Chapter 8

65 4 0
                                    

Wilhelm

Tagaktak na ang pawis sa noo ko sa kakaikot sa campus hindi ko parin mahanap ang pisteng Black Room na sinasabi ng demonyong lalaki yon.

Halos sing laki pa naman ng Oxford tong paaralan na ito.

Napamura na lamang ako kasi malapit ng mag 3pm at andito parin ako sa hallway.

Excuse me.

Napalingon naman sakin yung babae.

Natulala naman ako sa sobrang ganda niya.

Shit. Artista ba ito? Model? o Anghel na bumagsak sa langit?

She's so perfect.

"Hey may kailangan ka ba?"

A-ah oo magtatanong lang sana.

Hindi na ba ako bakla? Bakit ako nauutal sa ganda niya.

"Sure ano ba iyon?" Nakangiting wika niya sakin.

Mas lalo siyang gumanda sa mga ngiti niya.

Ahm alam mo ba kung saan yung Black Room.

"Yung Black Room ba? Ayon oh." Turo niya sa pintuang Gold ang kulay nito at may nakaukit na D'Ville.

Napamura na lamang ako sa aking isipan dahil pangalawang beses ko na itong nadaanan kanina bakit naman kasi Black Room ang tawag sa pisteng ito na kulay Ginto pala ang kulay.

Nagpasalamat naman ako sa kanya at aalis na sana sa harap niya ng bigla niya akong pigilan.

"Are you Raven Rigor Friend?" Nakangiting wika niya sakin.

Hindi. Tipid kong sagot sa kanya.

Magsasabi pa sana siya kaso tumunog naman yung Cellphone niya at sinagot ito.

"Yes Dad?" Wika nito sa telepono at umalis bigla sa harap ko.

Napakunot noo naman ako kung sino yung babaeng ito.

Baka Girlfriend ni Raven Rigor.

Nagkibit balikat na lamang ako at lumakad na patungong Black Room.

Nasa harap na ako ng Gintong pintuan at naamaze kasi literal na Ginto talaga.

Pinindot ko naman yung Door Bell at niluwa ang isang Justine Feisler.

"Pasok." Tipid nitong sabi at pumasok naman ako sa loob.

Halos napanganga ako sa ganda ng loob.

May malaking Flat Screen Tv sa dingding malaki ang space na nasa loob may malaking sofa, mini bar at merong chandelier na animoy 5 star hotel ang napasukan ko.

Hindi na ako magtaka pa kasi alam ko na kung sino ang may ari ng room na ito ang isang Red D'Ville.

Inikot ko ang loob ng kwarto pero yung natutulog lang na si Ken ang nakita ko na natutulog sa sofa at si Red na nasa harapan ng Computer.

Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Where stories live. Discover now