Feeling Epic

588 10 1
                                    

CHAPTER TWELVE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER TWELVE

Inis na inis si David at sinuntok niya ng malakas yung lumalapit na Jerome kay Caleb. "Wag na wag kang lalapit sa Boy-friend ko ha?!"

Nagising naman si Caleb dun ng kaunti at susuntukin pa sana ni David yung Jerome "Arghh sakit ng ulo ko—-a-a-anong boyfriend?? David tama na yan." sinubukan niya ito hilaain, buti nalng may lakas pa siyang hilain si David.

Nakuha naman nito yung mahina nung isa at iniwan na niya yun. "Kapag lumapit kapa sakaniya, hindi kana makakalakad!" Pagbabanta nito kay Jerome

Nakaakbay niyang pasakay si Caleb sa Passenger's seat "Kaya ko 'to Arancel anuba..."

Ngumisi lang si David sakaniya. "Wag ka ng mayabang, kahit tumayo nga parang hindi mo na kaya." sabi nito at sumakay na siya sa kotse. Medyo nabuhayan na ng konti si Caleb at nakita ni David na dry na dry na yung labi nito. "Tuyong tuyo na labi mo oh!" panenermon nito "Alam mo naman na mababa pala tolerance mo sa alak tapos nagwalwal ka ng ganun.." inis na inis na sabi nito.

"Wet mo kasi hehe" nakapikit na sabi ni Caleb na mukhang may tama pa.

"oo, wet na wet yan sakin mamaya" maloko naman na sabi nito. "Ba't mo bako pinigilan na tuluyan yung hayup na yun?" tanong niya kay Caleb, pero paglingon niya tulog na yung kasama niya at hinayaan nalang niya. Nag-stop si David sa 7-11 at bumili ng dalawang tubig tsaka paracetamol. Inis na inis siya sa kasama niya at habang nakapila sa cashier eh ano ano nalang pinagiisip niya kay Caleb. May nakita siyang coffee machine dun at bumili na din siya nung black coffee Palagay ko ayaw niya 'to pero magtiis siya, kagagagawan ng gago eh. Tinignan niya yung kotse niya na nakapark sa harap ng store, para makita niya din si Caleb dahil tulog na ito "walang matutulog, pupuyatan kita" hindi niya alam na nasasabi na pala niya yung iniisip niya.

"Ano sir?" biglang tanong nung cashier.

"Ahh ano miss, nakakagising naman po yung brewed coffee niyo diba?" tanong niya dito at may nakita siya dun sa counter na lube at condoms, yung mga may flavors. hmm walang coffee flavor eh... baka magustohan niya yung chocolate, makakakilos paba yun? wasak na wasak amp pang 1 week na kaya kunin ko? tanong ni David sa sarili sa isip niya na kanina pa nakatitig dun sa mga condoms sa counter.

"Opo Sir.. pure beans po yung coffee namin — uh sir may kukunin pa po ba kayo?" Tanong sakaniya nung cashier pero hindi niya maiwasan na tumingin tingin sa kotse niya at kay Caleb. Kumuha na siya ng kahit anong flavor doon. Binalot na nung cashier yung pinamili niya, agad na siya bumalik sa kotse at nilagay yung kape sa may cup holder. Tinignan niya si Caleb at hindi pa naka seat belt.

"Hoy Urbano uminom ka ng tubig oh" binuksan niya yung malamig na tubig na binili niya pero mukhang tulog na yung kasama niya. "Urbano???"

"Ohhh?" Nakapikit na sagot nito mukhang nanaginip na ata. Ayaw niya pang patulugin 'to, ayaw niya din yung tahimik na biyahe at ayaw na niyang magbuhat papuntang second floor, sayang din yung kape na binili niya. Dinikit niya yung tubig sa labi nito.

Pull Me CloserWhere stories live. Discover now