Comfort Crowd

357 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



CHAPTER THIRTY-THREE

Sabay naghintay sina Jesse at James, pero nung ginabi na talaga, pinili nalang ni Jess na umuwi muna at bukas nalang siya makikibalita kay Brent. Awkward din dahil hindi sila nagdadaldalan ni James. Hindi na din siya nag sorry, kasi nakapagapologize na siya. Hindi mo naman kasi kailangan pilitin yung tao na tanggapin yung apology mo. Nag nod nalang si James sakaniya nung nagpaalam, paglipat niya ng room nila nandun na din si Clark.

"Bro.... you look exhausted" bati sakaniya ni Clark. Kitang kita kasi nito yung eye bags ng kaibigan, mukhang lagi pa itong lutang at may iniisip talaga ng malalim.

"Do I look..."

"Dead? Yeah." dire-diretsong sabi ng isang tisoy. "You look like a ghost, sobrang putla mo" Napalapit nalang si Jesse dito at bigla siyang napayakap. Na awkward sa umpisa pero dahil sweet naman si Clark yinakap nalang niya din si Jesse.

"Sorry Man! I just needed a hug."

"Mukhang mabigat ang problem mo..." sagot naman nito. "Having problems with James and Brent?"

"Wala talagang pirmi bibig mo" natatawang sambit ni Jesse pero nakita niya na confuse na confuse si Clark sa sinabi niya pagkatapos nilang magyakap.

"Pirmi?"

"Ohh Clark, kasama mo naman si Caleb lumaki ba't di ka natuto mag tagalog. Pirmi is like preno"

"No you fucker, pirmi is firm sabi ni David. You're on the wrong side" Natawa nalang silang parehas doon, nangorekngorek pa si Jesse eh parehas naman pala sila ni Clark na nahihirapan sa tagalog, atleast gumaan pakiramdam niya. "Okay Jess imma sleep na —- mag hilamos ka nalang and sleep na rin, you badly need it"

"Okay na okay na Clark...." at dumiretso na nga si Clark sa kama nito at nagblindfold na. Nagshower nalang si Jesse at nakinig sa mellow na music, pampa relax. Sana makauwi na si Brent, hindi naman siya ganiyan disoras umuuwi pagiisip nito. Paglabas ng banyo nagtapis nalang siya ng twalya at paglabas niya sa sala may kumakatok sa room at kahit nakatapis lang siya binuksan na niya yung pinto.

"Je-James???"

Hindi niya expect na si Brent yun at lasing na lasing, nasalo nalang niya ito sa basang katawan niya, napahawak sa dibdib niya at muntik pa nahulog yung twalya niya. "Ohhh broo you're so fucking drunk" Inakbay na niya ito papuntang sofa at hindi na nito kaya na dalhin pa ang sarili. "Buti na kaya mo pang umuwi."

"Sabi ko naman sa'yo Markus kaya ko yung sarili ko eh ahe ahe" natatawa nalang si Brent at biglang napahikab

"Kung matotomba kalang na ganiyan, wag kana uminom. Naka ilan kaba?" tanong nito habang kumuha siya ng tubig sa ref.

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now