakin si Raven Rigor at nilapit niya yung muka niya sa muka ko.

"See you tomorrow my slave eready mo na ang sarili mo at nga pala ayuko ng taong maarte, pilosopo at tamad. Pag may utos ako sayo na hindi mo nagawa you're dead!"

Ngumiti pa sakin ang loko at tumalikod.

Naamoy ko pa ang hininga niya. Amoy Mint.

Sumunod naman sa kanya si Red at Justine.

H-hoy! Teka lang! Pakawalan niyo muna ako dito!

Pero napamura na lamang ako sa inis nang kumaway lang sakin si Rigor.

Argh! I hate this day!

Pero nawala yung inis ko ng biglang lumapit sakin si Mr.Blonde Guy.

"Hi I'm Ken. Ken Kardashian."

Nakangiting wika niya sakin at inilahad pa niya ang kaniyang kamay para makipag shake hands sakin.

Napakagwapo niya talaga.

No thanks. Tipid kong sabi sa kanya porket mabait to sakin may atraso parin sila sakin.

He chuckle.

Piste! Kinilig naman ako sa tawa niya.

Ang cute lang.

Pero No! No na no for you bakla ka!

"Don't worry im here to help you hindi kita susungitan." Nakangiting wika ni Ken sakin.

Bigla naman akong nailang sa biglang paglapit niya sakin.

Ambango niya.

Sino ba naman kasi ang mag inarte pa sa isang kapatid ng highest paid model sa mundo.

Tinanggal naman niya ang pagkatali sakin.

Salamat. Nakangiting wika ko sa kanya.

"Your welcome."

Namula naman ang pisnge ko sa mga ngiti niya.

"Hindi ka pwede umalis sa lugar na ito na ikaw lang mag isa malalim na ang gabi baka mapano kapa sa daan saan ang bahay mo hatid na kita?"

Ay wow concern?

Pero hindi na ako mag inarte ngayon kasi tama nga siya baka literal na makidnap pa ako sa daan kapag nag inarte nako.

Sinabi ko naman sa kanya kung saan ako nakatira at mas lumapad pa ang mga ngiti niya sakin.

Umalis na kami sa lumang building at sumakay na sa kaniyang kotse.

Parang nahiya ang pwet kong sumakay sa loob ng Porsche ng lalaking to.

Habang nasa biyahe hindi niya maiwasan na mag tanong sakin.

Daig ko pa ang mag apply ng 4ps sa lalaking to.

Pero empyernes ang bait talaga niya.

Sino kaya ang mga chismosang nagsabi na bakla ang lalaking ito.

Sa gwapo at maskulado niyang katawan napagkamalan niyo pang bakla? Ay dzai! Kung wala lang akong hiya kanina pako nakipag car fun dito eme lang.

Nakarating na kami sa Apartment na tinutuluyan ko.

Nahiya pa nga ako eh kasi siya pa yung nagbukas ng pinto ng kotse.

Maraming salamat sa pag hatid.

"It's my pleasure. Nice to meet you Wilhelm! Don't worry kung sasaktan ka ni Raven Rigor andito lang ako." Wika ng lalaking ito at kumindat pa bago sumakay ng kotse.

Napahawak na lamang ako sa mga pisnge ko. Buti nakasakay na siya ng kotse baka makita niya ang namumula kong pisnge na parang tocino.

Kumaway naman ako sa kaniya at pinaandar na niya ang kaniyang kotse at umalis.

Napangiti na lamang ako sa kawalan.

Sana kasing bait ni Ken ang tatlong mga damuho na iyon.

"Wow may pang date pero pang bayad sa upa wala?" Wika ni Aling Marites habang nakataas pa ang kaniyang isang kilay na fake.

Tumawa naman ako ng peke sa kanya.

Hindi ko po siya Boyfriend Aling Marites hinatid lang niya ako dito kasi gabi na.

"Sus! Deny ka pa! Sinasabi ko sayo Wilhelm huling palugit na ito kapag hindi kapa magbayad ngayong linggo ako mismo ang magpapalayas sayo dito."

Hehe opo Aling Marites! Noted po!

Inirapan naman niya ako at umalis na sa harap ko.

Tss. Makasungit peke naman ang kilay.

Padabog naman akong pumasok sa loob at malakas na sinara ang pinto.

Ibinagsak ko naman ang katawan ko sa kama.

AHHHHHHHHHHHH.

Bwesit talaga ng araw na ito!

Humanda ka sakin bukas Raven Rigor magsisisi ka sa pinili mong alipin.

I will hate you forever! Raven Rigor!

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora