Chapter 22

58 2 0
                                    

Third Person POV

"Bakla ka! Huwag kang magpadalosdalos sa nararamdaman mo! Remember isa siyang babaero sa campus at baka nga pinagtitripan kalang niya!"

Wika ni Marcus kay Wilhelm na naguguluhan parin sa mga pangyayari.

Ewan ko ba kung anong nakain niya kung bakit bigla siyang umamin sa nararamdaman niya sakin.

Nakikita ko naman sa mga mata niya na seryuso siya e.

Hindi naman niya yata ako lolokohin kasi pangatlong beses na niya akong hinalikan.

Napatakip naman ng bibig ang kaibigan niyang si Marcus sa sinabi niya.

"Omg bakla! Totoo?"

Hinding makapaniwalang sabi ni Marcus sa kaniya.

Tumango naman ang binata at namunulang yumuko sa kaniya.

"Naks naman ganda yarne?"

Asar nito at hinahampas hampas pa sa kilig.

Aray ha! Isa pang hampas ihuhulog kita sa Rooftop sige ka.

"So ang tanong? May nararamdaman ka din ba sa kanya?"

Hindi agad nakasagot si Wilhelm sa kaniya.

Hindi ko alam.

Naguguluhan parin ako.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Pero habang papalapit siya sa akin bumibilis ang tibok ng puso ko, nanghihina din ako kapag tinitignan niya ako sa aking mga mata.

Bumibilis din ng pagtibok ang puso ko na parang nasa karera.

"Denial kalang bakla! Naku sinasabi ko sayo pag isipan mo muna yan sige ka baka sa huli ikaw lang ang masasaktan."

Napabuntong hininga na lamang ang binata.

"Naka move on ka na ba kay Rain Angeles?"

Saglit namang natigilan ang binata sa biglang pagtanong ni Marcus sa ex niyang nawala 3 years ago dahil naaksidente ang sinasakyan nitong Eroplano papunta ng Canada.

Hindi parin mawala ang imahe ng kaniyang pinakamamahal sa kaniyang isipan.

Sa totoo lang mahal pa niya ito.

Kung may kakayahan lang sana siyang hanapin sa dagat ang kaniyang irog nagawa na niya sana ito.

Pero pinangako niya sa kaniyang sarili na maghihintay siya sa pagbalik nito.

Pero tatlong taon na ang nakalipas pero wala paring Rain Angeles ang dumating sa kanya.

Hindi naman namalayan ng binata na pumapatak na pala ang mga luha niya.

Napakasakit mawalan ng mahal sa buhay.

Maghihintay parin ako sa pagbalik niya sakin Marcus.

Naniniwala ako na buhay pa si Rain.

Nalungkot naman ang kaniyang Bestfriend sa sinabi nito halos magpakamatay din kasi siya noon ng nalaman niyang bumagsak sa dagat ang sinasakyang eroplano nito kasama ang kaniyang magulang.

Kung buhay man siya ngayon sana manlang hanapin niya ako dahil naghihintay parin ako sa pagbalik niya sa akin.

"Kung mahal mo pa siya paano na si Raven Rigor?"

Oo nga pala may isa pang lalaking naghihintay na mahalin din siya.

Napasabunot na lamang siya sa kaniyang sarili.

What if? Tumalon na lang ako sa Rooftop?

Binatukan naman siya ng kaniyang Bestfriend sa ulo.

"Gaga ka talaga!"

----

Bella

I'm here at my dad company pinatawag kasi ako dahil may urgent meeting siya sa kaniyang business partner niya.

Gusto daw ako makilala ng kaniyang business partner.

As if naman na may pake ako?

"Goodmorning Ma'am."

Bati sakin ng mga employee na nakasalubong ko sa daan.

Hindi ko sila binati sa halip tinaasan ko na lamang sila ng kilay.

I'm not in a Mood right now para makipag plastikan sa kanila.

Nasa harap na ako ng Office ni Daddy.

Inayos ko muna ang sarili ko at ngumiti ng matamis bago ko binuksan ang pinto nito.

"Andito na pala yung Unica Ija ko."

Wika ni Daddy.

Lumapit naman ako sa kaniya para mahalikan ko siya sa pisnge.

"Your so pretty iha bagay na bagay ka sa anak ko."

Sabi naman ng matandang nakaupo sa tabi ng Daddy ko.

Napangiti naman ako sa kaniya.

Ngiting peke.

"Excited na akong makasal sila at makabuo ng pamilya pare and can't wait to see my apo's."

Sabi nito at sumang ayon naman sa kaniya si Daddy.

Palihim naman akong naparolyo ng mata sa kanilang dalawa.

In your dreams! Isa lang ang taong papakasalan ko walang iba kundi si Raven Rigor!

Aalis na sana ako ng biglang pigilan ako ni Daddy.

"Stay there Bella may isa pang taong gusto ka makilala."

Sabi ni Dad sakin.

Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya.

Sino?

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa ang isang lalaki doon.

"Oh by the way meet My Son Bella Mondragon it's Justine Feisler."

What the hell??

Nagulat naman ako sa lalaking papakasalan ko.

Pati siya nagulat sa kaniyang nakita.

No! It can't be! Over my dead and gorgeous body!

Ako magpapakasal sa isang lothario?

NO FREAKING WAY!


Loving A Womanizer (BXB) [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz