Trapped

774 12 1
                                    

CHAPTER THREE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER THREE

Talagang gagawin ni David ang lahat para lang mapagtripan 'tong si Caleb kaya hindi nagkataon yung sa Pizza na yun, hindi pa siya tapos sa araw na yun para maasar yung mortal niyang kaaway.

"Gusto niyo pizza guys?" tanong ni David sa barkada niya pagkatapos nila magusap-usap about sa problem niya sa Money and why he wants the room of Caleb.

"Yes, nakakatamad magluto tapos 'tong si Clark lang lalamon." inirapan nalang ni Clark itong si Jesse na parang magasawa na sa dorm na'to at anak nila si David. Hindi naman siya marunong talaga magluto at buti nalang 'tong si Jesse kahit papano nakakapagprito.

"Okay, magoorder nako hehe" iba yung nakita nilang ngiti kay David nagtinginan yung dalawa kasi Pizza lang naman diba? Iba yung ikinakasaya nito. Kaya inalam agad nung dalawa, lalo na si Clark kung ano bang plano nito.

"Your treat men?" tanong ni Clark dito.

"Yup Men!! Kaso borrow muna ko sa'yo." excited na sagot nito.

"weird." pagtataka ni Clark eh once in a blue moon lang naman manglibre 'tong kaibigan nila eh lalo na pag pinapalayas sa bahay walang ka pera pera.

"Dude, dude, dude" excited na tawag ni Jesse kay Clark pagkatapos makalayo ni David sakanila. "I just saw Brent's post and magpipizza night sila!" ngumisi yung dalawa at nilapitan si David

"Tol ano ba balak mo?" Diretsong tanong ni Jesse sa kaibigan.

"Balak? Saan? Pizza diba?" sagot ni David

"Okayyyyyy" mainam na sagot ni Jesse pero tinignan niya si Clark at alam na nila agad na tama hinala nila.

"Sige mga tol, baba nako ah" agad na sabi ni David at nagmadali siyang lumabas kahit kaorder order niya lang agad.

"Wait you forgot the money" pakuha palang ng pera si Clark eh pero naglahong parang bula itong kaibigan niya.

"Naka high ba yun oh ano?" tanong ni Jesse sa kaibigan

"No he doesn't do that. Baka may new shawty?" tanong naman ni Clark.

"Hahaha yung pinsan mo?" sagot naman ni Jesse tsaka sila nag high five dalawa.

Inunahan na talaga ni David bago pa man makaalis sa Pizza Place yung sa app niya eh same store lang naman kung saan nagorder sina Caleb because Brent also quoted on his instagram story that they ordered the Caleb special and he knows what he is going to do will piss off Caleb so bad. Lalo na sabay ng dadalhin ng place yung pizza nila at kilala pa niya yung magdedeliver nito.

Kahit na 35 minutes siya naghintay eh sabik na sabik na siya sa gagawin niya ultimo para siyang kiti kiti na ready na mambwisit ng nerd na asa same building lang.

Pagdating ng pizza eh aligaga siya at tingin ng tingin kung andiyan na si Caleb pero alam naman niya na hindi ito baba hangga't wala pa yung pizza sa mismong lugar kase alam niyang ayaw nitong naghihintay. "Mark!" bati nito kahit medyo kaclose niya lang itong delivery guy.

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now