Mad Love

313 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




CHAPTER TWENTY-SEVEN


Nauna na si David sa theater, at akala niya andun na si Caleb dahil laging nauuna yun dahil may practice sa play. Seryoso talaga yun, at ilang weeks ng sobrang workaholic dito. Bawat detalye, at nangyayari dito sa practice eh sobrang hands on niya. Simula kasi nung nasuspend si Markus, siya na ang namahala at pinagkatiwalaan dito sa malaking event ng college nila.
Alam naman ni David ang gagawin, at siya muna yung nagsub kay Director Urbano pag wala ito pero hindi niya magawang hindi magalala dito. "Fuckkkk kasama niya pa kaya yung pungok na yun?" inis na
sambit niya sa sarili, iniisip na niya kasi na baka napasarap pagkwentohan ni Russel at Caleb, o baka kumain muna 'to at nag rant yung roomie niya lalo na ngayon lang late 'to, nakakapag over think na siya ng malala at selos na selos na si David sa naiisip niya.

Chinat niya si Ella at hindi naman daw nito nakita si Caleb kaya lalong nagalala si David dito. Lalabas na sana siya kaso bago pa makatayo eh pumasok na si Caleb na sobrang normal lang at parang hindi late, dinaanan niya lang si David at dumiretso sa may harapan ng stage at ginawa na niya agad yung trabaho niya.  "Good mood ka ah, nakita ko palang kung pano yung pagkainis ng tingin mo saamin ni Ella kanina" bulong ni David sa sarili at pinanood na niyang mag lead ang director tarbu niya.

"Good Job guys!" Sabi ni Caleb pagkatapos na maayos na mapresent ng mga kasama niya ang Act One ng Play. Tinabihan naman siya ni David na kanina pa na nanonood lang.

"Lunch tayo?" tanong niya dito at napalingon sakaniya si Caleb.

"Kasama mo si Ella?" tanong naman nito sakaniya.

"Uh—- oo. kasama ko naman siya lagi diba?" napabuntong hininga si David at hindi niya mabasa kung ano yung reaksyon ng kaibigan, nakatingin lang ito sakaniya at hindi man pumipikit.

"Ayun naman pala eh, kasama ko naman si Russel. Hindi naman natin kailangan magsama, hindi naman tayo mag roomie hanggang dito." medyo nanginginig na pagkasabi ni Caleb at tumalikod sa kasama. "Guyssss! lunch break muna, balik tayo mamaya" Napapaluha na siya na ewan, nakita siya ni Justin na agad siya nilapitan. "Sige David, kita nalang tayo mamaya. Pwede ka namang mag practice na sa basketball—- kailangan mo yun sa next game" sambit ni Caleb, medyo naayos na niya yung pagsasalita pero patuloy ang pagpatak ng luha niya.

"Pwede naman tayong sabay kahit tayo nalang, sabihan ko si Ella" Yinakap ni David si Caleb pero walang reaksyon yung isa at nag busy busyhan lang nagkatinginan naman si Justin at David na parang sinasabi ba ni Justin na may something nga kay Caleb.

"Hindi na David, walang kasama si Ella." sagot ni Caleb dito at inalis yung pagkakayakap ni David sakaniya.

"Caleb..."

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now