Foolproof

644 9 4
                                    

CHAPTER FOUR

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER FOUR

Napansin nina Caleb at James na mukhang uulan, sobrang dilim na kasi ng langit nagtext nalang sila kay Brent na sa kotse nalang ito hihintayin pero naisip muna nila na mag drive thru dahil wala namang pagkain sa dorm nila at mahal pa magpadeliver. Isang oras pa naman bago matapos klase ni Brent kaya makaka balik sila on time. Si James na nga nagmamaneho tapos wala pang imik yung kasama tapos sakto traffic pa kaya aligaga siya kung ano ba nagbobother sa best-friend niyang 'to.

Kanina pa hinahawakan ni Caleb yung sa bandang labi niya hindi niya alam ba't unli-replay ng eksenang yun, yung tension na binibigay ni David na medyo sexual, pati yung pagdikit ng katawan nun tas bigla nalang nag shake yung elevator kaya dumampi yung labi nito sa bandang cheek niya. Wala pa naman nakakalapit ng ganun sakaniya, kahit nga mga best-friend niya. Hindi naman kiss yun diba? Wala namang meaning eh muntik lang naman magkadikit yung labi namin. yan pa ang kaninang asa isip ni Caleb

"Huy!" sigaw ni James dito sa tulalang kaibigan. "Kanina kapa wala sa sarili mo. Ano ba talagang nangyari dun?" tanong nito.

"W-wala, diba sabi ko ayaw ko ng pagusapan" sagot ni Caleb dito.

"Chill Bruh— masyado kang defensive" tsaka sinuntok na pabiro ni James ang kaibigan. Napangiwi lang si Caleb na kinainis nito. "May pa sikreto sikreto kana ah!"

"Wala nga ang kulit!" binigyan siya ng ngisi ni James at hindi titigil 'to hangga't di sinasabi ni Caleb yung nangyari "Hoy alam ko balak mo!" itinaas na ni James yung dalawa niyang kamay buti nalang traffic at makikiliti niya 'tong kaibigan niya.

"Magkwekwento ka or kikilittin kita?!" pagbabanta ni James kay Caleb.

"Uy James Wag— Sinasabi ko sa'yo!" naka ready na yung kamay ni James at nilalabanan nalang ito ni Caleb "J-James!! Subukan mong tuloy yan!" Inis na banta nito

"Aba susubukan ko talaga kapag—-" Pasugod na sana ulit yung kamay ni James pero agad sumuko 'tong isa.

"Oo na, kwekwento ko mamaya pag andiyan na si Brent" alam ni Caleb na hindi siya titigilan nito eh makwekwento at makwekwento din naman niya ito lalo na hindi maalis sa isip niya, hindi siya matatahimik. Bumuhos na yung ulan na kanina pa pinipigilan ng mga ulap nagdecide na sila na bumili na ng pagkain sa ano mang malapit na resto dahil sobrang traffic din, hindi na nga gumagalaw yung mga kotse buti nalang nakaalis pa sila dito tapos eh magaling talaga 'tong mag drive si James.

#

Maaga naman nadismiss sina Brent, na receive na niya yung chat na bumili ng pagkain sina Caleb pero deadbatt na siya at hindi na nakapagreply nung nakalabas na siya sa klase. Tapos naiwan niya pa yung powerbank niya sa kotse ni James.
"Uy Sige mauna nako ah!" bati niya sa mga kaklase niya at bumaba na siya agad sa groundfloor at hinanap yung kotse ni James sa parking spot nito kaso wala pa talaga sila "Sana bukas yung music room please please" sabi nito sa sarili at nagmadali ng tumakbo sa favorite place nito.
Pagdating doon buti wala namang tao, eh may klase pa halos lahat kaya siguro masosolo niya yung room na 'to. Pumwesto na siya dun sa may guitar, dahil yun lang naman talaga ang kabisado niyang gamitin. Sinimulan na niya istrum yung guitar at sinundan lang niya yung feelings niya kung ano bang tutugtugin niya. Sinabayan na niya din ito ng pagkanta

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now