Chapter 19

67 4 1
                                    

Wilhelm

Humihikab hikab pa akong naglalakad sa hallway ng school.

Lunes ngayon at back to school na naman.

Paano ba naman kasi hindi inaantok eh kakaisip sa lalaking iyon kagabi.

Pinapaoverthink talaga ako ng demonyong iyon.

Mugtong mugto din ang mga mata ko sa kakaiyak.

Hindi ko parin siya natatanaw hanggang ngayon.

Kamusta na kaya siya?

Sa ginawa niya sayo Wilhelm gusto mo parin siyang makita? Gising teh! Sinaktan ka niya!

Oo nga dapat galit pala ako sa kaniya kasi sinaktan niya ako.

Damhin niya ngayon ang batas ng isang api. Char!

Pumasok nako ng Classroom at bumilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Raven Rigor na nakatingin sa akin.

Inirapan ko naman ito at umupo na hindi sa bakanteng umupan niya kundi sa tabi ng Nerd na busy sa kababasa ng hawak niyang libro nagbabasa ito ng librong Loving a Womanizer By Hororochan ay maganda to!

(A/N: Promotion yarne? hakhak)

Sinundan niya pa ako ng tingin na animo'y isa akong kriminal.

Oo na Raven Rigor maganda na ako!

Nagulat naman ako sa biglang paglapit ni Raven Rigor sa isang Nerd.

"Hi! Makipagpalit ka sakin ng Seat o tatanggalan kita ng scholarship?"

Nagulat naman ang katabi kong Nerd kaya dali dali naman itong lumipat sa kabila.

Napakasama talaga ang ugali!

Nakangiti namang umupo ito tabi sa akin.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Nagulat naman ako sa biglang pagtanong niya sa akin.

Bakit naman kita iniiwasan?

Masungit na wika ko sa kaniya.

Hindi ko siya tinitignan sa kaniyang mga mata kasi kung tumingin ako malulunod na naman ako sa mga tingin niya sakin.

Hindi talaga kompleto ang araw ko kung di ako ginugulo ng lalaking ito bakit hindi nalang siya makipag landi sa mga kababaihan dito eh tanyag na isa naman siyang Womanizer ng campus.

Kairita!

Magsasalita pa sana siya ng Biglang pumasok si Mrs. Malou Wang siya kasi yung Adviser namin at nanlaki ang mata ko ng biglang may pumasok na lalaki sa pinto.

Agad namang nagtitilian ang mga mahaharot kong kaklase.

"Oh my! Si Ken Kardashian kaklase natin?"

"Gaga ka! Baka naligaw lang."

Wait? Tama nga ba ang mga hinala nila? Dito na siya papasok?

"Goodmorning Everyone! This is Ken Kardashian your new classmate."

Pakilala ni Mrs. Wang kay Ken na nakangiti pa ito sa buong klase.

As far as i know Medical Laboratory Technology ang kurso nito pero bakit bigla siyang lumipat sa Business Management?

Mas lalo pang lumapad ang mga ngiti nito ng lumakad siya sa gawi ko.

"Goodmorning Wilhelm! Kamusta ka na? Namiss kita."

Wika nito sakin na nakangiti pa.

Bigla naman akong kinilig sa sinabi niya.

Nagulat naman ang lahat ng biglang ibinagsak ang mga kamay ni Raven Rigor sa mesa ng kinauupuan niya nakatayo na ito at galit galit na tinignan si Ken Kardashian.

Bakit galit to sa kaibigan niya?

"I told you bro papunta palang tayo sa exciting part."

Nakangising wika ni Ken kay Raven Rigor na naiyukom na ang mga kamao nito sa galit.

Ano raw? Exciting part? Ano na ang nangyayari sa dalawang ito?

At bakit galit si Raven Rigor kay Ken?

Naloka naman ako sa scenaryong nakita ko. Juskoday! Anong nangyayari sa dalawang to.

Napahawak na lamang ako sa aking sentido.

What the hell is happening?

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Where stories live. Discover now