Fiveway

437 5 1
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.




CHAPTER TWENTY-THREE


Masaya naman sila kumain, wala ng away, peace na lahat. Naka ilang manok si Caleb tapos binibigay pa ni David yung balat sakaniya kabaliktaran ng ginagawa ni Popoy kay Basha sa One More Chance at napansin naman ng iba yun. "Oh ba't parang hinubad mona lahat ng manok mo para kay Caleb?" tanong ni Jesse na may ngisi sa kaibigan niya.

"Eh siyempre bumabawi yan!" sabi naman ni James at dumagdag na sa pangaasar.

Tinignan naman ni David si Caleb at ang taba taba na ng bibig nito sa kakakain ng balat ng manok na binigay niya. "Dahan dahan lang Tarbs, cholesterol parin yan"

"Ngayon lang naman" sagot nito tsaka pa nagpatuloy kumagat sa manok niya, ang sarap lang kumain ni Caleb. Akala mo wala ng bukas.

"Mag ibang ulam ka naman" sagot naman sakaniya ni David "Baka magmukhang manok kana diyan"

"Gusto mo ikaw gawin kong manok?" inis na sabi ni Caleb dito at sinamaan ng tingin.

"Para napnapin mo din siya?" pangasar dito ni James na napatawa naman si David.

"Oo, pero kakatayin ko muna" nangigigil na sabi ni Caleb. Tawang tawa nalang sila sa mga sagutan ni Caleb at David, sina Brent at Clark naman may sariling mundo. Parehas na nerds eh, parehas pang softie. Nagoopen si Clark tungkol aa babaeng nagugustohan niya, at todo payo naman si Brent na akala mo may experience sa love-life.

"Ohh Brent baka mahawaan mo na si Clark sa kapabebehan mo" pang asar ni James dito at ngumisi sa best-friend. Parang walang nangyari, ganun parin sila.

"Wag ka nga!" inis na sagot niya dito at bumalik na sila sa pagkwekwentohan ni Clark.

Pagtapos nila kumain umalis na si Clark dahil pupuntahan pa niya yung gusto niyang ligawan at natira nalang ang hindi mga straight sa barkada nila (5 out of 6 lang naman) Nagaya si Jesse na umupo sila dun sa may sala ng paikot.
Sa sobrang solb ni Caleb sa mga manok eh napapahiga na siya sa may floor at hindi na makaupo ng maayos, nagdala naman ng drinks si David at nakita na parang namumukhang crop top na yung suot nito at litaw na litaw na yung tiyan.
   Pagupo niya bigla nalang niya pinindot yung belly button nito tsaka napahagikgik. Imbis kasi na mainis or magalit napa ungol si Caleb doon ng malakas na hindi sinasadya, napatakip nalang siya sa bibig niya at pinandilatan ng mata si David na tawang tawa pa sa ginawa. "Lakas ng trip mo noh?!"

"Pano nga yung UGHHH Caleb" pang asar ni David dito.

Napalapit na din si James at tinignan niya din ng maloko yung best-friend niya.
"Masyado ka atang nasatisfy sa manok mo Sexy." pang asar niya din dito sa bes-friend niya.

"Ang dudumi talaga ng mga utak niyo noh" parehas niya inirapan ng mata yung dalawa. Sumunod na si Brent at Jesse na mukhang nagiging close na din at sabay na sila umupo at nagkatabi.

Pull Me CloserWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu