Great War

384 10 7
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




CHAPTER THIRTY-SIX

Paguwi sa dorm, hindi alam ni Brent yung sasabihin o gagawin niya. Mukhang okay na nung nagka aminan sila eh, pero naging honest pa siya. Nakakabingi lang ang katahimikan pag pasok nila ng room. Bigla lang pumunta si James sa closet nila kaya sinundan siya ni Brent, biglang kinuha yung bag nito at sinimulan ng kunin ng mga damit niya, wala ng tupi tupi basta maipasak lahat sa bag nito.

"Uyy James anong ginagawa mo?" tanong ni Brent at hindi sumasagot yung isa kaya kinuha nalang niya yung mga damit na nasa bag at binalik yung pagkahanger nun. "Hindi ko naman tinuloy diba? sa'yo ako umamin. Ikaw yung gusto ko James, Ikaw"

Kinuha nanaman ni James yung mga damit niya at binalik sa bag hanggang sa inagaw ito ni Brent. "Puta Brent bitawan mo"

"Ano ba James!"

"Pwede ba wag ka nalang magsalita, hindi   nakakatulong" sagot ni James sa best-friend niya.

"I'm sorry.... I'm sorry na!" tsaka nila binitawan na dalawa yung damit na pinag agawan nila.

"Hindi ko alam kung san ako masasaktan? yung trinaydor ako ni Jesse oh yung tinira mo'ko patalikod. Best-friend kita Brent, mas nakakaalam ka sa ayaw ko... at yun yung disloyalty" Doon na tinamaan si Brent, shet. Nakikita niya na napaluha na si James at sobrang nasaktan sa ginawa nila ni Jesse. "Tapos aamin ka na may gusto ka saakin? Bakit hindi mo muna ginawa yan bago ka bumigay kay Jes? Sa simpleng blowjob pwede pa eh pero yan? Sobrang sakit"

Yumakap na si Brent sakaniyang Best-friend at tumulo na din yung luha niya. "Sorry na James, Sorry na"

"Sinabi mo kanina..... mahalaga ako sa'yo, simula bata pa tayo ako na yung Romeo mo. Masasaktan din pala tayo kagaya sa kwento nila." Tinulak ni James si Brent pero bigla siyang hinalikan nito, lumuluha na silang dalawa. Sa una ayaw gumanti ng halik ni James pero naramdaman niya na may passion at feelings talaga yung halik ni Brent na asa harapan niya ngayon kaya gumanti na din siya ng halik atsaka sila ngka laplapan na. Binagsak ni James yung closet pasarado tsaka siya binuhat nung matangkad na Brent at nagpatuloy lang sila maglaplapan. Hanggang sa mapadpad sila sa table at biglang may nahulog na papel, at key pass, yung extra keypass na binigay ni James kay Jesse. Napatigil sila doon at pinulot ni Brent yung papel na may sulat pala at nakatupi.

Pinabasa nga nila ito kina Caleb, at David. Tinanong na din nila si Clark na tulog pala mula kanina kaya hindi napansin na umuwi pala si Jesse at kinuha nito yung mga damit sa closet nila at iilan lang ang tinira.

"We should let him be muna, I think he needs time" sabi ni Clark sa barkada.

"Sa pagkaka alam ko kay Jesse, babalik yun. Hindi lang niya kinaya kung ano man nangyayari sainyo ngayon." dagdag naman ni David at tinignan lang sila ni Brent, at James.

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now