Sweet Nothing

335 8 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER TWENTY-EIGHT

Pagupo ni Russel nagkatinginan sila ni Caleb. "Ang init init ng ulo niyo sa isa't isa ah" Ngumiti lang si Caleb sakaniya na agad naman nahiya sa pagiiskandalo niya kanina kay David

"Sorry about that..." napangiwi si Caleb at hindi niya alam kung naging uncomfortable na yung kasama niya sakaniya, first alis ba naman nila nakita na nito yung pagka warfreak niya.

"Okay lang ano kaba naman, are you two always like that?" curious na tanong ni Russel dito. Iba kasi yung tension ng dalawa, na alam mo na may namamagitan talaga dito kahit pilit nilang tinatago.

"Uhmmm kaya naman namin
hindi mag away." tsaka siya napa smile dahil pag peaceful naman sila ni David ibang iba yung kilig tulad ng moment nila kanina sa theater "Pero since nakilala ko siya ganiyan na talaga kami"

"Woahh so matagal na kayo magkakilala?"

"Yup, bata palang kami sakit na siya sa ulo ko" sagot naman ni Caleb, may inis man sa boses niya pero doon bumalik yung mood niya sa pagaalala ng memories nila.

"Cute... childhood frenemies to roomies pala" sabi naman ni Russel "So—ano ba siya sa..." bago pa natuloy ni Russel yung itatanong  tinawag na yung pangalan nila sa bar at ready na yung drinks nila ni Caleb. "Kunin ko na pala yun"

Tumango nalang si Caleb, at napatingin kay David. Nakita niyang nawala na sa mood at busy nalang doon sa work niya. Sobrang sipag talaga eh, sa room nga nila masipag na tapos nag tatrabaho na pala siya. Nainis lang talaga siya kasi, kahit na alam naman niya hindi dapat mainis, napikon na siya na hindi sinabi sakaniya na nagtatrabaho pa 'to at medyo guilty kasi dahilan pa nito yung laptop niya. Pagbalik ni Russel kasama yung drinks may nakita siyang nakasulat sa cup niya.

"Sorry Tarbu :) pag usapan natin mamaya ah" nakasulat dito at napangiti siya na alam niyang galing kay David yun at siya nagtimpla ng kape niya.

"Why the smile on ur face?" tanong ni Russel sa kasama.

"Ahh wala haha ang cute lang ng message" sagot niya dito. Nagkwentohan na sila at okay naman, kahit kinakausap siya ni Russel hindi niya maiwasan isipin si Roomie. Hindi naman siya dati ganito eh, hindi naman siya dati concern sa isa at ngayon napapamasid siya kay David na busy na busy doon sa bar sa kape at pagmamanage nun. Proud na proud siya sa ginagawa nito ngayon, ito yung David na gugustohin niya laging makasama, hindi yung David na may paki lang sa sarili niya.

Pagkatapos nila ni Russel sumama na ito agad, magpapaalam pa sana siya kay David kaso busy na busy ito sa trabaho niya at ayaw na makaistorbo. "Well I think i need you to stay here" biglang sabi ni Russel.

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now